14

1034 Words
RU!D POV Pinagmamasdan ko sila mula sa CCTV monitor sa kwarto ko. Cath… bakit siya? And Damon? Na siya pa talaga ang piniling pagbuksan? Hindi ko papayagan ‘to. Hindi ko hahayaang maagaw niya sa akin ang babaeng una kong nakita… una kong minahal. Kung ayaw mong ibigay, Kuya… kukunin ko. Ilang araw na ang lumipas. Tahimik ang buong mansion, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan ni Damon at Ruid. Parang lahat ng kilos ko ay may nakatingin. Nakakabaliw. Isang gabi, habang nag-aayos ako sa kwarto ni Damon, may natagpuan akong envelope sa ilalim ng drawer. Hindi ko naman intensyong halungkatin—nabitawan ko lang ‘yung folder kaya aksidente ko siyang nakita. Tinignan ko ito. Mga larawan. Old pictures ng isang babae... at ng batang lalaki. Si Damon? May mga sulat din. Legal documents. Divorce papers? Tumayo ako, nanginginig ang kamay ko. Aksidente bang naiwan ito ni Damon? O may iba pa siyang tinatago? Bigla siyang dumating. “Ano ‘yan?” Napalingon ako sa kanya. Huli. CATH POV “Good morning,” mahina kong bati kay Damon habang dinalhan ko siya ng kape sa kwarto. Nag-aayos siya ng necktie sa harap ng malaking salamin. Mukha siyang boss. Lalo siyang tumalim at tumikas dahil sa suot niyang dark blue na suit. Mukha siyang lalaking hindi mo dapat lapitan. Pero ako? Ako ‘yung babae na pilit niyang pinapalapit. “Come here,” utos niya, pero hindi naman malamig ang boses. Lumapit ako. “Ikaw ang magsuot nito,” sabay abot ng necktie. Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Pero sunod lang ako. Dahan-dahan kong tinulungan siyang isuot ang necktie. Ramdam ko ang init ng hininga niya habang nakatapat ako sa dibdib niya. “Magaling,” mahinang bulong niya. Napalunok ako. “T-teka, kailangan ko pa maglinis sa baba—” Hinawakan niya ang kamay ko. Mabilis. Matatag. “Stay. Gusto kong kasama ka ngayong umaga.” Bigla siyang tumingin sa akin. Diretso. Parang binabasa ang kaluluwa ko. “Cath,” bulong niya, “If I ask you to stay by my side… as more than just a maid… would you?” Nanigas ako. Hindi ko alam ang isasagot. Pero bago pa ako makareact, biglang bumukas ang pinto. RUID POV “Good morning, brother,” sabay pasok ko sa kwarto ni Damon. Pero tumigil ako nung makita ko ang eksena sa harap ko. Si Damon, hawak ang kamay ni Cath. At si Cath… mukhang hindi siya tumututol. “S-Sir Ruid…” mahina niyang sambit. Nakangiti ako pero hindi masaya ang loob ko. “I just came to drop this off,” sabay abot ko ng envelope kay Damon. Pero hindi pa rin ako umaalis. Tinitigan ko si Cath. “Can I borrow Cath for a while? May ipapagawa ako sa kanya,” sabi ko. “No,” mabilis na sagot ni Damon. Napataas ako ng kilay. “Why not?” “She’s with me.” “Well,” ngumiti ako, “she used to be mine.” “Not anymore.” Nagkatitigan kami ni Kuya. Tahimik. Mabigat. Naramdaman ko ang panginginig ni Cath sa pagitan naming dalawa. Gusto ko siyang hilahin palayo. Gusto ko siyang iligtas mula sa obsessions ng kuya ko. Pero ako rin… obsessed na. CATH POV Hindi ko na alam kung sino ang susundin. Lahat ng kilos ko, pinag-aagawan. Lahat ng tingin nila, may laman. Parang wala na akong control. Parang laruan. Pero ako si Cath Melzer. At hindi ako basta-bastang babae. Lumabas ako ng kwarto. Walang paalam. At habang naglalakad ako sa hallway ng mansion, ramdam ko ang bigat ng mundo sa balikat ko. Minsan gusto kong bumalik sa pagiging simpleng maid. Walang pag-aagawan. Walang tanong. Walang obsessions. Pero hindi na ako ‘yun. Ako na ngayon ang babae sa gitna ng dalawang lalaking handang gawin ang lahat… kahit madugo. CATH POV Nakita ko si Damon na naka-upo sa malapad niyang desk, tanging ang ilaw mula sa lamp ang nagbigay liwanag sa kwarto. Tapos na ang araw ng trabaho, pero hindi ko pa rin magawang makaalis. Laging may dahilan si Damon para manatili ako, kahit na hindi ko na alam kung anong klaseng laro ang nilalaro niya sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hindi ko pa rin alam kung paano ko sisimulan ang usapan. Minsan, naiisip ko kung may pakialam ba siya sa mga nararamdaman ko. Si Damon, ang lalaki na may matalim na tingin, ang may-ari ng Octavian Mansion, na hindi ko na alam kung talagang may malasakit sa akin o siya lang ay isang naglalakbay na anino sa buhay ko. “Cath,” nagbukas siya ng kanyang bibig, tinawag ang pangalan ko na parang may kabuntot na malamig na tinig. “Punta ka dito.” Isang saglit, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pero parang may pwersa na humihila sa akin patungo sa kanya. Tumayo ako, dahan-dahan na naglakad patungo sa kanyang mesa. Ang dilim ng kwarto ay nagbigay ng pakiramdam na parang may misteryo sa mga mata niyang tumitingin sa akin. “Sit,” sabi niya, mas matigas ngayon. Dahil wala akong ibang choice, umupo ako sa gilid ng desk. Hindi ko siya tinitignan sa mga mata. I just couldn’t. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa ito sa akin, bakit parang sinasadya niyang gawing magulo ang mundo ko. Pero alam ko rin, na sa mga oras na ito, kahit anong tanong ko, wala itong saysay. Biglang sumandal si Damon sa kanyang upuan, mga mata niyang matalim, hindi ko alam kung nakatingin siya sa akin o sa mga papeles sa mesa. “You know,” sabi niya, “I thought I could control you, Cath. But there’s something about you that’s making me... restless.” Nagngitngit ako sa loob, pero wala akong ibang nagawa kundi ang makinig. “What are you saying?” tanong ko, hindi ko matago ang kaba sa puso ko. Sa harap ko, huminga si Damon ng malalim bago sumagot. “You think I haven’t noticed how you react when I’m near? How you try to keep your distance, but you can’t stay away, can you?” Ang puso ko ay nag-umpisang mag-ukit ng kaba. Ano bang laro ang nilalaro nitong si Damon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD