CHAPTER 13

2075 Words

MABILIS NIYANG INILIHIS ang direksyon ng mga mata nang umahon si Matthew mula sa fiberglass pool. Kanina pa siya hindi makapagpokus sa iginuguhit na Dress for Summer Collection ng La Fashionista. Ito ang bagong proyekto ng kompanya at kailangan niyang matapos agad Sana pala ay hindi na lamang niya tinanggap ang imbitasyon ng binata na dumoon muna siya sa bahay nito ngayong araw. Ayon dito mas maganda rito at mas makapag-iisip siya ng bagong designs. Tama naman ito. Maganda ang location ng condo ni Matthew. Mataas at kita ang kagandahan ng buong siyudad. At ngayon nga'y nasa rooftop sila, at kita niya ang nagtataasan at naggagandahang mga building sa buong siyudad. It is a relaxing view. At mas ganado siyang mag-isip ng mga iguguhit na bagong estilo ng summer dresses. Kaso masyadong nakaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD