Kinabukasan, maaga pa lang, nagising na ako. Tahimik pa ang buong mansion. Naririnig ko lang ang tunog ng hangin sa labas, at ang mahinang hilik ni Damon. Nakatihaya siya, may bahagyang kunot ang noo.
Parang kahit tulog siya, hindi siya mapanatag.
Tumayo ako nang dahan-dahan, kumuha ng kumot at inikot iyon sa katawan niya. Hindi ko na alam kung bakit ko ginagawa 'to. Pero may parte sa akin na gustong iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa.
Pagkababa ko, sinalubong ako ni Ruid sa kusina. May hawak siyang tasa ng kape.
“Good morning, sunshine,” bati niya sabay kindat.
Hindi ko siya sinagot. Umupo ako sa mesa at umiwas ng tingin.
“Uy,” lumapit siya, “don’t tell me... you slept in his room?”
Napatingin ako sa kanya.
“Hindi mo na dapat tinatanong kung alam mo na sagot,” irap ko sa kanya.
Tumawa lang siya. Pero iba ang ngiti. Hindi na siya ‘yung pabirong Ruid. May halong sakit sa mga mata niya.
“Anong plano mo?” tanong ko. Diretso. Walang paligoy.
“Cath, gusto ko lang malaman kung anong tinatago niya. Gusto ko lang matulungan ka. Hindi ka safe sa kanya.”
“Hindi ako sigurado kung safe ako sa’yo,” balik kong sagot.
“Cath…” huminga siya nang malalim, “I may be playful, but I never lied to you.”
“Lahat naman tayo may itinatago, Ruid.”
Biglang tumigil ang pagngiti niya. Tumalikod siya at nilapag ang tasa sa counter.
“Pag nagbago ang isip mo... andito lang ako.”
Pagbalik ko sa kwarto ni Damon, nakaupo na siya sa kama, hawak ang phone. Nakaayos na siya, suot ang signature black suit niya. Mukhang may lakad.
“Where have you been?” malamig niyang tanong.
“Sa kusina. Nagkape lang.”
“Kasama si Ruid?”
Nag-angat siya ng tingin, diretso sa mga mata ko.
“Hindi naman ako nakatali sa kama mo, di ba?” sarkastiko kong sagot.
Hindi siya sumagot. Tumayo siya, nilapitan ako, at huminto sa harap ko.
“Cath… don’t test me.”
“Tinuturuan mo akong sumunod, pero ayaw mo akong tanungin kung anong gusto ko.”
Nagkatitigan kami. Intense. Parang may bagyong bumubuo sa pagitan naming dalawa.
“Fine,” bulong niya. “Ano ba ang gusto mo?”
“Kalayaan.”
“Hindi mo ‘yan makukuha habang hindi pa ako sigurado sa’yo.”
Napapikit ako.
“Then maybe... I should stop trying.”
Paglingon ko, akmang lalabas na ako ng kwarto, pero hinawakan niya ang braso ko.
“Stay. Just… stay.”
DAMON POV
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.
Simula nang dumating si Cath, parang nawawala ako sa sarili kong mundo. Gusto ko siyang itaboy, pero lalo ko siyang hinahanap. Gusto ko siyang pagalitan, pero natatakot akong mawala siya.
I hate this feeling. Hindi ko ito kontrolado.
At ngayong si Ruid ay nakikialam na, lalo akong hindi mapakali. Hindi ko siya basta pwedeng saktan — kapatid ko siya. Pero kapag si Cath ang pinag-uusapan, wala akong pakialam kahit kapamilya pa siya.
CATH POV
Huli. Huling-huli ako ni Damon na may hawak ng envelope. Ramdam ko ang pag-igting ng hangin sa pagitan naming dalawa habang dahan-dahan siyang lumapit.
“Sinong nagsabi sa’yo na pwedeng buksan ‘yan?” malamig ang tono, pero hindi ito sumisigaw — and that was scarier.
“I… hindi ko sinasadya. Nahulog lang po ang folder, tapos—”
“Hindi mo kailangan ng paliwanag, Cath. Ibaba mo.”
Mabilis kong ibinaba ang envelope sa lamesa, pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. Ramdam ko ang pagsikdo ng dibdib ko. Parang... hindi lang galit ang nararamdaman niya. Parang takot.
“Bakit mo ‘to itinatago?” mahinang tanong ko.
Tahimik. Tumalikod siya at sinarado ang drawer na parang walang nangyari.
“Hindi mo na kailangang malaman ang tungkol diyan.”
“Pero Damon—”
“I said, DROP IT!” Sigaw niya — ngayon, bumigay na.
Napaatras ako. Hindi dahil sa galit niya, kundi dahil sa sakit sa mga mata niya. Hindi siya galit dahil nakita ko. Galit siya dahil natuklasan ko ang bahaging pilit niyang tinatago — ang sugat na iniingatan niya.
“Do you love her?” mahina kong tanong, referring to the woman sa larawan.
Tumingin siya sa akin. Matagal. Parang sinusuri niya kung worth it ba akong pagsabihan ng totoo.
“No,” sagot niya. “But I once did.”
DAMON POV
Ang dami kong ginawang kasalanan sa nakaraan. Yung babae sa larawang ‘yon? Siya ‘yung dahilan kung bakit ako naging ganito. Minsan ko siyang minahal — sobra pa sa sarili ko. Pero iniwan niya ako. Tinuruan niya akong huwag magtiwala kahit kanino.
At ngayon, si Cath… she’s starting to dig into that past. The part of me I swore I’d bury.
“Lumabas ka muna,” sabi ko.
“Hindi ako lalabas hangga’t hindi mo sinasabi kung anong totoo.”
Nakakainis. Nakakabaliw.
Pero ang totoo… gusto kong malaman niya.
CATH POV
Lumapit siya. Mabagal. Pero ang bawat hakbang niya, ramdam ko sa dibdib ko.
“Gusto mong malaman ang totoo, Cath?” tanong niya habang nasa harapan ko na. “Gusto mong marinig ang parte ng buhay ko na pilit kong kinakalimutan?”
Tumango ako. “Oo.”
Hinawakan niya ang kamay ko. Mainit. Matapang. Pero may halong panginginig.
“She left me on the day of our wedding. Pregnant with another man’s child. After everything I gave her.”
Namilog ang mga mata ko.
“I thought I could never love again. That I was only meant to control… to own… but never to care.”
Napakagat ako sa labi.
“Then you came,” bulong niya. “At unti-unting sinira mo ‘yung pader na binuo ko.”
Tumulo ang luha ko, pero hindi ko na itinatago.
“I’m sorry…” sabi ko.
“No,” iling niya, “don’t say sorry. Kasi sa lahat ng sakit, ikaw lang ang naramdaman ko ulit.”
That night, wala kaming ibang ginawa kundi ang tumingin sa isa’t isa. Hindi niya ako hinawakan nang may intensyon. Wala siyang ginawang masama. Pero ramdam ko — nagsisimula siyang magbukas.
At ako? Nagsisimula akong matakot... kasi baka ma-fall ako sa taong once broken, and still bleeding.
Pero kahit takot, hindi ko na mapigilan ang sarili ko.