Napabuga ng hangin si Cedric habang nakatihaya sa kama. Masyado siyang nadala ng emosyon niya at nawala sa loob niya na bago palang sila. Hindi niya pwedeng gawin kay Thea ang ginagawa niya sa ibang mga babae na nakarelasyon niya. Dahil iba si Thea. Mahal niya ito. Sumulyap siya kay Thea na noo’y nakaupo sa gilid ng kama patalikod sa kanya. Muli siyang bumuga ng hangin bago siya bumangon. Yumakap siya mula sa likuran ni Thea atsaka niya inihilig ang ulo niya sa balikat nito. “I’m sorry, Babe. Napasobra ako.” Muling gumapang kuryente sa braso ni Thea paakyat sa mukha niya. Ramdam niya ang sinseridad sa paraan ng pagsasalita ni Cedric. Nilingon niya ito atsaka niya dinampian ng halik sa labi. “Sorry din,” nakangiting sabi niya. Lumuwang ang pagkakangiti ni Cedric. Hinila siya nito pahiga

