11

662 Words
CATH POV: Pinapasok ako ni Damon sa private office niya na nasa kabilang wing ng bahay. Hindi ko pa iyon napuntahan kahit kailan, kaya medyo kinakabahan ako. Tahimik lang siya habang naglalakad sa unahan ko, at wala akong ideya kung ano na naman ang ipapagawa niya sa akin. Pagdating namin sa loob, agad siyang umupo sa malaking leather chair sa likod ng dark mahogany desk niya. Ang buong kwarto ay puro dark tones—itim, abo, at mahogany. Eleganteng-elegante, pero malamig ang dating. Parang siya. “Sit.” malamig niyang sabi, pero sa pagkakataong ito, sinunod ko na kaagad. Umupo ako sa isang upuan sa harap ng desk niya, naglalaro ang mga daliri ko sa laylayan ng uniporme ko habang hinihintay ang sasabihin niya. “Do you hate me, Cath?” diretsong tanong niya. Napakunot ang noo ko. Ano na naman itong laro niya? “Hindi ko po kayo hate, boss. Naiinis lang po ako minsan.” sagot ko ng tapat. “Bakit?” seryoso niyang tanong, at ngayon ay nakatingin na siya sa akin, parang hinihigop ng mga mata niya ang bawat galaw ko. “Kasi po... ang hirap niyong pakisamahan. Minsan, pakiramdam ko gusto niyo lang akong pahirapan.” “Maybe I do.” sagot niya, pero may kakaibang ngiti sa labi niya. Isang ngiti na hindi ko alam kung nakakainsulto o nakakakilig. Bakit nga ba ganito? Ang dami kong reklamo sa kanya pero bakit para bang... naa-attract ako sa kanya? Napailing ako. Hindi, hindi pwede. “Tingin mo ba ay gusto kitang pahirapan, Cath?” malamig pero may halong curiousity ang boses niya. “Hindi ko po alam.” sagot ko, iniwas ang tingin. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at naglakad palapit sa akin. Nang maramdaman kong nasa likod ko na siya, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ano na naman ang gagawin niya? Lumuhod siya sa harap ko, dahilan para magulat ako. Hindi ko inaasahan na yuyuko siya nang ganoon. Pero hindi iyon ang nagpatigil sa akin sa paghinga. Ang kamay niya, dahan-dahang umabot sa pisngi ko. Malamig ang palad niya, pero ang haplos ay kakaibang mainit. “Why do you keep following my orders when you obviously hate me?” mahina niyang tanong, halos pabulong. “I-I don't hate you...” bulong ko rin. Ngayon, ang boses ko ay parang nasusunog sa init ng tingin niya. “Really?” tanong niya habang ang hinlalaki niya ay bahagyang dumadampi sa gilid ng labi ko. Hindi ako makapagsalita. Ano ba itong ginagawa niya? Parang lahat ng iniisip ko ay naglaho sa isang iglap. “Tell me, Cath. What do you really feel?” “B-Boss, ano pong ibig sabihin nito?” “I’m trying to figure you out. Because you frustrate me.” Hindi ko maintindihan kung galit siya o curious o... iba pa. Pero sa mga sandaling iyon, wala na akong pakialam. Ang tanging nararamdaman ko ay ang init ng kamay niya sa pisngi ko. “Cath...” bulong niya, malapit na malapit ang mukha niya sa akin. “Opo?” sagot ko, halos hindi marinig ang sarili kong boses. “You drive me insane.” At bago ko pa mabigyang-kahulugan ang mga salitang iyon, biglang naglapat ang mga labi niya sa akin. Mainit. Malambot. Pero puno ng intensity na parang sabik na sabik siyang malaman ang bawat sikreto ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong tumulak palayo o yakapin ang mga bisig niya. Pero parang kusang gumalaw ang katawan ko, at nagdikit ang mga palad ko sa balikat niya. Ang halik niya ay hindi marahas. Pero ramdam ko ang urgency. Parang gusto niyang burahin ang lahat ng iniisip ko. At sa sandaling iyon, wala akong nagawa kundi ang sumabay sa ritmo niya. Nang maghiwalay ang mga labi namin, pareho kaming habol ang hininga. Nakatitig lang siya sa akin, parang may hinihintay na sagot. “D-Damon...” mahina kong sambit. “Shh... don’t overthink.” bulong niya, bago muling lumapit ang labi niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD