12

950 Words
CATH POV "Help me find it—and you’ll be free." Yung mga salitang 'yon ni Ruid ay parang lason na unti-unting bumabalot sa utak ko. Free? Anong klaseng kalayaan ba ang sinasabi niya? Yung makakaalis ako sa mansion? O makakawala sa mga mata ni Damon na laging nakasunod sa bawat galaw ko? Pero bakit parang may kapalit ang alok na ‘yon? At ano bang tinatago ni Damon na kayang sirain siya? “Ruid,” mahina kong bulong habang pinipilit kong huwag magpakita ng emosyon, “anong tinatago ni Damon?” Tumitig siya sa akin, seryoso, wala na yung ngiting palaging nasa labi niya. “Hindi ko pa alam. Pero sigurado akong may madilim na lihim siya. Matagal ko nang kinukutuban.” “Bakit ako?” tanong ko. “Bakit hindi ikaw ang maghanap?” “Dahil ikaw lang ang pinapapasok niya sa kwarto niya. Ikaw ang laging kasama niya. Cath, hindi ko hinihingi na manira ka. Gusto ko lang malaman ang totoo.” Hindi ko agad alam ang isasagot. Gusto ko bang malaman ang lihim ni Damon dahil gusto ko siyang sirain? O gusto ko lang malaman kung bakit ako pinipilit niyang manatili sa tabi niya? Hindi ko namalayang napapikit ako at huminga nang malalim. “Pag-isipan mo,” bulong ni Ruid. “I’ll wait.” Kinagabihan, tahimik lang ako sa kwarto. Hindi ako mapakali. Parang may giyera sa loob ng puso at isipan ko. Pinili kong bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Pero sa kalagitnaan ng hallway, may boses akong narinig mula sa loob ng silid ni Damon. Nakatigil ako sa harap ng pinto. Medyo nakaawang ito kaya rinig ko ang usapan. “I told you, I don’t want anyone snooping around here,” galit na sabi ni Damon sa kausap sa phone. “If Ruid tries anything again, he’ll regret it.” Napasinghap ako. Tama si Ruid. Alam niyang may tinatago si Damon. Bigla akong napaatras—pero narinig ko ang pag-click ng door handle. Napatigil ako sa kinatatayuan ko. “Cath.” Nakita ko siyang nakatayo sa may pinto, nakasuot lang ng white shirt at boxer shorts. Wala na siyang suot sa paa, pero yung presensya niya, parang sapatos na mabigat sa dibdib. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya, malamig ang tono. “Uhm... iinom lang po ng tubig.” Tahimik. Walang imik. Tinitigan niya ako, parang binabasa niya kung nagsisinungaling ako. “Halika.” Napakunot ang noo ko. “Saan?” “Sa loob.” “Ay, boss... baka may ginagawa po kayo, okay lang po ako—” “Cath.” Iba na yung tono. Parang warning. Wala akong nagawa kundi sumunod. Pagkapasok namin sa kwarto niya, pinaupo niya ako sa gilid ng kama. Umikot siya sa likod ko at nagsimulang magsalita. “Ano’ng narinig mo?” “Wala po. Promise. Parang may business lang po kayong kausap,” sagot ko agad. “I don’t believe you.” Hindi ko na alam kung paano ko ipapaliwanag. Hindi ko naman sinasadya. Pero hindi rin ako pwedeng magsinungaling dahil baka lalo lang siyang magalit. “Cath,” sabi niya habang lumalapit, “do you trust me?” Hindi ako agad nakasagot. “Dahil ako,” dagdag niya, “hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan.” Napalunok ako. “Bakit po?” “Dahil sa Ruid.” Bigla siyang umupo sa tabi ko, at ang init ng katawan niya kahit hindi kami magkadikit ay nararamdaman ko. “He’s using you. Just like his ex used me.” Nanahimik ako. Ngayon ko lang siya narinig magsalita nang ganito. Parang… nasasaktan. “Gusto mo bang malaman ang totoo, Cath?” Tumango ako. “Then stay.” “Stay?” “Stay with me tonight.” Nanlaki ang mga mata ko. “B-boss…” “I don’t mean that way,” mabilis niyang sabi. “Just stay here. Wala kang gagawin. Just… be here.” Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi ko kayang tumanggi. Tumango ako. “Okay.” Tumayo siya at binuksan ang closet. Kumuha siya ng extra shirt. “Magpalit ka muna. Mukhang pagod ka.” Iniabot niya ang puting shirt na malaki pa sa’kin. “P-pero—” “Walang ibang tao rito, Cath. Wala akong balak samantalahin ka.” Nakatitig lang ako sa kanya. Pumasok ako sa CR, nagpalit ng damit, at nang lumabas ako, nakahiga na siya sa kama, nakatalikod. “Dito ka lang. Sa kabilang side. Promise, I won’t touch you,” sabi niya, mahina ang boses. Dahan-dahan akong humiga. Magkahiwalay kami. May malaking unan sa gitna. Pero kahit ganoon, ang t***k ng puso ko parang may kalaban sa loob. Tahimik. Tahimik na nakakabingi. Paglingon ko, nakatingin siya sa kisame. “Damon?” “Hm?” “Bakit ako?” “Ha?” “Bakit ako ang pinili mong personal maid?” Tahimik siya. Saglit. Parang nag-iisip. “Dahil gusto kong subukan kung may makakabali sa akin.” Napakagat ako sa labi ko. “At ikaw… ikaw lang ang lumaban.” “Dahil gusto kong subukan kung may makakabali sa akin.” Yung mga salitang ‘yon ni Damon, parang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Anong ibig sabihin niya? Ako lang ba talaga? “Bakit mo gustong mabali?” mahina kong tanong habang nakatalikod pa rin ako sa kanya. Tahimik. Ilang segundo. Wala akong naririnig kundi ang mabigat niyang paghinga. “Dahil pagod na akong maging matigas.” Doon ko lang napagtanto... si Damon, sa likod ng pagiging bossy, malamig, at kontrolado — pagod. Sobrang pagod. “Goodnight, Cath,” mahina niyang sabi, parang ayaw na niyang palalimin pa ang usapan. “Goodnight, boss.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD