Chapter 17 *Robert* “Hindi raw maghahapunan dito si Ma’am Rachel,” wika ni Lisa nang bumalik dito sa kusina. Napalingon ako sa kaniya. “May lakad kasi. Sinundo ni Sir Trojan,” dagdag pa niya. Iniwan ko saglit ang niluluto para silipin siya sa labas. Nakita kong kasama niya ‘yong lalaking mayaman, gwapo at may magarang kotse. Mapait akong ngumisi. Hardinero lang ako dito, malabong mapansin niya ako tulad no’n. Malayong-malayo ang katayuan ko sa kaniya. Kaya siguro nang halikan ko siya… balewala lang ‘yon sa kaniya at iniisip niyang biro lang ang ginawa ko. Kung isang biro ‘yon, sana… sana hindi ko na hinahangad pang maulit uli. Ang pagtingin ko sa kaniya ay walang halong biro. Mula noong magtrabaho ako kina Ma’am Melissa at doon ko siya unang nakita, hindi ko na maalis ang mga mata ko

