Chapter 6

2124 Words
Alam mo yung ang sarap na ng tulog ko pero etong celphone ko tunog ng tunog! Pag si Cooper talaga tong tumatawag lagot sa akin to eh, mababangasan ko talaga sa mukha to eh. May pasok pa ako mamaya sasabak na naman ako sa pakikipag-englishan sa mga customer ko nosebleed na naman eh. Ang mahirap don hindi ko makapa ang cellphone ko ayaw ko pa buksan mga mata ko, antok na antok pa ako. Wala siyang tigil sa kakatunog, sa wakas nakuha ko na rin nasa pwetan ko pala buti na lang hindi naka-on ang vibrate kung hindi hahaha basta. Sinagot ko ang tawag ng hindi ko tinitignan. "Anak ng tokwa't baboy naman oh, sarap pa ng borlog ko eh kanina ka pa tawag ng tawag." singhal ko. "Bes." nagising ang diwa ko ng marinig ko ang boses ni Velvet. Mukhang umiiyak siya. "Oh anong nangyayari sayo?" nag-aalala na tanong ko napaupo na ako sa kama ko. "Bes, i need you kita tayo sa bahay now na. Papunta na ako don." "Sige sige papunta na ako." agad akong tumayo at nagsuot ng bra, nagtoothbrush lang ako at nagsuklay, juzmeyo ano naman kaya ganap kay Velvet. Nagtricycle na lang ako since umaambon pa. Juzkolord ngayon ko lang narealize na nakapantulog pala ako na terno na satin na spaghetti strap at maikling short. Kaya pala ang mga tricycle driver ay nakangiti sa akin. May sulyap na naman ang mga manyakis eh. Pagdating ko sa bahay nila Velvet ay wala pa siya. Umupo muna ako dito sa katabing tindahan ang shugal ng babaita nakicharge muna ako kasi nalobat na pala ako, pinagtitinginan na ako ng mga bumibili, parang ngayon lang nakakita ng nakapantulog ng hapon eh. Almost 1hour na ang beauty ko naghihintay dito i tried to call her pero unattended na, ano to iindianin niya ako? "Nadine." Napalingon ako sa tumawag sa akin si Brandon, nauna pa siya dito ah. "May problema ba kayo ni Velvet? Kanina pa ko naghihintay dito wala pa rin siya." "Meron ka pa bang ibang pwede natin kontakin para malaman natin kung nasaan siya? Kailangan ko siya makita ngayon din." tumingin ako sa contacts ko. "Nadine nagaalala na talaga ako hindi ko alam pero ang lakas ng kaba ng dibdib ko." "Bakit ba kasi ano ba ang eksena niyo? Ang gulo niyo kasing dalawa hindi ko alam sa inyo kung ano ba ang status niyo. Hanggang kailan ba kayo ganyan, yung maglalaro ng taguan ng feelings?" kakaloka tong dalawa na to eh, mukhang mahal din naman ni Brandon si Velvet ayaw pa mag-aminan. "Mahal ko ang bestfriend mo hindi ko lang masabi pero ngayon handa na ako sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko, bumalik lang siya sa akin." "Yun naman pala eh, alangan naman si Velvet pa mauna umamin sayo." kainis eh ako ang naiistress sa dalawa na to. "Nadine please naman gumawa ka ng paraan para makita natin si Velvet, humanap ka ng pwede pang tawagan para malaman natin kung nasaan siya." pagsusumamo nito sa akin, wala ako maisip na iba kundi si Hampton. "Ayaw ko man ito sabihin pero baka si Hampton may alam, okay lang ba if tawagan ko siya at tanungin if nakausap niya si Velvet?" Tumango lang siya wala siyang choice at wala rin ako choice siya lang naiisip ko. Idinial ko ang numero ni Hampton at ini-on ang loudspeaker, matagal bago nito sinagot. "Nadine buti napatawag ka papunta ako ngayon sa hospital naaksidente si Velvet" bungad pa lang nito ay kinabahan na ako. "Sigurado ka ba diyan Ton? Saang hospital ba ito? Kamusta ang lagay niya? Dapat magkikita kami eh, bakit siya naaksidente? Okay lang ba si bes? Bilisan mo sumagot pupunta na kami hospital" naghi-hysterical na ako. "Oo tinawagan ako ng hospital pumunta ka na dalian mo nasa Asian Hospital siya, hindi ko pa alam lagay niya yun lang ang sinabi sa akin." "Brandon halika na dalian mo kailangan mong maging matatag ngayon, sana lang hindi malala ang kalagayan ng bestfriend ko. Hindi pwedeng maaksidente yun baka galos lang naman, maingat magdrive yung babae na yun eh." hinila na ko na siya papunta sa kotse niya. Agad akong bumaba pagdating namin sa hospital ako na ang pumasok at nagtanong sa information. "Andito nga po siya papuntang operating room na po, kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" naiyak na ako ng marinig ko na confirmed andito siya, kinakabahan ako kung anong nangyari sa kanya. "Bestfriend niya ako pero andito asawa niya wait lang susunduin ko lang." "Brandon halika na doon sa waiting area, andito nga si Velvet" umiiyak pa rin ako ng sunduin ko si Brandon hinila ko na siya papunta sa waiting area nasa operating room na daw si Velvet. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari, bakit ba siya nasa operating room? "Hampton what happen to bessy" nakita ko si Hampton na galing ng emergency room. Pero hindi niya ako pinansin binaling niya kaagad ang atensyon niya kay Brandon "Ang kapal ng mukha ng isa diyan andito pa talaga siya at nagpakita pa. For sure may ginawa ka na naman dahilan para maging depress si Velvet, tinawagan niya ako kanina at ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mga boses niya." G na G ang lolo mo kay Brandon. "Ton tumigil ka, si Velvet ang pinunta natin dito lahat." sabat ko. "Pag may nangyaring masama kay Velvet hinding hindi kita mapapatawad, mapapatay talaga kita." sigaw ni Hampton gigil na gigil na talaga siya, alam mo yung nagsasalita siya pero hindi bumubukas ang labi niya. Napaatras ako ng suntukin ni Hampton si Brandon, baka matamaan ako eh. "Ikaw ang dahilan bakit naaksidente si Velvet sinaktan mo na naman siya, hanggang kailan mo ba siya balak saktan? taena wala kang kwentang lalaki wala kang alam kundi paglaruan si Velvet. Bakit mo ba siya laging sinasaktan? She doesn't deserve you Brandon." mukhang susuntukin na naman ni Hampton si Brandon kaya umentra na ako. "Hampton please! This is not the right time para magsisihan walang may gusto na mangyari to. Ano na ba kasi ang nangyari kay bes kamusta na siya?" naiyak na naman ako dahil ang daming pumapasok sa utak ko na pwedeng nangyari sa kanya. "Hindi ko pa alam dumating ako dito nasa operating room na siya sabi ng mga nurse buti nalang sa may passengers seat ang malalang nabangga pero wala ng malay si Velvet ng dinala dito" Biglang umalis si Brandon, kami ang naiwan ni Hampton. "Sorry Nadine hindi ko lang talaga napigilan sarili ko, akala ko patay na si Velvet ng dinala dito." Napasapo ako sa mukha ko hindi pa rin kasi matigil ang pag-iyak ko, hindi ko maimagine na iiwan na kami ni Velvet. "Napakagago talaga niyang Brandon na yan, kawawa naman si Velvet." Nawalan ako ng gana magsalita, nalulungkot ako. After an hour, sinabihan kami ng nurse na nasa private room na si Velvet. "Brandon ano na okay na ba si Velvet?" agad na tanong ko pagpasok pa lang. "Sabi ng doctor okay naman na siya pero hindi pa siya nagigising may minor head injury siyang natamo." lumapit ako kay bes, kaawa awa ang itsura niya ngayon. Sumunod sa akin si Hampton at hinawakan ang kamay ni Velvet. "Pag gising niya Brandon iwanan mo na siya, kukunin ko na siya sayo wala ka namang alam kundi pasakitan lang siya. Sa akin hindi ko siya sasaktan, hindi ko siya papaasahin mamahalin ko siya ng sobra sobra hindi katulad mo." matigas na sabat ni Hampton. Nagkasukatan ng tingin ang dalawa. Lumapit si Brandon kay Velvet at marahas na nilayo ang kamay ni Hampton na nakahawak dito. "Wala kang karapatan sa kanya, ako ang asawa niya." nagkakasukatan na naman sila ng tingin mukhang any moment may suntukan na naman magaganap. "Pwede ba kayong dalawa tama na yang bangayan niyo ipagdasal na lang natin na maging okay si bes. Siya ang makapapagsabi kung kanino siya sasama wala kayong karapatan magdesisyon para lang sa sarili niyong kapakanan. Pagkagising ni bes, siya ang magsasabi kung kanino siya sasama." inis na suway ko sa dalawa. "Ikaw Brandon nakakainis ka din, ngayon ko lang sasabihin to sayo mahal ka ng bestfriend ko pero parang manhid ka yata at hindi mo maramdaman. Pagkatapos pinapakita mo pa sa kanya harap harapan ang panloloko mo sa kanya, sabagay sinabi ko naman sa kanya na wala siyang karapatan masaktan dahil hindi naman kayo in real life may kasunduan lang naman kayo. So it's better na magpa-annul na lang kayo kesa naman hayagan ang pambababae mo. Masakit yun sa part ni Velvet alam mo ba yun? " naiirita na ako sa dalawang to. "Ikaw naman Hampton ilang beses na sinabi sayo ni bes na hanggang kaibigan lang ang turing niya sayo pero ayaw mo pa din bumitaw hindi ka na lang maging masaya para sa kanya." baling ko naman kay Hampton. "Pareho din kayong makulit nakakaasar kayong dalawa ang sakit sakit niyo sa bangs, sana lang Brandon kung hindi mo siya kayang panindigan pakawalan mo na lang siya. Tigilan niyo na yang deal na yan, nasasaktan na ng sobra si Velvet." nanahimik ang dalawang mokong. "Hindi ko maatim na makita ang bestfriend ko na nasasaktan, hindi mo lang alam Brandon kung gaano kadaming sakit na ang idinulot mo sa kanya pero pinaninindigan na lang niya at sinasarili na lang niya ang nararamdaman niya para sayo dahil may kontrata kayo at deal lang naman ang meron sa inyo tapos may kupal pang Amanda." dugtong ko. "Saka ikaw Hampton wag ka muna umasa diyan kay bes ah, heartbroken na naman yan eh wag mo ng guluhin utak niya. Kung kayo kayo in the end hintayin mo na lang maghilom muna ang puso niyang wasak ngayon. Kakaloka tong buhay ng bes ko hindi ko kinakaya, kawawa naman bes ko ah lagi na lang sawi." "Hindi naman kami ni Amanda, i have my own reason bakit kailangan ko makipagkita kay Amanda at mali ang iniisip niyo na may relasyon kami." pagdedepensa ni Brando sa sarili niya. "Sinungaling ka, tinext ako ni Amanda inihahabilin na niya sa akin si Velvet dahil kayo na daw ulit at magkasama kayo buong weekends." napatingin ako kay Bradon to check if tama ba narinig ko. "Hindi mo alam ang buong istorya at wala akong kailangan ipaliwanag sayo, kung magkasama man kami ni Amanda may sarili akong dahilan at para sa amin yun ni Velvet para sa ikatatahimik namin, nang relasyon namin." May pumasok na nurse at pinapatawag daw siya ng doktor. "Halika muna Hampton." hinila ko siya palabas hanggang makarating kami sa labas ng hospital. "Hayaan mo muna si Velvet, kumplikado ang sitwasyon nila hayaan mo muna si Brandon na andiyan sa tabi niya asawa niya si Velvet kahit pagbaligtarin mo man ang mundo kasal na sila. Kaya hayaan mo na si bes, mahal niya si Brandon eh." seryosong sabi ko kay Hampton. "Pero hindi naman siya mahal ni Brandon eh." "Nagkakamali ka don, mahal niya si Velvet nagtataguan lang sila ng feelings kasi meron silang usapan na bawal sila mafall sa isa't isa. Pero huli na, hulog na hulog na sila sa isa't isa." Bumakas ang disappointment sa mukha ni Hampton. "Alam mo naman si Velvet lang ang nagpatibok ng puso ko." "I know, kaya lang wala ka ng laban mahal nila isa't isa saka kasal na nga sila. Paulit ulit naman ako eh kainis to." "Sige aalis na ako but i cant promise na hindi ako babalik para dalawin siya." "Teka lang, hintayin mo na ako hatid moko tignan mo naman itsura ko ayaw ko magcommute." Naconcious naman ako ng very light ng tignan ako ni Hampton mula ulo hanggang paa at tumawa lang. "Papaalam lang ako kay Brandon ah, wait mo ako." "Sige doon lang ako sa smoking area." Bumalik ako para magpaalam kay Brandon may pasok pa kasi ako, kinausap niya muna ako nahingi ng tulong paggising ni Velvet magexplain ng side niya. "Taralets." yaya ko sa kanya. "Hindi ka na ba babalik sa parents mo sa abroad?" "Hindi ang boring don, mas okay dito." "Paano yan babalik ka na sa work?" isa kasing manager dati si Hampton sa work namin ni Velvet, pero sa ibang department siya. "Yes nakausap ko na yung operation manager sakto meron naman bagong account na magbubukas don ako ilalagay." "Good yan." saglit lang kami nakarating sa bahay wala naman kasi traffic. NIyaya ko si Hampton na pumasok muna sa bahay para magkape gora naman siya. Nagulat ako ng andito si Cooper, ang sama ng tingin niya kay Hampton at pati na rin sa akin tinignan niya din ako mula ulo hanggang paa at tumingin ulit kay Hampton. "M-Mahal akala ko matutulog ka na ng iwanan kita, sa ibang bahay ka ata natulog ah." seryosong sabi nito pero kay Hampton siya nakatingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD