Her Silent Confession

1683 Words

Napangiti ang mama niya atsaka tumabi sa kanya sa sofa. “Ngayon lang kita nakita nang ganyan, ah. Mukhang tinamaan ka na nga talaga, anak,” anito. “Mahal ko siya, Ma. Pero hindi ko alam kung paano mag-reach out sa kanya. Iba kasi siya, eh. Hindi siya ‘yung tipong himas-himasin mo lang okay na. Pilit kasing pinapatigas ang loob niya ng masasakit na pinagdaanan niya sa buhay.” “Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanya?” “Ulila na siya, Ma. Namatay ‘yung parents niya noong araw mismo nang birthday niya. Tapos a few months ago, namatay rin ‘yung older brother niya. Wala na siyang pamilya. Mag-isa na lang siya,” kwento niya. “Grabe, pala ang nangyari sa kanya, anak. Hindi pala biro ang pinagdaanan niya. Masakit tanggapin ‘yung alam mong magse-celebrate kayo ng birthday mo. Na dapat masaya kayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD