Prologue
NAPALUNOK siya nang magtama ang kanilang mga tingin. Hindi siya maaring magkamali sa nakikita ng kaniyang mga mata. Ito nga ang bata na nakilala niya noon. Ang nag-iisang anak ng mga Fuentez. It’s Akira… Akira Fuentes, the nineteen-year-old cute boy who confessed his love for her five years ago.
“I-It’s you… You are Aki…” Kahit na malaki ang ipinagbago nito ay hindi pa rin niya makakalimutan ang batang lalaki na nasa harapan niya ngayon.
Lumapit ang lalaki sa desk nito at saka ipinatong ang dalawang kamay roon. “And so?” tanong nito sa kaniya.
“H-Hindi mo ba ako naaalala?” balik niyang tanong dito at lumapit na rin sa kinaroroonan ng lalaki. Mukhang nakalimutan na nga siya ni Aki. Matagal na rin kasi simula nang huli silang nagkita.
“Why should I?” malamig nitong tugon. May halong pait ang naramdaman niya sa pagkabigkas no’n ng kaharap. Sigurado siya na may galit ito sa kaniya dahil sa bigla niyang pag-alis noon ng parang bula.
“Ahm… Ako iyong naging tutor mo dati, five years ag—” naputol ang sasabihin niya nang magsalita ito.
“I don’t care about that anymore,” tugon nito na nakapagpakirot sa kaniyang puso. Hindi na nga siguro importante rito ang nakaraan nila. Lalo na ang tungkol sa kaniya.
“S-Sorry…”
“I mean, whatever happened in the past wasn’t important. What matters to me now is the present,” he explained. Hindi na nga siguro nila dapat pag-usapan pa ang mga nangyari noon lalo na’t mukhang hindi na nga siya nito naaalala. “Now, let’s go back to work. Hand me those papers,” utos nito sa kaniya na nagpabalik ng kaniyang ulirat.
Iniabot naman ni Michelle ang hawak niyang mga papel kay Aki at pag-abot nito no’n ay nasagi ng lalaki ang kamay niya. Bigla siyang nakaramdam ng kiliti mula roon. Saglit lang na nagdampi ang kanilang mga kamay pero libu-libong boltahe ng kuryente ang naramdaman niya.
What’s happening to her? Hindi naman siya ganito noon sa lalaki.
Nanatiling nakatayo si Michelle roon habang binabasa ni Aki ang mga papel na ibinigay niya. Napagmasdan tuloy niya ang mukha nito. Mas lalo itong gumuwapo sa paningin niya. His long eyelashes always made her feel jealous as a woman. Ang ganda kasi no’n lalo na dahil may maganda rin na mga mata ang lalaki na binagayan pa ng makapal nitong kilay. Matangos din ang ilong nito. At ang hindi niya makalimutan ay ang mamula-mula nitong mga labi na kaysarap pagmasdan.
“So…” Napapitlag siya nang magsalita ang kaharap na animoy nahuli siyang nagpapantasya rito. Pati ang boses ng lalaki ay nag-iba na pala, noon lang niya iyon naikumpara sa dati. It sounded so manly now. “Did you do this work?”
Tumingin ito sa kaniya kaya napayuko siya para iwasan ang tingin nito. “Yes… p-po.”
Hindi na ito sumagot kaya nagulat siya nang maramdaman ang pagtayo nito mula sa swivel chair nito at umikot papunta sa kinatatayuan niya. She’s nervous and she didn’t know why. “Are you done checking me out?”
Napatingin siya sa lalaki. “Ha?”
“Well, habang binabasa ko ang gawa mo ay panay naman ang tingin mo sa akin. So, I’m just asking if you are done checking me…” Inangat nito ang kanang kamay at itinuro ang sarili mula ulo hanggang paa. “You can still look at me if you want, I’m not that selfish,” tudyo nito sa kaniya.
Gusto naman ni Michelle na pagalitan ang sarili dahil ganoon na pala ka-obvious ang pagtingin niya rito at napansin iyon ng lalaki.
“N-Nagulat lang po ako, sir,” mahinang sagot niya na muling iniyuko ang ulo.
Sana ay lumubog na lang ako rito, bulong niya sa kaniyang isip. Ilang beses pa ba siya na mapapahiya sa harapan nito sa buong araw?
“Gano’n ka pala magulat?” patuloy na asar nito sa kaniya. “How was it?” muling tanong nito sa kaniya kaya napatingin siya ulit na naguguluhan sa lalaki. “Do you find me attractive now, Miss Michelle?”
Hindi siya agad nakapagsalita nang unti-unti itong lumapit sa kaniya. Napaatras tuloy siya pero tumama lang ang puwitan niya sa may desk nito. Wala na siyang mapupuntahan pa dahil may dalawa ring upuan na nakaharang sa magkabilang gilid niya.
She was already cornered by this alluring man in front of her.
“S-Sir…”
“Uhmm?” sagot nito pero walang lumabas na salita sa bibig ng lalaki. Lalo pa itong lumapit sa kaniya at naramdaman niya ang pabilis na pabilis na t***k ng kaniyang puso. Tila siya aatahakin ng mga sandaling iyon. “Do I look like a man to you now?” tanong muli nito.
“A-Aki…” she softly called his name. He is now inches away from her already reddened face. She could smell his perfume and his breath warm against her neck. She started to feel the burning sensation running throughout her body.
“It’s still nice to hear you calling my name.”
“So… you do remember me?” gulat niyang tanong.
“Of course…” tugon nito. Ibig sabihin ay niloloko lang pala siya nito kanina. He remembered her. “I miss you,” he confessed confidently.
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig mula sa binata. Napapitlag siya nang maramdaman ang pagharang ng dalawa nitong braso sa kaniya. Ipinatong nito ang magkabilang kamay sa may desk sa kaniyang likuran habang nakatingin ito sa kaniya. Hindi naman niya masalubong ang mga mata nito kaya iniyuko niya lang ang kaniyang ulo.
Napakagat siya ng ibabang labi. She couldn’t believe that he’s making her feel something unfamiliar in her own body with just his stares right now.
“I-It’s been five years…” sabi niya.
Iniangat nito ang kanang kamay at hinawakan ang I.D. na suot-suot niya. “Office secretary…” basa nito sa nakasulat doon. “Yeah, it’s been five years… and you still have the same effect on me.”
Napakagat siya sa kaniyang labi. Mas nauna pa itong naging successful sa kaniya samantalang sinabihan niya ito noon na kaya ayaw niya sa lalaki ay dahil umaasa pa ito sa mga magulang at isip bata pa pero heto’t boss na niya ito ngayon. Ang hindi niya mapaniwalaan hanggang ngayon ay sinasabi pa rin nito ang mga ganoong salita sa kaniya.
“It’s nice to meet you again, s-sir,” ani niya. She’s trying to sound okay though she’s starting to feel those butterflies on her stomach.
“It is. I’m glad to meet you again after five years, Michelle,” sagot nito na nakapagpatigil sa kaniya. Hearing him calling her name made her shiver. “By the way, you can just call me by my name, too. I prefer it that way.” Binitiwan na nito ang I.D. niya at saka lumayo sa kaniya.
“N-No,” tanggi niya. “I mean… You are my boss, right? Hindi naman po maganda iyon, s-sir.”
“And you are the girl I love,” he answered calmly. Napakurap-kurap siya sa kaniyang narinig. How can he say those words straight to her so honestly? He’s still confident as ever. “You can treat me casually when we are alone.”
Napayuko siya. “Y-Yes, s-sir,” sagot niya na lang para hindi na magtagal pa ang usapan nila. Hindi rin naman siya mananalo sa lalaki. She wanted to stay away from his presence as fast as she could.
“Aki,” bigkas ng lalaki sa pangalan nito. He’s trying to make her say it.
“Y-Yes, Aki.”
Lumapit itong muli sa kaniya at tumingin sa kaniyang mga mata. “Don’t think that I’m over you, Ms. Molina, because I’m not. I’m still in love with you since the day I’ve met you at our house. Now, let me ask you, did you miss me?” he asked using his calm and sexy voice.
Hindi niya sigurado kung may pang-aakit ba talaga sa tono nito o sadyang sexy lang talaga ang speaking voice ng lalaki. Nanlalambot kasi ang mga tuhod niya ng mga sandaling iyon. Kinailangan pa niyang humawak sa may upuan sa kaniyang tabi para lang manatiling nakatayo nang maayos. Hindi niya rin inaasahan ang lakas ng magiging epekto nito sa kaniya.
“I-I need to do something.” Pag-iwas niya sa tanong nito. She composed herself and tried to get away with him as soon as possible.
Michelle was shocked. She couldn’t believe that the little boy she knew before is already gone. He is now a charming grown-up man who can take away her breath without even putting in any effort.
Natigil siya sa paglalakad nang makarating siya malapit sa may pintuan.
“Any problem?” tanong ng lalaki sa kaniya na bumalik na sa kinauupuan nito.
Humarap siya at nangahas na magtanong dito. “Are you serious?”
“I’ve been serious since then until now, my dear Michelle.” Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis sa kaniya.
Where’s that little boy she knew? He totally changed from a good-looking and sexy young man now!
Will she be able to resist his blatant charm, or will she finally let her heart fall in love with this boy in a suit?