"Naku girlie sabi ko sayo pasyal pasyal muna talagang talo na tayo oh." ani Charlotte ng matapos and 2nd round. Paano 71 versus 45 tambak talaga eh.
Nagpout lang ako ng lips ko. "Bwiset to eh, hindi ko naman kasalanan yun eh noh sadyang magagaling lang yung kabilang team eh."
"Halika lumabas muna tayo samahan mo ako magyosi tapos bumili na lang tayo ng lafang, ang init na ng ulo ni Coach oh." suhestiyon ni Charlotte. Gora na lang kesa nga naman masisi pa ako dito ng todo todo.
"Okay fine libre mo ba?" pang-aasar ko kay Charlotte.
"Hala siya abot hanggang dito ang fezlak kapal, ikaw nga nanalo ng 10kiyaw diyan eh."
"Joke lang tong vaklang to, sige ako na manlilibre." saktong tayo ko siyang dating ni Cooper.
"Mahal papunas ulit ng pawis ko, lucky charm kita eh. Nakita mo ba laging shoot mga tira ko?" hyper na sabi nito sabay abot sa akin ng towel niya. Napatingin ako sa mga chizmakers na mga officemate ko. Mga nakangiti eh, kanina pa sila kilig na kilig samantalang ako hindi na magkandaugaga dito pag nakakashoot siya dahil laging natingin sa akin si Coach, paano tuwing nakakashoot tong si Cooper tinuturo ako at laging may flying kiss eh.
Pinunasan ko na lang siya ng pawis ng matapos na.
"Tara lets bagets." yaya na ni Charlotte.
"Saan ka pupunta mahal?"
"Kakain nagugutom na ako."
"Gutom ka na kaagad? Ang dami mong kinain kanina ah, dalawang quarter na lang wait mo na ako." anito at bakas ang lungkot sa mukha nito.
"Eh nagpapasama kasi si Charlotte kawawa naman kinakain na ng large intestines niya ang small intestines niya."
"Sige pero balik ka kaagad ah."
"Try ko mabagal kumain to si Charlotte eh."
"Pleaseee." pagmamakaawa nito.
"Try ko, sige na balik ka na don."
"Okay hihintayin kita ah." tumalikod na siya pero lumingon ulit. "Wait lang pampaswerte lang." at yun nga nanakawan na naman ang halik ng lola niyo sa pisngi sabay takbo ng magnanakaw lumilingon lingon pa at nakangiti habang tumatakbo.
"Ano ba yan naiihi ako sa kilig." sigaw ng isang officemate ko.
"Kainis!" ungot ko saka niyaya na si Charlotte palabas.
"Girlie bakit ganon kinikilig din ako sa loveteam niyo. Kakaiba to si Cooper eh ambilis kumilos."
"Anong nakakakilig don?" mataray na sagot ko.
"Ay manhid? Ano ka tinurukan ng isang gallon na anesthesia?" hindi makapaniwala na sagot ni Charlotte.
"Hello kahapon ko lang siya nakita at nakilala gusto niya jowa na kaagad ako."
"Eh anong magagawa mo na love at first sight sayo, hindi na uso pakipot ngayon dzai gora ng gora baka mamiss mo pa ang chance kay mr. right."
"Ginaya mo naman ako sayo mahal lahat ng boys." inirapan ko nga.
"Hindi sa ganon dzai, tagal na rin ng last boyfriend mo ah. Magjowa ka na, mukhang mas okay tong si Cooper nasasakyan ang kabaliwan mo. Hindi katulad ng ex mo masyadong perfectionist." isang mag-asawang irap na naman nakuha ni Charlotte, ipaalala ba ang ex ko. Nagkaron kasi ako ng jowa na taga opisina din actually isa sa mga may position, naging parang Maria Clara ako that time nang naging kami dapat mahinahon ako magsalita kumilos, which is hindi ako ganon. Ang hirap kaya muntik na ako mastroke sa sobrang hinahon ko, hindi ako pwede sa ganon dapat nakakapagsalita ako at least 10thousand words a day.
Wala nainlababo ang lola niyo don pero nauntog din kinalaunan.
"Maghanap ka na nga lang ng kakainan natin. Kaloka to lovelife ko na naman pinakekelaman mo."
"Eh akin na lang si Cooper kung ayaw mo?" pang-aasar pa niya.
"Kunin mo na kung gusto mo. Isaksak mo sa baga mo." iritang sabi ko.
"Hahaha pikon na yarn. Eto dito na lang tayo sa kfc."
Umorder na kami kapal muks din to si Charlotte talagang ang daming inorder.
Fries at hotshots lang ang inorder ko. Nagbrowse lang ako ng f*******: habang kwento ng kwento si Charlotte ng may nagmessage sa akin.
Cooper Abalos : Mahalll kooo nasaan ka na hindi kita makita.
Napangiti ako ng lihim naiimagine ko kasi ang itsura niya na sinasabi to'.
Cooper Abalos : Mahall wag mo ako iseenzone nasaan ka na nauubusan na ako ng energy.
Hindi ko alam ano irereply ko.
Well kawawa rin naman siya kanina pa siya nakasalang sa game mula first hanggang third quarter.
Cooper Abalos : Wawa naman ako, hindi ako pinapansin ng mahal ko.
Nireplayan ko na nga ang kulit eh.
"Uy babaita, effective ang pag-alis natin nakakahabol na ang team natin. Naubos na ata lakas ni Cooper, hindi na nakakashoot daw."
Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
"Mahal." sabay kaming napalingon ni Charlotte, potek natunton pa niya kami dito.
"Oh, diba sabi ko sayo kakain lang kami ni Charlotte. Bakit andito ka?"
"Pinagpahinga muna ako ni Coach, pagod na pagod na ako tapos hindi pa kita makita." umupo ito sa tabi ko.
"Juzkolord bigyan niyo rin ako ng Cooper the second please." untag ni Charlotte.
"Hala ka lumabas ka pa lagot ka kay Coach niyan pag hinanap ka."
"Halika na kasi matatapos naman na ang game namin." pagmamakaawa nito. Hinawakan na niya ang kamay ko at hinila na palabas, tinake-out na lang tuloy ni Charlotte ang natirang pagkain niya.
"Ay ibuh sinundo talaga." komento ng isang officemate ko pagbalik namin.
"Haba ng hair ng Ate Nadine niyo eh, well wala na talaga tanggapin na lang siguro natin na talo tayo this time." komento rin ni Charlotte.
Bumalik ang sigla ni Cooper sa last quarter, infairness naman nakakataba naman ng puso kahit papano na ako dahilan bakit masigla siyang naglalaro.
Natapos ang last round at hindi na talaga kami nakahabol. Tinawag ako ng coach ko sa badminton dahil ako na ang maglalaro next. Sa buong laro ko ang dami kong cheerer dahil kay Cooper din. Natapos din kami before lunch, pagod na pagod na naman ang pakiramdam ko.
"Mahal. Uuwi ka na ba?" kalalabas ko lang ng c.r nagpalit ako ng damit.
"Oo may pasok pa ako mamaya."
"Hatid na kita pero kain muna tayo." kinuha na niya ang dala kong bag saka hinawakan ang kamay ko.
"Okay." maikling sagot ko.
Pagkatapos namin kumain at hinatid na nga niya ako, andito na kami sa apartment.
"What time ang pasok mo mahal?"
"9pm, sige papasok na ako ah nang makatulog na. Ingat ka na lang sa paguwi mo." akmang bubuksan ko na ang screendoor ng iniharap niya ako sa kanya at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Thank you, dahil sayo nainsipired ako ng sobra today." he whispered in my ear. Ewan ko ba napapikit ang lola niyo, parang may kuryenteng dumaloy when his breathe reach my skin.
Napamulat ako when his hands touches my cheeks, i saw his sweetest smile na kita ang mga dimples niya. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko. May sasabihin ako eh pero hindi ko masabi parang umurong ang dila ko.
Napapikit na lang ako ulit when his lips touches mine. Oh my gosh, bakit po feeling ko nanghihina ang tuhod ko.
Nang hindi ko na maramdaman ang labi niya sa akin ay binuksan ko ulit ang mga mata ko, nakangiti pa rin siya akin.
"Para akong bakla shit."
"Huh?" tanging nasagot ko.
"Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, tuwing dumadampi ang labi mo sakin parang may tambol dito sa dibdib ko." kinuha niya ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya at hindi nga siya nagsisinungaling ang lakas ng t***k ng puso niya.
"Pagod lang yan, saka yung kape tantanan mo ako. Sige na huh matutulog na ako, ingat ka." walang kaabog abog na tinalikuran ko na siya at mabilis na sinara ang pintuan.
"Dream of me Mahal, uwi na ako see yah later."