Chapter 46

2324 Words

Chapter 46 *Rachel* Si Robert ang magluluto ng hapunan para sa’min. Ngayon ko lang siya makikitang magluluto. Si Romeo ay busy sa pagbabasa ng kaniyang comic book. Kaming tatlo ay narito lang sa kusina. Gusto ko sanang tumulong pero pinigilan niya ako. Siya na raw ang bahala kaya umupo na lang ako at nagkibit-balikat. “Anong lulutuin mo?” Nakapangalumbaba kong tanong. “Spaghetti,” simpleng sagot niya. Kumunot naman ang noo ko. “I love spaghetti!” Saad naman ni Romeo. “With meatballs, daddy please!” Pakiusap niya. Tumango naman si Robert kaya natuwa si Romeo. “Bakit spaghetti ang hapunan?” tanong ko. Nakita kong kumuha siya ng pasta at spaghetti sauce. Kumuha rin siya ng giniling na baka at baboy. Hinayaan ko siyang pakialaman kung ano ang nasa ref. Tutal e, siya naman ang maglulut

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD