Chapter 6

2177 Words
Chapter 6 *Rachel* Maaga akong nagising tulad ng nakasanayan. Ako ang nagliligpit ng sarili kong higaan. Hindi ako nagpapapasok ng kung sino sa kwarto ko. Kahit si Lisa ay hindi pa nakapaglinis dito. Kaya ako rin ang naglilinis dito. Tinuruan ako ni lola na huwag basta magtitiwala kahit kanino. Dahil sa mundong ‘to… maraming manloloko. Isa rin ‘yon sa dahilan kung bakit single pa rin ako hanggang ngayon. Mahirap magtiwala lalo na kung nakikita mo kung ano talaga sila… sa simula pa lang. I can’t trust them. Hindi ko kayang magtiwala sa relasyon lalo na at iyon ang magiging una ko. Most of the guys say… I’m hard to get. Well, that’s true. Papaano ko ipagkakatiwala ang puso ko sa lalaking nanliligaw pa lang ay nagpapakita na agad ng motibo. Gusto kong kapag pumasok ako sa relasyon ay iyon na ang una at huli ko. 35 na ako at kung hindi rin kami tatagal ay huwag na lang. Like Melissa said, tumatanda na ako. Napailing na lang ako at pumasok na ng banyo para makaligo na. Nang matapos ay kumuha lang ako ng usual kong damit pang bahay. Wala naman akong lakad kaya dito lang ako sa bahay maghapon. Ibig sabihin… maghapon kong makikita si Robert? Umiling ako. Ang aga-aga, siya na naman. Tinuyo ko ang buhok gamit ang blower. Nakatitig ako sa sarili sa salamin habang ginagawa ‘yon. “Hindi ka na bumabata.” Bigla na lang pumasok sa isip ko habang nakatitig sa salamin. Tinitigan kong maigi ang mukha ko sa salamin. Hindi halata sa mukha ko na na nasa 30s na ‘ko. Pero ang reality ang sumasampal sa akin ng katotohanang… kahit bata pa ang mukha ko at hindi halatang nagkaka-edad na, hindi pa rin matatakpan na tumatanda na talaga ako. I heavily sigh. Tumatanggap pa rin ako ng manliligaw. Hindi nga sila nauubos kahit na marami na akong ni-reject. Kaya lang… wala pa akong matipuhan. Ang sabi kasi ni Melissa ay kapag nakilala mo na ang taong para sa’yo, mararamdaman mo ‘yong kakaibang kabog sa dibdib. Makikita mong may espesyal sa kaniya. Hindi mo siya maaalis sa isip mo all the time. Hindi ka mapakali kapag hindi mo siya nakikita. Halos hindi ka makatulog kakaisip sa kaniya. Kapag naramdaman mo lahat ‘yon sa iisang tao, in love ka na sa kaniya. Kung pareho kayo ng nararamdaman, then siya na ang taong para sa’yo. Sa lahat ng manliligaw ko, wala pa akong naramdamang gano’n. Pero may nagbigay na sa akin ng kakaibang kabog sa dibdib. Hindi nga lang manliligaw. Si Robert. Everytime he look at me. Everytime he talk to me. Kinakabahan ako. Bumibilis pintig ng puso ko. I don’t think he’s the one for me. Hindi ko naman siya iniisip all the time. Nakatulog naman ako kagabi nang hindi siya iniisip. Kaya ang akitin siya para mapasa’kin? Not a good idea. Tinapos ko na ang pagtutuyo ng buhok ko. I was wearing a cotton short and a big t-shirt. Kung titignan ay halos wala akong short. Ganito ang pang bahay ko lagi. Kinuha ko ang phone ko at bumaba na. Oras na ng almusal. Ipagluto ko kaya ng almusal si Robert? Umiling ako. Hindi ko siya ipagluluto. Ano na naman ba ‘tong iniisip ko? Nasa hagdanan pa lang ako nang makarinig ng mahihinang hagikgik. Boses ‘yon ni Lisa. “Robert, may kiliti ako diyan,” malanding turan niya. “Saglit lang ‘to,” sagot naman ni Robert. Naintriga akong makinig kaya hinakbang ko ng marahan ang mga paa. Huminto uli ako. “Mabilis lang ha? Baka makita tayo ni Ma’am,” saad niya at hinaluan ng malanding tawa. “Sandali,” saad ni Lisa. “Baka masakit. First time ko kasi ‘to,” saad niya kaya kinabahan na ‘ko. First time? Saan? Iba ang kutob ko sa narinig. “Hindi mo mararamdaman kapag tinusok ko agad,” sagot naman ni Robert kaya mas lalo akong kinutuban. “Bumilang ka ng tatlo bago mo itusok,” wika ni Lisa. She’s scared. Nahahalata ko ‘yon sa boses niya. I can’t believe na may ganitong side si Robert. Kabago-bago pa lang niya dito. Kinuyom ko ang kamao dahil sa inis sa dibdib. “Oo. Huwag kang malikot.” “Heto na,” pagkasabi niya no’n ay mabilis akong bumaba sa hagdan. “Robert!” Malakas kong tawag sa kaniya nang tuluyan ng makababa sa hagdan. Nakita ko sila sa gilid ng pader at may hawak na kung ano si Robert habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa tenga ni Lisa? What they are doing? Nakakuyom pa rin ang kamao ko at nakita ‘yon ni Lisa. Agad umayos si Lisa ng tayo. “Anong ginagawa niyo?” may diin kong tanong sa kanila. “N-Nag-aano po, Ma’am,” natatakot na sagot ni Lisa. “What?” may diing tanong ko. “Nagpapabutas po,” mabilis niyang sagot. Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay. “Ng?” naiinis at inip kong tanong sa kaniya. “Nagpapabutas po ng tenga si Lisa, Ma’am Rachel,” mahinahong sagot ni Robert. Habang si Lisa ay nanginginig ang boses tuwing sasagot sa akin. Hindi rin siya mukhang nagulat o natakot. He’s so calm. Hindi tuald ni Lisa na malulukot na ang uniform niya dahil sa mahigpit niyang paghawak doon. “Tapos mo na ba ang mga gawain mo, Lisa?” mariing tanong ko sa kaniya. Mabilis siyang umiling. “H-Hindi pa po—" “See. Ang aga-aga, iba na ang inaatupag mo,” naiinis kong wika sa kaniya. Nakaramdam ako ng inis na makitang magkasama sila ni Lisa. I hate the feeling na akala ko kung ano na ang ginagawa nila. Pakiramdam ko para akong… “Sorry po,” wika niya at mabilis na kinuha kay Robert ang karayom at hikaw. “Mamaya na lang,” bulong niya dito at nagmadaling umalis. “Where do you think you’re going?” tanong ko kay Robert na aalis na rin sana. “Sa hardin po, Ma’am,” kalmadong sagot niya. “Mamaya na,” wika ko kaya nakita kong kumunot ang noo niya. “Let’s have some breakfast first,” saad ko at dinaanan siya. “Pero… tapos--” nilingon ko siya at tinitigan. “Sige po,” wika niya kaya lihim akong napangiti nang sumunod siya sa akin patungong kusina. Nakita ko ang nakatakip sa lamesa. Fried rice, fried egg at hotdog. Nilingon ko si Robert na parang naumay sa nakita na nasa lamesa. Mukhang kumain na nga siya. Tinakpan ko uli ‘yon at tumungo sa ref. Magluluto ako ng panibago. Ibibigay ko na lang ang mga pagkain sa labas ng subdivision mamaya. Maraming nagugutom doon. Kumuha ako ng karne ng baka, onion leaves, carrots, green peas and corn. I want a special fried rice. Not an ordinary fried rice. Nagsasawa na ako sa luto ni Lisa. Sa araw-araw ay iyon palagi ang niluluto niya. Kahit si Jose ay kape na lang kung minsan dahil nagsasawa na sa sinangag, itlog at hotdog ni Lisa. Nagsimula akong maghiwa ng mga sangkap. Nakaupo lang si Robert sa dining chair pero alam kong pinapanood niya ‘ko. Ramdam ko ang titig niya kahit hindi ko siya nililingon. “Baka ka masugat,” warning niya sa akin habang mabilis kong hinihiwa ‘yong carrots. I smirk. “Sanay na ‘ko,” sagot ko sa kaniya at sinunod na hiniwa ang dahon ng sibuyas ng mabilis din. Narinig ko siyang nagsalita. “Dahan-dahan,” wika niya. Pinainit ko na ang kawali. Isasalang ko uli ang sinangag na gawa ni Lisa pero dadagdagan ko ng pangpalasa. Mabilis ko ring hiniwa ang karne ng baka at iyon ang inuna kong nilagay sa mainit na mantika. Hinalo ko ‘yon nang hindi gumagamot ng sandok. “Anak ni Pedro! Susunugin mo ba ang bahay mo?!” natatakot at gulat na tanong ni Robert dahil biglang lumiyab ang kawali. Natawa ako ng lihim. “It’s normal. Relax,” kalmadong wika ko habang nakangiti. “Relax?! Okay… relax,” wika niya na parang pinapakalma ang sarili. “Takot ka ba sa apoy?” tanong ko habang nagluluto. “Hindi naman. Natatakot kasi ako, baka masunog ka,” wika niya at biglang nag-alala sa huling sinabi. Nahinto ang kamay ko sa paghahalo. Biglang may kung anong hindi pamilyar sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. Parang may nagkagulong mga kulisap. Ito ba ang sinasabi nilang butterflies in stomach? Bakit sa akin kulisap? Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. “I-I’ll be fine,” sagot ko na lang at pinagpatuloy ang ginagawa. “Baka masabihan akong baliw kapag nasunog ka,” saad naman niya. Hindi niya yata ako tinatawag na Ma’am ngayon. Kinakausap niya ako na parang hindi siya nagtatrabaho sa akin. Nilingon ko siya. “Why?” kuryuso kong tanong. Binalewala ko ‘yon. “Kasi aawayin ko ‘yong apoy kapag sinunog ka niya,” saad niya kaya muli na namang nagkagulo ang mga kulisap sa tiyan ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. I can’t breathe easily dahil sobrang bilis ng t***k ng puso ko. “Namumula ka,” wika niya kaya agad akong humarap sa kalan. “Ayos ka lang?” tanong niya. “Y-Yeah,” nauutal kong sagot. What is happening to me?! Tinapos ko ang pagluluto. Hinati ko sa dalawa ang sinangag na ginawa ko. Hindi na kailangan ng ulam dahil marami na siyang sahog. Mas may kulay na ngayon at mas may buhay ang sinangag kaysa kanina. Nilapag ko ang isang mangkok sa harap niya at ang isa ay sa akin. Kumuha ako ng dalawang kutsara at nilagay sa dalawang mangkok. Ngayon ay hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya dahil sa sinabi niya kanina lang. Nakita ko siyang sumubo. Nasundan ‘yon at nasundan pa. “Akala ko, tapos ka na,” wika ko. He look at me. Simpleng tingin lang ‘yon pero para na namang tumalon ang dibdib ko. “Kaonti lang ang kinain ko kanina,” palusot niya. Napangiti na lang ako at kumain na rin. Magkasama kaming kumakain ng almusal. Just like in the romantic movie. Magtitinginan at mangngingitian sa harap ng hapag. Corny pero gusto kong maranasan. Pero ang bagay na ‘yon ay para lamang sa dalawang taong nagmamahalan. Just like Melissa and Liam. Wala akong gano’n kaya tinuon ko na lang ang atensyon sa pagkain. Hindi niya pinalampas kahit isang butil ng kanin. Sinaid niya talaga. Nagustuhan niya ang niluto ko. Wait. Niluto ko? Pinagluto ko siya? Huli na nang ma-realize kong pinagluto ko nga siya. Kinain ko rin ang sinabi ko. Nang matapos kumain ay nagpaalam siyang pupunta na sa garden. Nilagay niya ang pinagkainan sa lababo gaya kagabi. Parang nasanay siyang gawin ‘yon. Gano’n siguro sa bahay nila. Sa simpleng mga galaw niya ay inaaral ko siya at binabasa. Na para bang kinikilala ko siya. Lalo na at magtatrabaho siya sa’kin kaya dapat lang na kilalanin ko siya. Iyon lang ba talaga? Pagkatalikod pa lang niya ay tinawag ko siya. “Robert,” tawag ko sa kaniya. “Ma’am?” tanong niya sabay lingon sa akin. “Samahan mo ‘ko mamaya. May pupuntahan tayo,” wika ko. “Hintayin mo ‘ko sa labas,” dagdag ko pa. “Sige po,” sagot naman niya at tuluyan ng lumabas ng kusina. Binalot ko sa magandang lalagyan ang mga niluto ni Lisa. Ipamimigay ko ‘to sa mga bata sa labas para may makain sila. Maraming nagugutom ngayon kaya imbes itapon, ibigay na lang. My lola said, huwag magtiwala sa kahit sino pero pwede kang tumulong kahit kanino sa paraang makakaya mo. Kapag namamasyal kami noon at may nadadaanang namamalimos ay binibilhan ‘yon ni Lola ng pagkain. Hindi siya namimigay ng pera dahil mas gusto niyang makakain sila. Marami kasi sa lansangan na kapag binigyan mo ng pera ay sa bisyo mapupunta. Nasanay din akong gano’n kaya kapag may nakikita ako, binibilhan ko sila ng pagkain. Sa isang orphanage ay namimigay din ako ng groceries para sa mga bata doon. Hindi masamang tumulong. Wala rin naman akong anak para paglaanan ng mga pera ko. Marami naman akong ipon, may pamana rin sa akin ang mommy at daddy. I have a lot of money pero hindi kayang bilhin ang pinaka-nais ko. You can’t buy family. You can’t buy love. You can’t buy trust. At higit sa lahat, hindi mo kayang bilhin ang buhay. Kaya nga mag-isa na lang ako ngayon dahil kahit may pera… hindi ka pa rin magiging masaya kasi ulila ka. Hindi naisalba ang mga mahal ko sa buhay sa pamamagitan ng pera. Pera ay para sa pangangailangan, pero hindi lahat kaya niyang punan. Mapait akong ngumisi. This is my life. Living alone is like a life in prison. Nakakulong sa lungkot sa pagiging mag-isa. Where I can find love? Love that last forever. Where I can find my love that last for forever? “Ma’am Rachel,” rinig kong tawag sa akin ni Robert.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD