NAGMAMADALI si Michelle sa pagtakbo papunta sa may elevator ng building kung saan siya nagtatrabaho. Hindi na siya nakapag-ayos mabuti ng kaniyang sarili dahil male-late na siya ng time-in. Iyon pa naman ang unang araw ng bago nilang director at kailangan na nandoon silang lahat na mga staff nito para i-welcome at magpakilala rito.
Kung kailan naman kasi kailangan niya na mag-maaga ng pagpasok sa trabaho ay doon pa natapat na may inutos na gawain sa kaniya ang mga kasamahan niya. Iniwanan siya ng mga ito kahapon nang isang katerbang work papers na kailangan na rin na i-submit ngayon para sa bago nilang boss. Hindi naman siya nakatanggi kaya nag-overtime siya para lang gawin at tapusin iyon. Na-late na siya ng uwi kagabi dahil doon kaya hindi siya nakapagpahinga ng maaga at ang resulta na-late rin siya ng gising ngayon.
Inasikaso pa niya ang mga pagkain at damit ng tatlong nakababata niyang kapatid para sa pagpasok ng mga ito sa school. Siya kasi ang panganay sa kanila at siya na lang ang katuwang ng kanyang ina para mag-asikaso sa kaniyang mga kapatid.
Matagal nang patay ang kanyang ama kaya siya na ang nagsilbing breadwinner ng kanilang pamilya simula noon. Ang kanilang ina naman ay nasa ibang bansa as an OFW. Pinili nitong magtrabaho roon sa malayo para lamang matustusan ang pag-aaral nilang magkakapatid.
Hinihintay na lamang niyang makatapos ang pangalawa niyang kapatid sa pag-aaral nito at pauuwiin na niya ang ina. Ayaw na niyang maghirap pa ito roon. She is doing her best and working hard to achieve her dreams for her family.
“Excuse me po…” ani niya sa mga taong nasa loob ng elevator. “Thank you po,” saad niya nang makapasok na siya sa loob.
Buti na lang at nakaabot siya roon dahil ten minutes na lang at late na siya. Bigla namang tumunog ang elevator na iyon na ang ibig sabihin ay puno na ito at na-reach na nito ang limit na bigat ng taong nasa loob. Napatingin tuloy siya sa mga katabi niya at natagpuan niya ang maraming matang nakatuon sa kaniya na animoy nagsasabi sa kaniya na lumabas na siya roon nang makaakyat na sila. Hindi man siya ang huling pumasok ay hindi niya matiis ang mga tingin na nakapukol sa kaniya.
Kung kailan naman na nagmamadali siya ay saka pa siya hindi sinasang-ayunan ng tadhana. Napabuntong-hininga siya bago niya napagdesisyunang lumabas na lang ng elevator. Wala rin naman siyang magagawa. Hindi rin naman niya kaya na tiisin na lang na iba ang mag-sakripisyo nang kaya naman niyang gawin.
“Ahh!” Nagulat si Michelle nang maramdaman ang malakas na puwersang humila sa kaniya pabalik sa kinaroroonan niya sa may gilid ng elevator no’ng lumabas siya.
Tiningnan niya ang may-ari ng kamay na iyon na humawak sa kaniya pero hindi na niya naabutan pa ang lalaki sa sobrang pagkagulat niya sa paghatak nito sa kaniya. Tanging likod na lamang nito ang nakita niya dahil madali itong naglakad palayo roon sa elevator.
Matangkad ang lalaki na iyon at maganda rin ang tindig ng pangangatawan nito. Nakasuot ito ng formal attire at may bitbit na black na bag. Isa rin siguro ito sa mga nagtatrabaho roon.
Thank you… bulong niya sa kaniyang isipan. Kung sana man lang ay nasilayam niya ang mukha ng lalaki ay puwede niya itong mapasalamatan sa susunod na pagkikita nila.
Napailing-iling siya sa kaniyang naisip. May balak pa pala siyang makita ito pero ang totoo ay wala siyang time para doon. Hinawakan niya nang mahigpit ang bag niya at niyakap iyon. Hindi muna siya puwede ma-in love dahil may pangarap pa siya na kailangan niyang abutin. She dreamt to be a successful manager someday. Gusto niya na makapag-provide siya nang maayos na buhay sa kaniyang pamilya bago niya isipin ang pag-ibig na iyan.
Hingal na hingal si Michelle nang makarating siya sa may pintuan ng office nila. Saktong eight o’ clock siya nakapag-time in. Thank you, Lord! Thank you, Mister! sigaw niya sa kaniyang isipan. Kung hindi kasi dahil sa lalaki kanina na nag-give up ng puwesto nito sa elavator ay tiyak na male-late siya. Kahit na hindi naging maganda ang umpisa ng araw niya ay bawing-bawi naman iyon ngayon.
“Good morning po!” bungad niya sa mga katrabaho nang masaya.
“Oh, nandito ka na pala, Michelle. Natapos mo ba iyong mga pinagagawa namin sa iyo kahapon?" tanong ni Faye na nagkakape pa sa isang table. Kasama nito si Irene at Tere doon, sila ang mga kasamahan niya sa office department na kinabibilangan niya.
“Ah. Oo, natapos ko naman kagabi. Ipinatong ko lahat iyon sa may desk mo, hindi mo ba nakita roon?” balik niyang tanong.
“Ganoon ba? Hindi ko pa kasi nache-check. Thank you, Michelle!” tugon nito. Masaya naman siya dahil nakatulong siya sa kaniyang mga kasamahan kahit minsan ay pakiramdam niya na inaabuso na siya ng mga ito ay hindi niya magawang tumanggi. Gusto niyang tumulong hangga’t kaya niya.
“Magkape ka muna rito,” aya sa kanya ni Irene.
“Hindi na puwede, oras na ng trabaho natin, oh. Baka dumating na rin ang bago nating boss. Maabutan pa tayo rito,” ani Tere na tumayo na roon at binitbit ang kapeng iniinom papunta sa upuan nito.
“Tama si Tere, doon na lang ako magkakape sa table ko. Salamat, Irene!” Ngumiti siya sa mga ito at saka pumunta na rin sa kanyang upuan.
Magkakatabi lang ang kanilang mga office desk pero ang sa kaniya ay katapat ng office ng boss nila. Iyon kasi ang ibinigay sa kaniya ng mga kasamahan niya na upuan. Okay lang naman sa kaniya kahit saan siya maupo basta makapagtrabaho siya nang maayos.
Maya-maya ay tinawag na ang atensiyon nilang lahat ng kanilang HR Supervisor. Ipapakilala na siguro nito ang bago nilang director. Nag-resign na kasi ang dati nilang boss dahil maninirahan na ito sa abroad kaya kinailangan nila ng papalit dito.
“Michelle, bakit isang copy lang ito? I need at least three copies of these papers,” sabi ni Faye sa kaniya. Hawak nito ang mga ginawa niya kagabi.
“Ah. Sorry. Hindi ko pala iyan na-photocopy.”
“Can you photocopy these for me, please?” pakiusap nito sa kaniya. Ayaw man niya na umalis sa kinauupuan niya ng sandaling iyon dahil tiyak na nandiyan na ang boss nila ay hindi niya matanggihan ang dalaga.
Tumango na lang siya rito. “Wait lang, ha. Babalik din ako agad.” Tumayo siya sa kanyang upuan at saka nagmadali na pumunta sa kabilang dulo ng office kung nasaan ang xerox machine.
“Good morning, everyone! I want you to meet our new Managing Director, Mr. Fuentez.”
“Good morning! I’m Akira Fuentez. Let’s have a warm and positive working environment. It’s nice to meet you all,” ani ng lalaki.
Napatigil si Angel sa kanyang narinig. Akira Fuentez? It sounded familiar for her for a moment pero hindi niya maisip kung bakit parang pamilyar iyon sa kaniya. Pinilit niyang silipin ang bago nilang boss mula roon sa kaniyang kinaroroonan pero masyado siyang maliit para makita ang kabuuan nito. Ang tanging nakikita lang ng mga mata niya mula sa kanyang kinatatayuan ay ang buhok at ang noo nito.
Pumalakpak naman ang mga staff na nandoon para i-welcome ito. Narinig niya na binati nito isa-isa ang mga kasamahan niya. Sa isipan niya ay mukhang mabait ulit ang boss nila kaya napangiti siya.
Nang matapos na ang ginagawa ay nagmamadali siyang bumalik doon para makilala rin ang kanilang boss. Habang naglalakad ay inaayos niya ang pagkakasunud-sunod nang hawak-hawak na mga papel. At sa pagmamadali niya ay nadapa siya.
“Aww!”
“Are you okay?” tanong ng lalaking nakahawak sa kaniyang mga braso. Mabuti na lang at nasalo siya nito kundi ay sa sahig ang bagsak niya.
“S-Salamat po,” tugon niya sa lalaki habang nakayuko pa rin. Binitiwan naman siya nito agad nang makatayo na siya nang maayos at tinulungan siya na pulutin ang mga papel na kaniyang nahulog doon.
Tumulong din naman sila Irene na pumulot ng mga papel sa sahig nang makita ang kanilang boss. Napapikit-pikit tuloy siya dahil sa eksenang ginawa niya. Did she just stumble in front of her new boss? Ano bang katangahan ang mayroon siya? Sa halip na magandang impression ang ipakita niya rito ay ang kalampahan pa niya ang una niyang naipakita. Gusto na lang niyang kainin ng sahig sa sobrang hiya na nararamdaman niya.
“Michelle, oh.” Iniabot ni Irene ang mga napulot nito.
Iniabot din ng kanilang boss ang ilang papel na nakuha nito sa kanya. “Here…”
“S-Salamat po sa in—” Napakagat siya nang labi nang iangat ang tingin at makita ang lalaki. She couldn’t believe who’s the guy in front of her. Nagbukas-sara ang kaniyang bibig sa sobrang pagkagulat. Nananaginip ba siya dahil kung ganoon ay gusto na niyang magising agad.
Why is he here? What is this kid doing here?
“A-Aki?” tanong niya. Siya nga ba si Aki? Si Aki Fuentez. Iyong batang si Aki?
“M-Magkakilala po ba kayo?” tanong ni Faye na gulat na gulat.
Maging siya ay nagulat nang makita ito. It’s been five years since the last time that they’ve seen each other pero hindi niya malilimutan ang batang lalaki. Hindi niya ito nakalimutan dahil isang bahagi ito ng nakaraan niya na gusto niya sanang balikan kung may pagkakataon siya pero alam naman niyang hindi na puwede.
Pinagmasdan niya ang lalaki sa kaniyang harapan. Mas tumangkad na ito kaysa noon. Mas gumuwapo na rin ito kaysa noon. Nag-mature na ang itsura nito at naging mas malaki ang built ng katawan na nakadagdag ng lakas ng dating nito.
He was still a kid back then, but who is this grown-up man in front of her?
Ngumiti ito at umiling. “No. I think… w-we haven’t met before,” tanggi nang lalaking kaharap niya. Napakunot naman siya ng noo dahil doon.
Tinanggi ba nito na magkakilala sila o hindi na siya naalala ng lalaki?
“You are… M-Michelle, right?” tanong nito. See? He knew my name. It’s me, your first love. Hindi pa rin matanggal ang mga mata niya sa lalaki. Gusto niyang kurutin ang sarili para malaman kung nananaginip ba siya o totoo ang nangyayari. “Come to my office and bring those papers.”
“Ha?” gulat niyang tanong.
“Bingi ba siya?” baling naman nito sa mga kasamahan niya.
“Hindi po, sir. Pasensiya na po kayo,” ani Irene.
“Mukhang na-starstruck po sa inyo, sir,” sabat naman ni Tere na inis na umirap sa kaniya.
“Hoy, kinakausap ka ni sir,” siniko siya ni Faye kaya siya nabalik sa kaniyang diwa.
“Ahmmm, s-sorry po…” Napayuko siya sa pagkapahiya.
“Follow me,” utos ng lalaki sa kaniya bago sila talikuran at lumakad papasok ng office nito.
Naiwan naman siya roon na naguguluhan. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang bata na kaniyang tinuturuan lang noon ay ang bago nilang boss ngayon. Ano na ba ang nangyayari sa mundo? Paano niya haharapin ang lalaki gayong malaki ang kasalanang nagawa niya rito?
What should I do?