HINDI pa rin mawala sa isipan ni Michelle ang naging usapan nila ng kaniyang bagong boss na si Aki. Hanggang sa makabalik na siya sa kaniyang upuan at mag-umpisa nang humarap sa kaniyang computer ay kusa namang nagpe-play sa kaniyang utak ang eksena nilang dalawa sa office nito.
Wala sa hinagap niya na magkikita pa sila at lalong wala sa isipan niya na maririnig pa niyang muli sa lalaki ang mga nararamdaman nito para sa kaniya. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ito kahit pa nga sinabi nitong seryoso ang lalaki sa kaniya.
Paano ba naman kasi siyang maniniwala sa binatang lalaki? Sa estado palang ng kanilang kinalalagyang dalawa ay nasa laylayan lang siya ng mga paa nito noon pa man. Hindi siya ang babaeng babagay para sa binata.
Isa ang pamilya ng Fuentez na maituturing na mga mayayaman sa buong Pilipinas. Sila ang may-ari ng kilalang mall at convenience store sa iba’t-ibang dako ng Pilipinas. At hindi lang iyon, pati ang housing development ay pinasok na rin ng mga Fuentez pero kahit ganoon ay nananatiling private ang buhay nila sa madla.
Iyon nga lang dahil sa ka-busy-han ng mga magulang at mga kamag-anak ni Aki sa kanilang business ay ayaw nitong gumaya sa kanila. Naalala pa niya ang mga sinabi nito sa kaniya noon na hindi ito tutulad sa kaniyang mga magulang na walang inatupag kundi ang magpayaman.
Hindi interasado ang binatang lalaki sa business nila no’ng bata pa ito. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nandito ngayon si Aki bilang director nila at wala sa company ng pamilya nito. Sa pagkakaalam niya ay hindi naman pag-aari ng mga Fuentez ang company nila kaya nagtataka siya kung bakit nandoon ito.
Bakit ko ba iniisip ang batang iyon? Nandito ako para magtrabaho at tuparin ang mga pangarap ko. Wala akong time para makipaglaro sa kaniya.
She composed herself and immediately focused back her attention to the computer in front of her. Hindi niya maiwasan ang malungkot dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nararating sa kaniyang career. She’s still the same Michelle he knew before. Ang kaibahan nga lang ay may regular job na siya ngayon pero hindi pa rin no’n maikakaila na hindi pa rin niya ito maabot. Malayong-malayo pa rin ang estado ng buhay niya sa lalaki.
Napabuntong-hininga siya.
Mas lalo mang lumaki ang gap sa pagitan nilang dalawa ni Aki. She atleast needed to do her best with her work to achieve her goals. Hindi siya dapat panghinaan ng loob o maawa sa kalagayan niya ngayon. Ang kailangan lang niya ay magsipag at pagbutihan pa ang kaniyang pagtatrabaho hanggang sa maabot niya ang kaniyang mga pangarap.
Muntik na siyang mapalundag sa kaniyang kinauupuan nang maramdaman ang dalawang kamay sa kaniyang mga balikat sa gulat.
“Oh!”
“Ako lang ito, Michelle,” ani Irene na natatawang tumingin sa kaniya dahil sa gulat na gulat na reaksiyon sa kaniyang mukha. “Parang malalim ata ang iniisip mo at gulat na gulat ka sa akin. Ano ba ang balita sa boss natin? Mukhang mabait naman siya, ano?” usisa nito sa kaniya.
Pinilit niyang ngumiti sa babae na nasa gilid niya. Sumandal ito sa kaniyang table at saka humarap sa kaniya para magkakitaan silang dalawa.
“Well… mabait naman siya. M-Mukhang mabait,” sagot niya.
Mabait naman talaga si Aki, hindi kagaya nang ibang mga anak mayaman. Kahit na mukha itong mapagbiro at parang walang pakialam sa paligid nito ay kabaligtaran no’n ang binata no’ng nakilala niya ito. Aki is a sweet and caring boy.
“At guwapo! Iyon kaya ang bulungan ng mga kasamahan natin dito. Mabuti na lang daw at guwapo ang bago nating director dahil mas mai-inspire daw silang magtrabaho. Lahat ay excited na makatrabaho ang boss natin.”
Napatango na lamang siya rito. Hindi naman niya masisi ang mga kasamahan niya dahil guwapo naman talaga ang binatang lalaki. He looked so handsome and manly now than before. At iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya magawang maniwala sa mga sinasabi nito sa kaniya.
How could a handsome, rich, successful, and young man like him fall in love with her? She’s just a nobody since then until now.
Kung siya ang tatanungin ay hindi naman siya pangit pero hindi rin siya maganda kagaya ng iba. Michelle has a small face with thick eyebrows, brown eyes, and thin eyelashes. She has an average height and petite figure. She also has long curly hair. In short, she’s just an average woman that no one would take any interest in unless they needed her help.
“Teka… ano nga pala ang sinabi ng bagong boss natin sa iyo kanina sa loob? Nagalit ba siya or what?” curious na tanong ni Irene sa kaniya.
Umiling si Michelle. “H-Hindi naman. Ahm… tinanong lang niya kung ako ba ang gumawa ng mga document na ibinigay natin sa kaniya. Ganoon lang.”
Napayuko siya dahil hindi siya sanay magsinungaling. Hindi naman kasi niya puwedeng sabihin dito ang mga pinag-usapan nilang dalawa ni Aki. Lalo na ang mga sinabi nito sa kaniya tungkol sa nararamdaman nito.
“Ang akala ko nga ay papagalitan ka niya nang ipagtawag ka sa loob. Mukhang tulirong-tuliro ka pa naman kanina no’ng ipinakilala siya sa atin. Tapos tinawag mo pa siya sa pangalan niya. Nagulat tuloy ang lahat. Ang akala namin ay magkakilala kayong dalawa,” kumento pa nito.
Napangiwi naman siya nang maalala ang mala-K-drama na eksenang ginawa niya kanina. Hindi rin niya talaga alam kung bakit ba sa dinami-raming pagkakataon ay sa muli pa nilang pagkikitang dalawa siya naging lampa. Natisod siya sa harapan nito.
“Uhm… A-Ang totoo kasi niyan…” sagot niya, “ang akala ko ay siya iyong kakilala ko noon. Napagkamalan ko lang siya. Ayon. Sa gulat ko ay nakalimutan kong siya pala ang bago nating boss.”
Ayaw ni Michelle na malaman nang mga kasamahan niya na ang bagong boss nila ngayon ay ang batang tinuturuan niya noon. Hindi rin niya kayang malaman ng mga ito na may “gusto” sa kaniya si Aki kahit pa hindi niya talaga sigurado kung totoo iyon.
Umayos na nang tayo si Irene. “Sa susunod ay mag-iingat ka na lang para hindi na iyon maulit. Alam mo naman ang mga kasamahan natin dito, mga may attitude,” bulong nito sa kaniya sabay ngiti. “Balik na ako sa table ko, ah. Mamaya na lang ulit.”
Tumango naman siya. Humarap na siyang muli sa kaniyang computer at bumalik na sa kaniyang ginagawa. Kailangan niyang mag-focus sa kaniyang trabaho at kalimutan na si Aki. Wala na rin naman siyang magagawa dahil nandoon na ito sa company nila.
She just needed to avoid him at all costs to bring back her peace of mind, but the main problem was… how could she do that when he was their boss?
“MICHELLE!” pagtawag sa kaniya ni Irene. Nakasilip ito sa kinaroroonan niya mula sa table nito na malapit sa kaniya. “Hindi ka pa ba tapos? Tara na. Lunch time na.”
Napatingin tuloy siya sa wall clock na nasa harapan nila para kumpirmahin ang sinabi nito. Hindi niya kasi napansin na lumipas na pala ang ilang oras habang nakikipag-away siya sa kaniyang sarili na huwag nang isipin pa ang boss nila pero hindi siya nagwagi.
Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang nagawa sa dapat niyang trabahuhin ngayong araw dahil hindi siya makapag-focus nang maigi. Nangigigil siyang napailing sa sobrang inis.
“Uy, ano ba ang nangyayari sa iyo?” tanong muli ni Irene sa kaniya. “Hindi ka pa ba magla-lunch?”
“Tara na, Irene, baka maubusan na tayo ng upuan sa cafeteria,” aya naman ni Tere dito.
“Mauna na kayo, Irene, susunod na lang ako,” sagot niya. “Tatapusin ko lang itong mga ginagawa ko tapos baba na rin ako roon.”
“Okay. Basta sumunod ka na lang doon sa amin kapag natapos mo na iyan, ah? Huwag ka magpagutom.”
Ngumiti siya at saka tumango rito. “Uhm… susunod ako.”
Nang umalis na ang mga kasamahan at siya na lang ang naiwan doon ay saka siya nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. She needed to encode those documents as much as possible para makauwi siya nang maaga mamaya at makatakas sa presensiya ng kanilang boss.
Napabuntong-hininga siya nang ma-realize na hindi pa niya nakikitang lumabas ng office ang kanilang boss. Nandito pa kaya siya o baka hindi ko lang napansin na lumabas na siya kanina? tanong niya sa kaniyang isipan.
Ah, Michelle! Bakit ba inaalala mo na naman ang batang iyon? You should focused on your work than him. Kung hindi ay hindi ka matatapos at mag-o-overtime ka na naman!
Umiling-iling siya at nagsimula na ulit magtipa sa kaniyang keyboard upang matapos na niya ang kaniyang ginagawa.
Napaangat ang kaniyang tingin nang biglang magbukas ang pinto ng office na nasa harapan niya. Ang office ng kanilang boss na dapat niyang iwasan.
“Oh. You’re still here?” bungad na tanong nito na lumapit sa kaniyang kinaroroonan. “Are you waiting for me?” He smiled at her playfully. He’s teasing her.
Napatayo naman siya sa kaniyang kinauupuan. “Hindi, ah!” mariin niyang tanggi.
Naalala niyang boss nga pala niya ito pero muntik na niyang masigawan ito. Hindi naman kasi niya ito hinihintay hindi gaya nang nasa isip nito. Ang gusto nga niya ay iwasan ang binatang lalaki hangga’t maari.
“Then… why are you still here? Lunch time na,” ani nito.
“M-May tinatapos lang po ako, sir,” sagot niya nang mahinahon at muling umupo sa swivel chair niya.
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na Aki na lang ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa na lang, Michelle?”
“P-Pero… nandito pa rin po tayo sa office natin kaya… kaya hindi ko po iyon puwedeng gawin, sir.”
Napabuntong-hininga ito na para bang wala na itong maisasagot pa sa dahilan niya.
“Then, let’s go.” Bumaling ito sa kanilang kaliwa at nagsimula nang maglakad.
“Huh?” gulat niyang tanong. “S-Saan po tayo pupunta?” Napatayo siyang muli.
“Well, lunchtime na.” Tumingin ito sa kaniyang suot na relo at itinuro iyon. “It’s twelve-thirty already, so I think we need to eat now. I know a very famous restaurant near here. We can try the food there. Eat with me, Michelle.”
Umiling-iling siya agad. “H-Hindi po. May kailangan pa po akong tapusin na documents.” Iniiwasan nga niya ang lalaki tapos biglang aayain siya nitong kumain kasama ito. Hindi niya kaya iyon!
“Whatever you’re doing right now, you can finish that later,” sagot nito.
“Pero hindi pa po ako ta—”
Naputol ang sasabihin niya nang muli itong magsalita. “It’s an order. Remember, I’m your boss.” Tumingin itong muli sa kaniya and this time, he has a serious look on his face.
Napakagat si Michelle sa kaniyang ibabang labi. Hindi niya malaman kung paano niyang tatakasan ang binatang lalaki ng mga sandaling iyon. Mabuti na lang at napatingin siya sa table ng kaniyang kaibigan. Naalala niya si Irene.
“Ahm… s-sir, naalala ko po. Naghihintay po pala sa akin sina Irene sa ibaba kaya mauna na po ako sa inyo.”
Agad niyang kinuha ang kaniyang bag at nagmamadaling naglakad palayo roon pero naramdaman niya ang kamay nito sa kanan niyang braso na pumigil sa kaniya. Napapikit siya nang mariin dahil palpak ang plano niyang tumakas sa presensiya nito.
Ayaw man niya ay napilitan siyang bumaling sa lalaki at nagtama ang kanilang mga mata. Wala pang isang metro ang pagitan sa kanilang dalawa kaya naman kitang-kita niya ang kaguwapuhan nito. Naamoy niya rin ang pabango nitong nakadagdag ng dating sa lalaki.
“Then… take me with you. I’ll join you,” he said while still holding her arm and staring at her eyes.
For the second time around, he was captured by this good-looking man in front of her. Saglit siyang tumahimik. His gaze was slowly hypnotizing her to say yes. As if there’s no other way to escape his enticing charm.