Sa Talaga Beach sa Bataan napadpad ang grupo nila Thea. Hindi pa masyadong nade-develop ang lugar na ‘yon as resort kaya mura pa ang bayad. Tanging ang mga tao lang kasi na nakatira sa maliit na baryong iyon ang naniningil ng entrance fee sa mga katulad nilang turista. Mangilan-ngilan lang ang tao na naroon hindi katulad ng mga beach resort na nadaanan nila sa Subic. Lagi namang ganoon ang grupo nila, basta na lang magda-drive tapos bahala na kung saan titigil. Kung saan may magandang spot para mag-paint doon sila. Sa pagtatanong-tanong sa mga taong nasasalubong nila sa kalsada, narating nila ang tahimik na lugar na iyon ng San Isidro. Halos dulo na raw iyon ng Bataan sabi ng mga taga-bario. Tahimik sa lugar na iyon. Malamig at presko ang hangin na sumalubong sa kanila sa bulubunduking lug

