Chapter 38 *Robert* Hinawakan ko ang magkabila niyang pulsuhan. Hinigpitan ko hanggang sa malusaw ang nang aakit niyang ngiti sa akin. Diniinan ko ang paghawak hanggang sa mapangiwi siya. Wala akong pakialam kung magkapasa man ‘yon. “I’m your boss now, Margaret. Umayos ka,” mariin kong saad sa kaniya at pabagsak siyang binitawan. Napasandal siya sa lamesa ko. Ang lakas ng loob na guluhin ako dito sa opisina ko. Nakakalimutan ang trabaho at iba ang gustong gawin. Hindi ako natuwa sa biglaang pagpasok niya dito ng wala akong pahintulot. Kanina ay sumasakit ang ulo ko dahil ang daming trabaho na binigay sa akin sa buong araw ko. Lalong sumakit ang ulo ko at uminit pa ng dahil sa babaeng ‘to. Konti na lang… mawawalan na ako ng respeto sa kaniya. Okay naman kami dati. Hindi naman siya gani

