RATED 18 || SPG
She never like the spotlight nor the attention of anyone. Kaya nga kahit na alam n'yang kulang ang atensyon at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang, okay lang sa kanya. Hangga't s'ya rin lang ang nagpapaikot sa buhay n'ya, okay lang sa kanya.
Kaya naman hindi n'ya inaasahan na mahuhulog s'ya sa lalaking mula pa noong unang beses na makilala n'ya ay sentro na ng atensyon ng lahat.
Mula pa noong mga estudyante pa lang sila, until now that they are both adults— Markiel Antonio Ronquillo is still on the spotlight, the center of everyone's attention. He's the country's pride, the baseball prodigy.
She hates everything about him. Kaya siniguro n'yang mananatili lang silang magkakilala, hindi na hihigit pa roon.
Huli na nang ma-realize n'yang nahuhulog na s'ya rito. Natututunan na n'yang tanggapin ang pagiging maingay ng pangalan nito at pagiging sentro ng atensyon.
At ang pinakamahalaga sa lahat, nakalimutan n'yang bago pa s'ya mahulog dito, nahulog na ito sa iba. Yes, she fell hard— like a curve ball.