Chapter 37 *Rachel* Sa haba ng biyahe ay nakatulog si Romeo. Natawa ako ng mahina dahil akala niya siguro, kakayanin niya ang 24 hours na biyahe. Hindi naman ako nahirapang gisingin siya. Isang kalabit ko pa nga lang ay napamulat agad siya. “Manila?!” Gulat niya pang tanong. Nakatulugan na niya ang pagtanaw sa mga ulap. Sinaulo niya rin ang address ng tita Melissa niya. “Yes. Get your backpack, anak,” wika ko sa kaniya dahil bababa na kami. Sinuklay ko pa ang malambot niyang buhok gamit ang daliri ko. Nang makalabas sa airport ay bumalik sa akin ang pamilyar na simoy ng hangin. Mainit. Kaya agad kong inalis ang jacket ni Romeo. Alas singko pa lang naman pero mainit na. Tulak-tulak ang cart na naglalaman ng mga bagahe namin ay natanaw ko na agad si Melissa. Maraming tao pero agad kong

