Chapter 47 *Rachel* Bumalik ako sa kwarto at hindi ko nadatnan si Robert. Hinanap ko siya sa buong kwarto pero hindi ko siya mahanap. Where did he go? Umuwi na kaya ‘yon? Bakit hindi man lang nagpaalam? Nakita ko ang sapatos niya kaya tiyak na hindi pa ‘yon umuwi. Baka nasa kusina. Bumaba ako para doon siya hanapin. Lumabas na ako dahil hindi ko siya mahagilap. Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa likod bahay. Nakita kong bukas ang ilaw ng isang kwarto. Iyong kwarto niya dati. Nakasara ang pinto kaya kumatok ako. Anong ginagawa niya dito? Bumukas ‘yon at nagulat ako nang bigla akong hinila papasok sa loob. “Ginulat mo naman ako—” Nahinto ako sa pagsasalita nang bigla akong hinalikan ni Robert. Ako ay mulat na mulat at siya naman ay nakapikit. Halos mapigtal ang hininga ko dahil s

