Chapter 2: “The Boy She Knew”

1374 Words
“EKSAHERADA ka talaga! Nagpatisod ka pa sa harapan ng boss natin,” ani Tere na nakataas ang kilay sa kaniya. “At may pagtawag pa siya ng Aki kanina na para bang na-meet na niya,” dagdag ni Faye. “Akala ko naman ay talagang kilala niya ang boss natin.” “Hindi naman niya iyon sinasadya, ano…” sagot ni Irene. Ito ang laging nagtatanggol sa kaniya sa tuwing hindi siya makapagsalita sa mga ganoong pagkakataon. Hindi naman kasi siya palasagot at hindi rin siya marunong makipagtalo. Ang hindi niya pa rin lubos maisip ay ang muli nilang pagkikita ni Aki. Hindi pa rin siya sigurado kung ito nga ba ang Aki na kilala niya o iba. Pero hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso sa sobrang gulat at kaba na nararamdaman ng mga sandaling iyon. Para bang nag-flashback muli sa kaniya ang una nilang pagkikita ng binata hanggang sa pag-alis niya sa buhay nito nang parang bula. Napabuntong-hininga si Michelle habang naglalakad pabalik sa kaniyang cubicle. Five years ago… Maagang bumangon si Michelle nang araw na iyon para sa kaniyang morning tutor class sa anak ng mga Fuentez. Si Aki. Isang binatang lalaki na saksakan ng guwapo at yaman pero saksakan din ng sama ng loob sa mga magulang nito. Tinatamad siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at kinusot-kusot pa niya ang kaniyang mga mata sabay baling sa orasan na nakasabit sa dingding ng kaniyang kuwarto. Alas-otso palang pala. Alas-diyes pa naman ang tutor class niya kaya may dalawang oras pa siya para mag-prepare at magbiyahe papunta sa bahay ng mga Fuentez. Medyo may kalayuan kasi iyon mula sa bahay nila. Agad siyang naglakad papunta sa cabinet para maggayak na ng kaniyang susuotin. Magsusuot na lang siya ng t-shirt at black jeans siya katulad nang lagi niyang get up pagnagpupunta roon. Agad siyang naghanap ng damit at nang makapili na ay saka naman siya bigla siyang napatigil sa ginagawa. May nakalimutan pala siya. Nakalimutan niya hindi na nga pala siya magtu-tutor kay Aki simula nang araw na iyon. Nag-resign na nga pala siya bilang tutor nito nang mag-confess sa kaniya ang binata na may gusto ito sa kaniya no’ng isang araw lang. Naalala pa nga niya ang mga salitang sinabi nito sa kaniya pati na rin ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Seryoso ang lalaki pero hindi niya pa rin ito mapaniwalaan. That moment was too good to be true that she didn’t know if it was right or wrong to believe his words. Malungkot siyang naglakad pabalik sa kaniyang kama at pabagsak na inihiga ang katawan sa kaniyang kama. Hindi niya akalaing darating ang panahon na iyon na malulungkot siya dahil hindi na niya makikita pa ang binatang lalaki. Parang may isang pangyayari sa buhay niya ang nawala. Samantalang no’ng una niya itong nakita ay spoiled brat lang ang tingin niya rito pero ngayon ay nagbago na iyon. Napalapit sa kaniyang puso kahit paano si Aki. Sa konting panahon na pinagsamahan nila ay masasabi niyang naging close siya rito. Napabuntong-hininga siya. “Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi lang trabaho ang nawala sa akin, parang nawalan din ako ng isang kaibigan…. ng isang taong nagpapalakas ng loob ko.” Formal na nga pala silang nagkausap ng ina ni Aki para sa pagre-resign niya bilang tutor ng binata at sa pagkuha niya ng last payment niya sa ina nitong mayaman. Maya-maya ay kinuha niya ang kaniyang cellphone at binuksan iyon. Nag-turn-off nga pala siya no’n kahapon nang mapagdesisyunan na niyang hindi na bumalik sa mga bahay ng Fuentez at mag-resign bilang tutor ni Aki. Kailangan pa niyang bumili ng bagong sim at i-inform isa-isa ang mga nasa contact niya na mag-iiba na siya ng number. Iyon kasi ang isa sa mga paraan para hindi na siya ma-contact pa ni Aki. Sunod-sunod na tunog ng notifications ang natanggap ni Michelle mula sa kaniyang cellphone. Parang alam na niyang kung kanino galing ang mga iyon kaya naman nagdadalawang-isip siyang buksan ang messages niya. 72 missed calls and 35 messages from Aki Aki: Michelle… Aki: Where are you? Aki: Why don’t we have a class today? Aki: Are you sick? Aki: Why didn’t you inform me about it? Aki: Are you okay? Aki: Please, talk to me and tell me that everything is okay with you. Aki: Reply once you read my messages. Aki: I’m worried. Really… Aki: My mom told me that you’ve resigned as my tutor. Can you please tell me the reason why? I don’t believe anything that she’d said to me. I will listen to you. Aki: Call me back, please. Aki: If this is about my confession, then, please, forget about it. You won’t hear that again from me. Just come back… please. Will you? Aki: Can we meet? For a while? Aki: Can you tell me your address? I’ll go to you. Aki: Please… don’t leave me… Hindi mapigilan ni Michelle ang mapaluha sa kaniyang mga nabasa mula sa lalaki. Wala na siyang magagawa. Tapos na ang pagiging tutor niya rito at hindi na rin nila kailangang magkita pa. That chapter of her life with him had ended. Naramdaman na lang ni Michelle ang mainit na palad na tumapik sa balikat niya. “Okay ka lang ba?” tanong ni Irene sa kaniya. Bakas ang pag-aalala nito sa kaniya. Saglit kasi siyang napabalik-tanaw sa nakaraan. “I-I’m okay…” sagot niya. “Kung ganoon ay pumasok ka na roon sa loob, baka mapagalitan ka pa ng bago nating boss kapag hindi ka kaagad nagpunta sa kaniya.” Tumango siya sa babae at saka tumayo mula sa kaniyang upuan. “Thank you, Irene…” sagot niya. Muntik na niyang makalimutan na pinapapunta nga pala siya ng boss nila sa office nito. Habang naglalakad si Michelle palapit sa office ng boss nila ay nananalangin siya na nagkamali lang siya nang pagkakilala rito kanina… na sana ay hindi nga ito ang Aki na kilala niya noon. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Hindi niya alam kung papaano niya ito haharapin. At iyon ang dahilan kung bakit abot-abot ang kabang nararamdaman niya. Huminga muna siya nang malalim bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto at saka pumasok sa loob ng office nito. Nakaupo ito sa swivel chair habang nakatingin sa labas ng glass window. Makikita mula roon ang mga nagtataasang building sa paligid nila. “P-Pinatawag mo po ako…s-sir,” bungad ni Michelle sa lalaki. Naramdaman niya ang kaba sa kaniyang dibdib nang dahan-dahan nitong inikot ang upuan nito at humarap sa kaniya. “I-I’ll go now, sir.” “Wait,” pigil nito sa kaniya. “I hope you wouldn’t leave me again, Miss Michelle, just like what you did to me five years ago…That… that was really painful. I hope we could get along.” Hindi na siya sumagot dito. Nagmadali siyang lumakad palabas ng office nito pagkarinig no’n sa lalaki. Nasaktan din naman siya sa kaniyang ginawa noon dito pero alam niyang mas nasaktan ang lalaki. Naging dependent at comfortable ito sa kaniya. She couldn’t stop herself from feeling guilty. Ine-expect na niya na magagalit ito o may tanim itong sama ng loob sa kaniya kung sakali mang magtapo muli ang kanilang mga landas dahil sa ginawa niya ritong pang-iiwan pero mas hindi niya ine-expect ang pagpapakita muli nito ng interest sa kaniya. She couldn’t believe that he still had feelings for her despite what she did. Ang akala niya ay nadala lang ito noon ng pagiging bata at pagiging attach nito sa kaniya kaya sinabi nito na mahal siya ng lalaki pero mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tapos magbiro sa kaniya. Nanatili ang imahe ng binatang lalaki sa kaniyang isip hanggang sa makabalik siya sa kaniyang table. Hindi na nga niya napansin ang ilang beses na pagtawag sa kaniya ni Irene sa katabing cubicle dahil okyupado ng boss nila ang kaniyang isip ng mga sandaling iyon. Malaki na ang ipinagbago ni Aki pero siya ay nananatiling ganoon pa rin. A simple girl with a simple life. Plain. Bland. Colorless. Ordinary. Lalo lamang lumaki ang pagitan sa kanilang dalawa ng binatnag lalaki. The gap in between them that she couldn’t cross since then until now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD