Chapter 5
*Rachel*
Bumaba na ‘ko sa kusina para makakain na rin. Baka ako lang ang gutom dahil masiyado kong iniisip ang suggestion ni Melissa na aakitin ko si… umiling ako. Baliw ang babaeng ‘yon. Kung ano-ano na lang ang sina-suggest sa akin. Minsan napapatanong ako sa sarili kung paano ko siya naging kaibigan.
Pagkababa ay nakahain na ang mga pagkain. Sa totoo lang ay hindi talaga ako nakikisabay kumain. Madalas ay ako lang mag-isa sa mahaba at malawak na lamesa.
Saka ko ipapatawag si Jose kay Lisa pagkatapos kong kumain. Sila ang magsasabay kumain.. But tonight is different.
“Tawagin mo na sila,” utos ko kay Lisa na naglapag ng pitsel ng orange juice.
Nagulat siya pero hindi nagtanong at magalang na lang na tumango. Nauna na akong sumandok ng sa akin.
Afritadang manok ang nilutong ulam ni Lisa. Tinikman ko ‘yon at kumunot ang noo ko. Parang may kulang. Tinikman ko uli at nakuha ko agad ang kulang na lasa sa afritada kaya naman kinuha ko ang mangkok ng ulam at nilagay sa kaserola at binuksan ang kalan.
Ang ganitong lasa, kahit ulam lang sa bahay ay dapat masarap pa rin para maraming makain ang pamilya. Dahil kung pangit ang lasa o may kulang, maaaring hindi maubos at mapanis. Masasayang lang. Kailangang pahalagahan lahat ng pagkain kaya kapag magluluto ay siguraduhing walang masasayang. Iyon ang natutunan ko kay lola. Kaya nadala ko rin ‘yon kahit sa trabaho.
Sa restaurant ko, hindi uubra ang ganito. Gusto ko na kapag um-order ang customer ay mauubos nila dahil sobrang sarap. Mataas ang standard ko, alam ‘yon ng mga chef ko at mga crew.
Ayos naman magluto si Lisa, kaya lang ay hindi ko pa rin maiwasang i-check dahil nasanay na ‘ko. Pagluluto ang hobby ko at chef ang trabaho ko. Magkakaklase kami nina Melissa at Rafael noong college. We are the top 3 in the class that time. Kaming tatlo lang din ang naging pinaka-successful, I guest.
Dinagdagan ko ng sangkap na kulang sa luto ni Lisa. Nang makuha ko na ang tamg lasa ay inahon ko na sa apoy at saka sinalin sa panibagong mangkok.
Kinuha ko ang mangkok ng afritada para dalhin na sa dining. Doon ay nakita ko si Jose at Robert na nakaupo na. Walang kabuhay-buhay si Robert nang lingunin ako. Hinayaan ko na lang at parang hindi napansin. Pero si Jose ay todo ngiti sa akin. Hinayaan ko lang din.
“Kumain na kayo,” wika ko.
Sunod kong tinikman ang juice na tinimpla ni Lisa. Napangiwi ako sa sobrang tamis.
“Mahilig ka ba sa sweets, Lisa?” tanong ko kay Lisa na sumasandok na rin.
“Opo, Ma’am,” sagot naman niya.
“Next time, dahan-dahan sa pagtimpla ng juice. Masyadong matamis itong juice mo,” wika ko.
“Dagdagan mo ng tubig, please,” dagdag ko pa kaya nagmadali siyang kumilos. Si Jose ay kunwaring walang narinig at nag-focus sa pagkain. Pero si Robert ay nakita kong nakatitig sa akin. May laman na ang plato niya pero hindi niya ginagalaw. Kumunot ang noo ko.
“Ayaw mo ba ng ulam?” tanong ko.
“Gusto,” tipid na sagot niya. Napalingon pa si Lisa kay Robert. Deretso sumagot at tila walang takot. I think, he’s just being honest.
“Kumain ka na,” wika ko na para kaming mag-ina sa hapag. Ina? Gano’n na ba ako katanda?
Pero ‘di ba dapat ina na ‘ko sa ganitong edad? 35. Dapat talaga may asawa na ako at pamilya. Melissa is right. Hindi na ako bumabata. But seducing my servant just to break my single life record?! No way. She’s crazy.
Nakita ko siyang nagsimulang kumain. Napangiti ako dahil mukhang nagustuhan niya ang niluto ko. Si Lisa ang nagluto pero ako ang nag-ayos ng timpla kaya parang ako na rin ang nagluto. Dumating si Lisa na dala ang pitsel ng orange juice.
“Kumain ka na rin,” wika ko.
“Opo, Ma’am.”
Naging tahimik sa hapag at tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang maririnig. Maraming nakain si Robert. Para siyang gutom na dragon. Pinapakain ba ‘to ng maayos ni Melissa noong nasa puder niya? Para kasing gutom na gutom. O baka… nasarapan lang sa akin, este sa niluto ko. Napangiti ako ng lihim. Maybe I can cook for him. Wait. Cook for him? Para saan? Ako ang amo niya tapos ipagluluto ko siya? Hindi ko gagawin ‘yon. Never.
Bakit ko siya ipagluluto? Hindi niya ako nobya at hindi niya ako nanay. Mali ang iniisip ko. At saka, baka mag-isip sina Lisa at Jose ng kung ano kapag ginawa ko ‘yon.
“Salamat po, Ma’am and good night po,” nakangiting wika ni Jose. Katatapos lang niyang kumain. Tumango lang ako ng isang beses.
“Good night,” tugon ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya at umalis na.
Robert look at me. Tingin na tila nanunuri. Para akong may kasalanan? Para akong ini-examine.
Tumayo rin si Robert at dinala ang pinagkainan sa lababo. Sinabihan siya ni Lisa na huwag na pero tumuloy pa rin siya.
Pagbalik niya ay siya namang punta ni Lisa sa lababo kaya dalawa kaming natira dito sa dining area. Nakita ko siyang uminom ng juice. Nagtaas-baba ang adams apple niya kaya napasabay din ako ng lunok. Parang ang sexy ng dating no’n sa’kin.
“Manliligaw mo rin ba si Jose?” tanong niya nang maibaba ang baso. Ang lakas ng loob niyang tanungin ako. Parang hindi niya ako amo base sa pananalita niya.
Bakit bigla akong kinabahan sa boses niya? “No,” agad kong sagot. Wala siyang karapatang tanungin ako pero sinagot ko pa rin. Hindi naman talaga kahit alam kong may gusto sa akin ‘yon. I saw him smirk. A sexy smirk? Ano ba ‘tong iniisip ko?!
“Mabuti,” mahinang bulong niya pero umabot pa rin sa pandinig ko.
“What?” tanong ko dahil baka namali lang ako ng dinig.
“Wala po, Ma’am. Salamat po sa masarap na hapunan. Good night,” wika niya at saka umalis na.
Masigla na uli siya? Parang kanina lang ay matamlay siya. Ang weird ni Robert. Nagkibit-balikat na lang ako at tumayo na rin. Si Lisa na ang bahala sa lahat kaya aakyat na ako para makaligo na.
Habang nasa ilalim ng shower ay iniisip ko na kung ano ang mga lulutuin ko bukas. Seriously, Rachel? Magluluto ka talaga para kay Robert?
Sign na ba ‘to ng step sa pang aakit kay Robert? Umiling ako ng paulit-ulit. Bakit ba kasi na-open pa ‘yon ni Melissa? Nalilito tuloy ako at napapaisip.
Tinapos ko na ang paliligo para makatulog na. Tinigilan ko na ang pag-iisip ng lulutuin para bukas. Hindi ko gawain ‘yon. Kaya nga ako kumuha ng katulong para may gumawa no’n para sa’kin. Pero gusto ko uling makita si Robert na maraming makain.
“Ugh!”
“Enough, Rachel. Stop thinking about Robert. Huwag kang makinig kay Melissa,” bulong ko sa sarili habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
Wala pang isang araw si Robert dito. Pinag-iisipan ko na siya ng kung ano. Baka isipin niya, kaya kinuha ko siya dito ay para mapalapit sa kaniya. Para akitin siya? Hell no! Wala pa nga akong ginagawa!
Binuksan ko na lang ang laptop para tignan kung may emails. Lilibangin ko na lang ang sarili ko hanggang sa dalawin ako ng antok.
At nakatulong nga ang pagbababad ko sa laptop. Nang maramdaman na ang ngawit sa batok at balikat ay nagpasya na akong matulog na.
Ni-check ko kung naka-double lock ang pinto ko. Wala akong pinagkakatiwalaan dito sa bahay ko. Dahil mag-isa akong nakatira dito, mas kailangan ko ng security para sa sarili ko. Kaya may emergency alarm ako at may mga CCTV. May kaibigan din akong pulis na matatawagan anytime na may mangyari sa akin.
Hindi uubra ang magnanakaw dito sa bahay ko pwera na lang kung nandito sa loob ng pamamahay ko. Kaya nga ang mga pera at alahas ko ay may sarili akong taguan. Ako lang ang tanging nakakaalam no’n.
Naka-double lock na ang pinto at mga bintana ko kaya pwede na akong matulog. Pinalaki akong ganito ni Lola Felly. Maging sigurista palagi. Huwag magtiwala agad sa kahit sino. I’m so glad na pinalaki niya akong gano’n. Nag-aral din ako ng martial arts kaya alam kong depensahan ang sarili ko. Kahit wala na siya ay sinigurado niyang kakayanin kong mag-isa.
Malungkot akong humiga sa kama. “I miss you, my grandma,” malungkot kong bulong habang yakap ang malaking unan.
“I’m tired of being alone, lola,” bulong ko ulit at nanikip ang dibdib ko.
Hindi ko kayang ganito na lang. Malungkot mag-isa. “Rachel, kapag wala na si lola… kayanin mo. Gusto kong kayanin mo,” wika ni lola.
Pareho kaming nakatambay sa front porch nang sabihin niya ‘yon. Tumawa naman ako dahil dinadaan ko lang sa biro.
“Is that a joke, grandma?” natatawang tanong ko.
“Matanda na ako, Rachel,” seryosong wika niya kaya nalusaw ang ngiti ko.
“Darating ang araw na… kukunin na ng Diyos ang pinahiram niyang buhay sa akin,” wika niya.
“Hindi mo naman ako iiwan, ‘di ba?” tanong ko. Natakot ako sa sarili kong tanong. What if… iwan na niya ako gaya nina Mommy at Daddy. Hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin.
Hindi siya umimik kaya natakot ako. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.
“Napalaki kita ng maayos kaya alam kong kakayanin mo kapag nawala na ako,” saad niya kaya umiling ako.
“N-No,” garalgal kong boses.
“D-Don’t say that,” naluluha ko ng saad.
“Matapang ka, Rachel. You are brave enough kaya ko sinasabi sa’yo ‘to. Hindi natin alam ang oras. Hindi natin hawak ang buhay natin. Alam kong hindi na rin ako magtatagal,” saad niya kaya umagos ang luha ko. Napayakap ako sa kaniya.
“I can’t live without you, lola. You’re all I have. Ikaw na lang ang natitira sa akin,” umiiyak kong wika. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.
“Don’t leave me. I’m not ready yet,” saad ko.
Hindi siya nagsalita at hinayaan na lang akong umiyak sa kaniya. And now, here I am. Alone.
Umagos ang luha ko at pumatak sa unan na yakap ko. “I miss you,” umiiyak kong saad.
“Wala akong mahanap na tulad mo,” bulong ko.
“Tulad mo na kaya akong mahalin ng totoo,” wika ko at pinunasan ang luha.
Maybe this is my destiny. My destiny is to be alone. Mapait akong ngumiti. Mahirap humanap ng tamang tao para sa’yo sa ganitong panahon. Panahon na puno ng mapaglarong isip ng tao. You don’t know what they are thinking about you. They only know your name pero marami pa ring nasasabi tungkol sa’yo. Lalo na ang mga lalaking binasted ko.
Pagsasalitaan ng kung ano-ano dahil hindi nasunod ang gusto nila. Hindi ko sila kailangan sa buhay ko. Kung lahat ng lalaki ay gano’n… never mind, hindi na lang ako mag-aasawa. Tatanda man akong dalaga, ayos lang. Mamamatay man akong dalaga, ayos lang din. Huwag lang akong magkaroon ng gano’ng kasama sa buhay. Toxic people makes poison. Lason na magdadala sa’yo sa lungkot. Hindi ka magiging masaya sa mga gano’ng klase ng tao. They know how to talk but they also a good talking liar. I don’t need them. I love myself and I think it’s enough to live alone.
I don’t need a toxic relationship para lang may makasama ako sa buhay. Kaya ang landiin si Robert para maging akin? No. Para may makasama sa buhay, no. And I don’t know him. Pangalan niya lang ang alam ko. Mukha lang niya ang kilala ko. Bukod do’n, wala na.
Hindi ako lalaban sa gyera na hindi ko naman alam. Hindi ako susugal sa sugal na hindi ko alam laruin.
Itutuloy ko lang ang buhay ko, kahit pa… padagdag na nang padagdag ang edad ko. It’s better to be this way. Pagdating ng panahon, wala akong pagsisisihan dahil pinili ko ang sarili ko.
Isinantabi ko lahat ng nasa isip at nagpasya nang matulog na. Bukas ay ituturo ko pa kay Robert ang mga gagawin niya sa hardin. Si lola ang mahilig sa bulaklak. Kaya nang magpatayo ako ng sariling bahay, hindi ako nag-abalang magpaayos ng garden. Humanap ng hardinero at kung ano pang tungkol sa hardin. Sapat na sa akin na may malinis akong damuhan. Iilang paso ng bulaklak para may diligan. Plano ko ring kunin ang mga halaman ni lola sa bahay namin para ilipat dito tutal, may hardinero na rin naman. Wala na rin namang nakatira doon at balak ko na ring ibenta.