WALA nang nagawa si Michelle kundi ang isama ang binatang lalaki sa cafeteria kung nasaan naroroon sina Irene para kumain. Labag man sa kaniyang kalooban ay tapos na ang pakikibaka niya sa pag-iwas dito sa araw na iyon. Nanalo na ito sa sandaling ayain siya nito.
Bakit ba kasi naging boss ko pa siya? Bakit ko pa naging boss ang bata na ito? reklamo niya sa kaniyang isipan. Hindi niya alam kung pinagti-trip-an lang siya ni Aki o kung seryoso ba ito talaga sa kaniya kaya ginugulo nito ang dapat ay tahimik na buhay niya.
Hindi niya gustong pagtampulan ng atensiyon ng mga kasamahan niya dahil kilala niya si Aki kaya naman hindi niya inamin kay Irene na magkakilala nga silang dalawa kanina. At kung mangyari man na malaman nila ang tungkol doon ay sigurado siyang hindi siya titigilan ng mga kasamahan niya hanggang hindi nalalaman ng mga ito kung bakit sila nagkakilala ng boss nila. Uusisain siya ng mga ito lalo na nina Tere at Faye tungkol sa binata.
Napabuntong-hininga siya habang naglalakad. Nasa likuran niya si Aki kaya hindi nito nakikita ang itsura niya na alalang-alala na may makapansin sa kanilang dalawa na magkasama. Walang umiimik sa kanila habang palakad sila sa may elevator pababa ng third floor kung nasaan ang cafeteria.
Laking pasasalamat naman ni Michelle na hanggang sa makapasok sila sa loob ng elevator ay wala silang nakasabay na ibang employee. At least, hanggang doon man lang ay makakahinga pa siya nang maluwag. Kinakabahan na kasi siya sa mga matang pupukol sa kaniya mamaya kapag nasa cafeteria na silang dalawa ng binata.
Pinindot na niya ang button sa third floor at saka lumagay sa gilid. Hindi siya sigurado kung kilala na si Aki bilang director nila sa ibang departments pero isa lang ang sigurado niya… sigurado siyang maraming tataas ang kilay dahil kasama niya ito sa pagpunta roon at iyon ang pinoproblema niya kanina pa.
“It’s my first time to go to the cafeteria here, and I don’t usually eat inside the company but… I’m happy that I can be with you like this,” ani nito sa kaniyang likuran.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapatingin sa binata. Hindi niya alam kung dahil ba sa gulat niya sa kaniyang narinig mula rito o gusto niya lang makita kung seryoso nga ba ito sa mga sinabi nito sa kaniya.
Bumaling naman sa kaniya ang lalaki na sinalubong ang kaniyang mga tingin. Walang bakas ng panloloko o pang-aasar ang nakita niya sa mukha nito pero hindi pa rin siya makapaniwala.
Agad siyang nag-iwas ng kaniyang mga tingin sa hiya. Maya-maya ay nagbukas na ang elevator kaya naman nagmamadali siyang lumabas mula roon at naglakad sa kaliwa papunta sa cafeteria para iwasan ito. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang mga pisngi.
That kid! How can he say those words with a straight face?
Hindi na niya inalam kung kasunod pa ba niya si Aki roon basta’t nagdire-diretso na siya papasok ng cafeteria. Agad na hinanap ng kaniyang mga mata kung saan nakaupo sina Irene para mapuntahan niya agad ang mga ito. Nang matagpuan na niya ang kaibigan at ang mga kasamahan nila ay saka lamang siya muling bumaling sa kaniyang likuran para kumpirmahin kung kasunod ba niya ang lalaki.
There he saw a grown-up man curiously looking around at his surroundings. Gaya nga nang sinabi nito kanina, first time lang nitong makarating doon sa cafeteria ng company nila kaya siguro manghang-mangha ito sa dami ng mga empleyadong naroon para kumain ng mga oras na iyon.
She thought that he had changed so much over those five years, but she could still see that soft and sweet kid in him. I guessed he’s still the same Aki I knew…
Hindi niya namalayan na napangiti na siya habang pinagmamasdan ang lalaki hanggang sa mapansin niya ang mga babaeng empleyado na nakatingin din sa binata ng mga sandaling iyon. Well, kapansin-pansin naman talaga si Aki dahil sa angkin nitong katangkaran. Idagdag pa ang guwapo nitong mukha at matipunong katawan. Talagang tatapunan ito ng mga tingin nang marami.
She reminded of how different they were to each other. Para silang langit at lupa. Ganoon kalayo ang agwat nilang dalawa.
“Michelle!” pagtawag ni Irene sa kaniya mula sa puwesto nito dahilan para mabalik siya sa kaniyang diwa. Lumingon naman siya sa babae na nakataas ang kanang kamay para makita niya ito at saka ngumiti.
Lumakad siya papunta sa table kung nasaan nakaupo ang mga kasamahan niya. Agad namang tinanggal ni Irene ang bag niya sa upuang nasa tabi ng babae para doon siya paupuin. Nireserba siguro nito iyon para sa kaniya.
“Kanina ka pa namin hinihintay rito. Patapos na kami kumain at magkukuwentuhan na lang,” saad nito.
“Uhm… sorry. May ginawa pa kasi ako kaya medyo… natagalan ako,” sagot niya.
“Nasaan na ang pagkain mo?” muling tanong ni Irene sa kaniya. “Kumuha ka na roon para mahintay ka na namin.”
Tumango siya sa babae at akmang tatayo na nang maalala niyang may kasama nga pala siya na nagpunta roon—si Aki. Agad siyang napatingin sa pinanggalingan niya para hanapin ang lalaki.
“Oh. Mr. Fuentez! It’s nice to meet you again. How are you doing, sir?” rinig niyang tanong ng isang empleyado sa kabilang table malapit sa kanila sa binatang lalaki.
Nakita niya ang pagpukol ng mga taong naroon sa kanilang boss at sa lalaking kumausap rito. Nagtataka siguro ang ilan kung sino ang guwapong binato na ito.
“Nandito pala ang boss natin?” gulat na tanong ni Faye.
“Oo nga. Dito kaya siya kakain?” si Tere iyon. “Sasamahan niya ba tayo?”
Bakas sa dalawa ang pagkabigla maging sa katabi niyang si Irene.
“I’m doing fine. Hmm… who are you again?” sagot ni Aki sa kaharap.
“I’m Jerome Lapid from Architectural Department, sir. I’ve heard a lot about you from our head. You’re the youngest one to become a director in our company kaya po isa po kayo sa tinitingala ko,” tugon nito.
Napuno nang bulungan ang buong cafeteria dahil sa mga sinabi ng lalaking iyon. Hindi siguro nila inaasahan na ganoon kabata at kaguwapo ang bago nilang director. May edad na kasi ang pinalitan ng binata. Since nasa office department sa six floor ang office ng kanilang director ay sila ang unang nakakilala rito. Sa next meeting pa ng mga head ipapakilala si Aki sa lahat.
“I see. Then, let’s work hard together, Mr. Lapid,” sagot nito na inilahad ang kamay sa kaharap.
Nahihiya namang tinanggap iyon ng kausap nito habang nakayuko sa binata.
“Thank you, sir.” Nang matapos ang kamayan ng dalawa ay muling nagsalita ang lalaki. “Ano po pala ang ginagawa ninyo rito, sir?” curious na tanong nito. Tila ba hindi mapaniwalaang nandoon ang kanilang boss.
“Oh… I’m planning to have lunch here. Since this is my first day in this company, naisipan kong lumibot para maging familiar na ako rito.”
“Ganoon po ba?” Napangiti ito. “Puwede po kayong dito sa may table namin kung gusto ninyo po na samahan kami,” alok nito pero umiling ang lalaki at saka bumaling sa direksyon nila.
Agad tuloy niyang iniwas ang kaniyang mga tingin mula sa binata. Ibubuking ba niya magkasama kaming dalawa na nagpunta rito?
“Nope. I went here with the office department so I’ll be joining their table.” Nakahinga nang maluwag si Michelle nang marinig iyon. Mabuti na lang at hindi nito sinabi na siya ang kasama nitong pumunta roon kundi ay pagtatampulan din siya ng mga tingin sa paligid.
“Oh my gosh! Dito raw uupo sa tabi natin si sir! Kinabahan naman akong bigla!” bulalas ni Tere.
“Kinikilig ako. Pinuntahan niya tayo rito,” sabat naman ni Faye.
“Ang bait nga talaga ng boss natin,” ani Irene.
“I guessed we can have a company dinner outside next time.”
“Okay, sir. Enjoy your lunch po.”
Ngumiti lang si Aki bago ito naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Hindi naman mapakali ang mga kasamahan niya dahil sa parating na lalaki. Maging siya ay kinakabahan.
“Can I join you here?” tanong nito nang nakangiti sa kanila, particularly to her.
“Sure po!” sagot naman agad ni Tere na tumayo pa sa kaniyang kinauupuan para ialok ang upuan nito sa tabi ng babae.
Agad naman itong umikot at umupo roon. Mabuti na lang at doon nga nito napiling pumuwesto at hindi sa tabi niya dahil baka hindi niya kayanin ang sobrang hiya kung magkakatabi silang dalawa ng lalaki.
“Mabuti naman po, sir, at nagpunta po kayo rito. Madalang lang po kasi ang mga boss na nagpupunta po rito sa cafeteria for employees,” saad ni Faye.
“I actually came to experience having lunch here, and this is fine with me.”
“Uhm… excuse lang po. K-Kukuha lang muna ako ng pagkain ko,” ani niya pero bago pa man siya makaalis ay nagsalita rin si Aki.
“Let’s go together.”
Napatingin tuloy siya sa tatlong babae dahil naramdaman niya ang mga matang bumaling sa kaniya at saka bumalik ang tingin niya sa lalaki na tumayo naman na sa kinauupuan nito.
“S-Sige po, sir,” sagot na lang niya.
Nakayuko siyang naglakad papunta sa may food stall ng cafeteria. Ramdam niya sa kaniyang likuran ang presensiya ng lalaki kaya hindi na siya naglakas ng loob na bumaling pa rito. Pakiramdam niya ay nakatingin din sa kaniya ang mga empleyado roon dahil nasa likuran niya ito.
Agad siyang kumuha ng isang tray habang si Aki ay kasunod niya. Ginagaya nito ang ginagawa niya hanggang sa pagpili ng mga kakainin niyang pagkain. Lihim tuloy siyang natatawa sa lalaki dahil halatang-halata rito na hindi ito sanay sa ganoon.
Rich kid kasi, bulong niya sa sarili.
Nang matapos na sa pagkuha ng kaniyang pagkain ay nagpunta naman siya sa may counter at nagbayad roon. Kinuha niya ang kaniyang wallet sa bulsa at saka naglabas ng cash.
“For two po.” Itinuro niya ang tray na hawak-hawak ng kanilang boss.
“Did you pay for my food?” tanong nito.
Tumango siya. “Alam ko po na wala kayong dalang cash kaya ako na lang po muna ang magbabayad.”
“But… I went here to treat you and not the other way around,” saad ni Aki. Bakas sa mukha nito ang hiya sa kaniya.
“Pero hindi po sila tumatanggap ng card,” sagot niya. Sigurado siyang hindi rin uso ang cash sa binata dahil karamihan sa mga mayayaman ay puro card na ang gamit sa pagbabayad. “Tara na po sa table roon. Malapit na pong matapos ang lunch time, sir.”
Nagpatiuna na siyang naglakad rito pabalik sa kanilang puwesto. Wala nang nagawa ang lalaki kaya sumunod na lang ito sa kaniya roon.
Nang makaupo na roon sa kanilang table ay nagsimula na silang kumain. Tahimik naman ang tatlong kasamahan niya habang nandoon si Aki sa kanilang tabi. Hindi niya maiwasang tingnan ito habang kumakain.
No’ng una ay parang alangan pa itong kumain doon pero hindi nagtagal ay naging comfortable na rin ang binata. Dahan-dahan naman siyang kumain dahil halos magkatapat silang dalawa at minsan ay nagkakatama pa ang kanilang mga tingin.
Nang makatapos silang dalawa ay saka ito muling nagsalita na naging dahilan para mawala ang katahimikan sa pagitan nilang lima.
“I did not expect that the food is great here. Thank you for letting me join you,” ani nito. “I’m sure na hindi kayo masyadong comfortable na kasama ako since I’m your boss.”
“Nako! hindi naman po, sir. N-Nahihiya lang po kami sa inyo,” mariin namang tanggi ni Tere.
“Hmm… That being said. Naisip ko na magkaroon tayo ng company dinner mamaya after work. I planned to treat you all since this is my first day here. Para naman magkaroon tayo ng bonding outside work at maging mas comfortable kayo sa akin. I want to build a great atmosphere between us so we can enjoy and work hard together.”
“I’m in po,” mabilis na sagot ni Faye.
“Ako rin po, sir,” si Tere naman iyon.
Nagtaas naman ng kamay si Irene na pumapayag din sa sinabi ng binata.
Napadako naman ang mga tingin ng apat sa kaniya na naghihintay ng sagot niya.
“A-Ahm… pasensiya na po pero… hindi po ako makakasama mamaya sa inyo,” sagot niya.
“Bakit naman, Michelle?” tanong ng katabi niyang si Irene. “May gagawin ka pa ba?”
“W-Wala naman na pero kasi… walang kasama ang mga nakababata kong kapatid sa bahay namin kaya hindi ako maaring umuwi ng gabi,” dahilan niya. Totoo naman ang mga sinabi niyang iyon. Idagdag pa na ayaw na niyang humaba ang oras ng pagsasama nila ni Aki.
“Then… let’s just move it some other day,” tugon naman ni Aki. “We can also adjust the time so you can join us.”
“H-Hindi po. Okay lang naman po kahit na hindi ako makas—”
Naputol iyon nang magsalita itong muli. “As much as possible ay gusto ko na most of my team are there so we can get to know each other more since matagal-tagal tayong magkakasama rito sa company.”
Napangiwi siya dahil mukhang wala na naman siyang ligtas sa lalaki. Ayaw niyang maging feelingera pero pakiramdam niya ay gusto talaga nitong makasama siya sa company dinner nila.
“What do you think, guys?” tanong nito sa tatlong babae.
“Magandang idea po iyon, sir,” tugon ni Tere.
“Then, it’s settled. I really hope that you all could make time for it,” seryosong sabi nito at saka ngumiti sa kanila.
And for the third time around, she couldn’t resist this man in front of her. She could not avoid him at all. Gusto na lang niyang kainin ng lupa at magbalat ng patatas doon.