Chapter 4

2212 Words
Chapter 4 *Rachel Flame* Hanggang makarating sa bahay ay paulit-ulit ang boses niya sa isip ko. Ang pagtawag niya sa pangalan ko kanina parang umi-echo sa pandinig ko at isip. Sa mental talaga ako nito dederetso kung tatagal akong ganito. “Where here,” wika ko at nilingon siya. Nakita ko siyang bumaba na ng sasakyan kaya sumunod din ako. Binuksan ko sa likod para makuha niya ang mga gamit niya. “Kailangan mo ba ng tulong?” Tanong ko kahit na alam kong kayang-kaya naman niya. Base sa muscles niya? Mukhang sanay na sanay sa buhatan. “Ayos lang po, Ma’am,” sagot naman niya. Kaya napatango ako. “Bale si Lisa na ang mag-a-assist sa’yo kung saan ang magiging kwarto mo. Kailan mo ba gustong magsimula?” Wika ko sa kaniya. Madali niyang nabuhat ‘yong dalawang bag. Walang bahid ng hirap sa mukha niya. Ang mga kamay niyang mauugat ay nakakauhaw kung titignan. He is wearing a plain t-shirt na galit na galit ang manggas dahil sa malaki niyang muscles. Ang pantalon ay medyo kupas pero pwede pa naman at wala ring butas. But he’s looking so good. Hindi pa ‘to pumuporma pero ang lakas na ng dating. Napapatanong tuloy ako sa isip kung bakit hindi siya nakatapos ng pag-aaral at naging hardinero. Sa itsura niya kasi… mas bagay sa kaniya ang professional na trabaho. Gaya sa opisina. “Ma’am?” “Ma’am Rachel,” untag niya sa akin at kinaway ang kamay sa harap ko. Natulala ako? Tumikhim ako. “Saan na nga ba tayo?” tanong ko sa kaniya. Napalalim yata ang panunuri ko sa katawan niya kaya lumipad ang diwa ko. Napansin niya kaya ‘yon? “Kung saan po ang magiging kwarto ko, Ma’am,” magalang niyang saad. “Oh, yes. Ah sige, tawagin ko lang si Lisa,” wika ko at nagmadaling tumalikod. Nahihiwagaan ako sa sarili ko dahil ngayon lang ako natulala ng ganito sa isang lalaki. Kahit sa crush ko noong high school ay hindi ako nagkaganito. My God, Rachel! 35 ka na… feeling mo, high school life ka pa rin? Sakto namang nakita ko si Lisa na nagsasalansan ng groceries sa kusina. “Uhm, Lisa. Pakisamahan mo nga si Robert sa bakanteng kwarto. Siya ang magiging hardinero natin dito,” utos ko sa kaniya. “Sige po, Ma’am,” sagot naman niya at agad na lumabas para puntahan si Robert. Nakatanaw lang ako sa bintana kung saan ko sila makikita. Nang lumingon si Robert sa kinaroroonan ko ay agad akong nag-iwas ng tingin. Kinabahan pa ako bigla dahil lang sa lumingon siya sa’kin. Ano ba ‘to? Ano ‘tong nararamdaman ko? Nang lingunin ko uli ay nakita kong nakatulala si Lisa kay Robert. Sumimangot ako. Lumabas uli ako ng bahay. “Lisa?” tawag ko sa kaniya. “Samahan mo na si Robert sa magiging kwarto niya dahil may ipapagawa ako sa’yo,” mariin kong utos sa kaniya. Agad siyang nagmadali nang marinig ang boses ko. Nilingon ko si Robert na sa akin naman ngayon nakatingin. Nakipagtitigan din ako pero ako rin ang unang umiwas. Masiyadong nakakakaba sa dibdib. Para bang hinahamon ako ng mga titig niya sa akin. May isa pang kwarto sa likod ng bahay ko. Doon ang kwarto ng guard namin at magiging kwarto ni Robert ang sa kabila. Si Lisa ay sa bandang may kusina ang kwarto niya sa loob ng bahay ko. Hindi ko hinahayaan na magkalapit sila ng kwarto ni Jose dahil baka may mangyaring kababalaghan. Hinintay kong makabalik si Lisa. Nakangiti ito at namumula ang pisngi. “M-Ma’am,” gulat niya pang tanong nang makita ako. “Magluto ka na ng hapunan,” utos ko sa kaniya. “Damihan mo dahil nadagdagan tayo,” dagdag ko pa at mabilis siyang tumango. “S-Sige po, Ma’am,” wika niya at saka tumalikod. Kakaiba ang kinikilos ni Lisa ngayong nandito si Robert. Kailangan ko bang kabahan? Para malaman ‘yon ay pupuntahan ko si Robert sa kwarto niya. Gusto ko rin siyang i-check at tatanungin din kung kailan niya gustong magsimula. Nagsimula akong naglakad patungo sa likod-bahay kung saan ang kwarto ni Robert. Kumatok muna ako sa pinto. Agad namang bumukas ‘yon at nakita ko si Robert na nag-aayos yata ng mga gamit niya. May sarili naman ditong cabinet kaya may paglalagyan siya ng gamit. May single bed na may foam at may lamesa ring sarili dito sa loob. May electricfan din at may unan at kumot. Sapat na para sa kaniya. “Can I come in?” tanong ko kahit na may karapatan naman talaga akong pumasok. “Tuloy po kayo, Ma’am Rachel,” magalang niyang sagot. Muli na naman akong kinabahan sa pagbanggit niya ng pangalan ko. Parang may kakaibang hatid ang boses niya kapag pangalan ko na ang binabanggit niya. Pumasok ako at tumayo sa may gilid ng pader. “Ayos ka ba dito?” tanong ko. Ngumiti siya kaya muntikan na ‘kong matumba sa kinatatayuan. Para bang may mahika ang ngiti niyang ‘yon. Nakakapanghina bigla. “Okay na okay po,” sagot naman niya. Tumikhim ako para bawasan ang kakaibang kabog sa dibdib ko. Pero mas nadagdagan lang nang naglakad siya palapit sa akin. Bakit siya naglalakad palapit? May biglang karera sa dibdib ko nang malapit na siya sa’kin. Nanigas ako nang kaharap ko na siya. “Ma’am Rachel,” tawag niya sa’kin kaya mas lalo akong kinabahan. Sumasakit ang dibdib ko sa sobrang kaba sa dibdib. Kapag ganito siya kalapit sa akin ay parang nakakamatay. Mamamatay ka sa atake sa puso sa sobrang bilis ng t***k. “Y-Yes?” nauutal kong tanong. Pinilit kong maging normal ang boses pero ang hirap gawin. “Excuse me po, isasabit ko lang itong salamin,” wika niya at nakita ko ang hawak niyang square shaped mirror. Para akong napahiya kahit hindi naman niya intensyon ‘yon. Pakiramdam ko kasi, para akong nag-assume. Nag-assume? Ng ano?! “G-Go ahead,” sagot ko at agad na gumilid. Nakita kong sinabit niya ‘yon. “Kailan mo gustong magsimula?” tanong ko para maiba ang ihip ng hangin o baka ako lang ang nakakaramdam nito. Kaya pala nang lumapit siya kanina… hindi siya sa’kin nakatingin kundi sa pader. Oh my God! Ano ba ‘tong tumatakbo sa isip ko? “Anytime po, Ma’am. Kailangan ko po kasi ng trabaho dahil hindi po pwedeng maputol ang sustento ko sa pamilya ko,” sagot niya. “May pamilya ka na?” mabilis kong tanong. Pero bakit parang hindi ko gusto ang lumabas sa bibig ko. “Ibig niyo pong sabihin ay asawa?” tanong niya at pasimpleng tumawa. Tawa na pati puso ng makakarinig ay tatalon. “Wala pa po. Nobya nga, wala e,” dagdag niya at tinitigan ako ng may kahulugan. I gulp. Nerbyosa na ba ako? Maya’t maya ako kinakabahan. Kanina ko pa napapansin ‘yon. Nagkamot pa siya ng batok na parang nahiya bigla. “Kayo po, Ma’am… may boyfriend na po kayo?” bigla niyang tanong kaya napanganga ako. Nahiya ako bigla kaya tinikom ko ang bibig. I’m 35 years old and still single. I never had a boyfriend. Manliligaw marami pero nakakasawa na rin. Pare-pareho lang sila ng gusto. Umiling ako at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. “None,” sagot ko. Ang gaan niya pa lang kausap. Akala ko ay isnabero itong si Robert. Akalain mong nagkukwentuhan na kami ngayon. “Manliligaw meron. I mean a lot,” wika ko at natawa sa huli. Bigla namang nagbago ang ekpresyon ng mukha niya. There you go again, heart. Pumping so fast and I can’t breathe easily. “May balak po ba kayong sagutin sila?” tanong niya. Bakit parang malungkot ang boses niya? O sadyang ako lang ang nag-iisip no’n. “I don’t know. Siguro kapag may isang matino,” kibit-balikat kong sagot. Hindi na siya umimik pagkatapos no’n kaya naging tahimik ang kwarto. Naging awkward ang paligid kaya ako na ang bumasag ng katahimikan. Did I said something wrong? “Pagkatapos mo diyan, maghapunan na tayo,” wika ko. “Sige po,” malamig niyang sagot. Walang gana at walang kabuhay-buhay. “I almost fogot,” wika ko kaya nilingon niya ako. Nakita ko ang mga mata niyang malungkot? “You can start tomorrow if you like,” wika ko. “Sige po,” sagot niya. “Okay,” wika ko at lumabas na. Nilingon ko pa ang kwarto niya at napatanong sa isip. May nasabi ba akong hindi maganda? Na-offend ko ba siya? Baka na-basted siya ng nililigawan niya dati kaya medyo affected siya sa ligawang bagay? Baka nga. Nagkibit-balikat na lang ako at tuluyan ng umalis. Umakyat muna ako sa kwarto para i-charge ang phone ko. May natanggap akong ilang missed calls from Melissa. Bago isaksak ang phone ay naisipan kong tawagan siya. Sa ikatlong ring ay sinagot niya. “Hello, Ra! Ano kamusta, masarap ba? Este… okay ba si Robert?” bungad niya kaya umirap ako sa hangin. Ito ba ang dahilan kung bakit ang dami niyang missed calls? Hindi ko nasagot dahil nilagay ko sa silent mode ang phone ko. “Ikaw ang kamusta. Kamusta kayo ni Liam?” tanong ko. Dahil si Robert ang palagi nilang pinag-aawayan. Ngayon ay nasa puder ko na si Robert. Kaya gusto kong malaman kung may magandang naidulot ‘yon sa kanilang mag-asawa. I was hoping na magkaayos sila dahil wala na si Robert sa kanila. “Okay na kami,” sagot niya. “Quick,” saad ko kaya tumawa naman siya. “Hindi niya rin ako kayang tiisin,” saad niya kaya napangiti ako. Sana ako rin may gano’n. May taong hindi rin ako kayang tiisin. “That’s good to hear,” wika ko. “Kwentuhan mo ‘ko kay Robert dali,” excited niyang saad. Ano’ng ikukwento ko? Wala namang nangyari. Umaasa ba akong dapat may mangyari? Damn, Rachel. Masiyado ka ng over thinker! “Nothing happen,” walang gana kong sagot kahit na binabagabag ang isip ko sa pagiging cold niya kanina. Tumili naman siya kaya medyo nilayo ko ang phone. “So you’re expecting na may mangyayari?” tanong niya at muling tumili. Was I? I shook my head. “Of course not,” tanggi ko. “Sus! Not ka diyan. Alam mo, mabait ‘yan si Robert. Masipag pa. Kaya i-grab mo na ‘yan bago i-grab ng iba,” makahulugang saad niya kaya napailing ako. “Robert is not an opportunity,” wika ko. Hindi siya gamit o profession kaya bakit ko iga-grab. “Ano ka ba? Chance mo na ‘yan para ma-break ang record mo sa pagiging single. Grab mo na siya!” malakas niyang wika kaya muli akong napailing. “Bakit ko gagawin ‘yon? At isa pa… he is not my suitor,” wika ko. “Edi, magpaligaw ka sa kaniya,” saad naman niya. “You’re crazy,” saad ko habang pailing-iling. Mas desperada pa si Melissa kaysa sa akin. “Matino pa ako, ano? Ang sa akin lang… magkaka-first boyfriend ka na rin lang, sempre sa may tino na, iyong katulad ni Robert,” wika niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. Talagang ipipilit niya sa’kin si Robert? She’s out of her mind! “I was just concern about you though. Hindi ka na bumabata, Rachel. You need someone to be with you hanggang sa pumuti ang buhok mo. At saka, si Robert lang ang nakikita kong bagay sa’yo,” wika niya na para bang nabasa na niya agad ang future ng buhay ko. I sigh again. “Kung tatanda akong mag-isa, I’m fine with it,” pagsisinungaling ko. Gustong-gusto kong magkaroon ng makakasama sa buhay. Ayokong tumanda ng mag-isa. Pangarap kong magkaroon no’n. “No, you’re not. Kaya kung ako sa’yo, grab mo na ang espada ni Robert. I mean, si Robert,” wika niya at mahinang humagikgik. “Baliw ka na,” singhal ko sa kaniya. Kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig. Tumawa naman siya. “Mas nakakabaliw kung pakakawalan mo pa ‘yan,” makahulugang saad niya. “Kumain ka na?” Bigla kong tanong. “Hindi pa. Why?” “Gutom mo lang ‘yan. Tigilan mo nga ako, Melissa Francisco-Garcia,” may diing wika ko. Malakas siyang tumawa. Akala mo’y nagwagi sa pag-aasar sa akin. Iyon nga ba? Kanina niya pa ako inaasar? Spoiled brat! “Are you seducing me?” malandi niyang tanong. Natawa ako. “Yuck!” nandidiri kong saad. “Oh my God, Rachel! I have an idea,” masigla niyang saad. “What is it? Dalian mo dahil tigang na ang phone ko,” saad ko. “Speaking of tigang. Tigang ka rin,” saad niya at malakas na namang tumawa. Nakakarami na siya sa’kin. “Bibingo ka na,” banta ko sa kaniya na ikinatawa na naman niya. “Ano ‘yong idea mo?” tanong ko dahil nag-warning na ang phone ko. “Seduce him!” malakas niyang saad at bigla ng namatay ang phone ko. Dead battery. Seduce? Him? Natawa ako sa isip. Nah. I’m not going to do that. Praning na talaga ang babaeng ‘yon. Pero natigilan din ako nang ma-imagine na inaakit ko si Robert. Napalunok ako sa naisip. Umiling ako ng maraming beses. Not going to happen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD