Biglang natigilan si Cedric. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi niya. "Ano'ng sinabi mo?" naniningkit ang mga matang tanong niya. "Wala!" walang emosyong sabi ni Thea atsaka siya tinalikuran. Natawa si Cedric. "Narinig ko nag- i love you ka, eh,” aniya na sumunod sa dalaga. "Narinig mo naman pala, eh!" Natatawang inabot ni Cedric ang dalawang kamay niya atsaka siya nito hinila papalapit. "Grabe kang magpakilig, ha! Hihimatayin yata, ako," ani Cedric na humawak pa sa tapat ng puso niya. Napangiti naman si Thea. Masyado kasing OA ang reaction ng binata. "Hindi mo alam kung gaano mo napagaan ang loob ko. Akala ko bibiyahe ako na mabigat ang loob dahil hindi mo ko pinapansin. Wala nang bawiin ‘yon, ha? Tayo na talaga?” “Bakit sinabi ko bang tayo na?” nangingiting sabi ni Thea.

