“ATE!” bungad ni Mikee nang makauwi na si Michelle sa kanilang bahay. Masayang niyakap siya ng nakababatang kapatid bago pa man siya tuluyang makapasok sa may sala nila. Ito kasi ang bunso kaya naman sa kanilang tatlo ay ito ang pinaka-sweet.
“Nasaan ang ate Miya mo? Sabay ba kayo umuwi from your school?” tanong niya sa batang kapatid. Tumango naman ito bilang sagot at saka kumalas sa kaniya.
“Yes, ate. Sinundo po ako ni Ate Miya sa room namin.” Agad nitong kinuha sa kamay niya ang dala-dalang niyang bag. Binitbit nito iyon papunta sa sofa nila at doon ipinatong sa ibabaw. Napangiti naman siya dahil napakabait talaga ng kapatid niya. “Nagluluto po si Ate Miya nang fishball at kikiam na miryenda namin kasi kanina gusto ko po bumili roon sa school pero sabi niya ipagluluto na lang daw niya ako rito sa bahay.”
“Ahm… puwede mo bang sabihin kay Ate Miya mo na idamay na rin ako sa miryenda ninyo?”
Tumango ito nang sunod-sunod habang nakangiti sa akin at nagmamadaling tumakbo papunta sa may kusina namin. Napangiti na lang din si Michelle sa kapatid. This is where she finds her comfort and rest. Whenever she’s home and with her family.
Maya-maya ay bumungad sa kaniya si Miya galing sa kusina nila na may hawak na mangkok. Kasunod nito si Mikee na may dala-dalang dalawang plato ng mga iniluto ni Miya.
“Bakit pala ang aga mo na umuwi ngayon, ate? Himala at hindi ka na nag-overtime?” takang tanong sa kaniya ni Miya. Ipinatong nito sa table ang mangkok na hawak at ganoon din ang ginawa ni Mikee sa dalawang plato na dala-dala nito.
Napangiwi naman siya dahil bumalik na naman sa ala-alala niya kung paano siyang tumakas kanina sa boss niya para makauwi agad.
“Michelle, what time ka uuwi?” tanong sa kaniya ni Irene. Napatingin siya sa orasan sa may itaas ng wall nila. Mag-aalas singko na pala. “Mag-o-overtime ka ba?”
Tumango naman siya sa kaibigan. Iyon ang plano niya talaga dahil marami pa siyang kailangang gawin.
“Mukhang mag-o-overtime nga ako ngayon dahil kailangan kong tapusin itong pag-e-encode ng mga document na ito,” sagot niya sabay turo sa mga hawak na papel.
Marami pa siyang tatapusin dahil hindi siya nakapag-focus kanina. Kaunti na lang naman at matatapos na ang kaniyang ginagawa. Kailangan niyang bawiin ang pagtulala niya at mag-overtime ng isang oras.
“Kung ganoon ay mag-overtime rin ako. Hindi pa rin ako tapos sa ginagawa ko, eh.
“Sabay na lang tayong umuwi mamaya.”
“Ahm, sige. Hindi naman tuloy ang pa-dinner ng boss natin ngayon, eh, kaya puwede tayong mag-overtime ng isang oras.”
“Oo nga…” tugon niya.
Napaisip tuloy siya kung paano niyang iiwasan ang sumama sa company dinner nila outside. Doon kasi nag-uusap ng mga tungkol sa buhay ng isa’t-isa ang bawat empleyado at natatakot siyang maungkat ang nakaraan nilang dalawa ni Aki.
“Kailan kaya tayo ilalabas ni boss? Excited na ako!”
Sasagot na sana siya sa kaibigan pero biglang nagbukas ang pinto sa kaniyang harapan at iniluwa no’n ang binatang lalaki na laman ng kanilang usapan.
Narinig ba niya kami at saktong-sakto ang paglabas niya?
Nakita niya ang pag-ayos ng upo ni Irene sa kinaroonan nito na itinuon na ang atensiyon sa kaharap na computer. Iyon naman din ang ginawa niya at inalis ang kaniyang tingin sa lalaki. She just needed to ignore his presence as much as she could and viola! She could do her work without thinking too much because of him.
“Can you go to my office now?”
Hindi sigurado si Michelle kung siya ba ang kinakausap nito o ang kaibigan dahil nasa gitna ito ng kanilang mga table pero nang umangat ang tingin niya at natagpuang sa kaniya nakatingin ang mga mata ng lalaki ay nakumpirma niyang siya ang tinatanong nito.
Why does it have to be in a time like this?
“Y-Yes, sir?”
“I said, can you go inside my office now. I have something to talk about with you regarding the documents you’ve given to me in the morning.”
“Oh… o-okay po.” Nagtataka siya dahil personal pa siya nitong tinawag doon sa kaniyang table when he just needed to call her at their company’s phone on his desk.
Hindi kaya iyon napansin ng lalaki para puntahan pa siya roon sa table niya? tanong niya sa kaniyang isipan.
Lumakad na itong muli pabalik sa office nito. Habang siya naman ay agad na tumayo sa kaniyang upuan at naglakad papunta roon para sundan ang lalaki. Tumingin siya kay Irene at bago niya tuluyang binuksan ang pinto ng office ng kanilang boss ay nag-‘aja’ pa ito sa kaniya. Napansin siguro ng babae ang kaba niya.
“What time do you usually get off from work?” Aki asked right after she went to his executive table and met his gaze.
“P-Po?”
Hindi niya alam kung malayo lang ba ang distansiya nilang dalawa o bingi lang talaga siya dahil hindi ma-process ng utak niya ang tanong nito.
Nakasandal ang bewang nito sa table habang ang isang kamay ay nasa kaniyang bulsa at ang isa ay nakatungkod naman sa ibabaw ng table. Mukha itong isang model ng isang sikat na furniture at kahit sino atang makakita sa binatang lalaki ng mga sandaling iyon ay mapapahanga dahil sa itsura at dating nito.
“I asked what time you will get off from work today…”
“B-Bakit po?”
Ang akala kasi niya ay ipinatawag siya nito dahil may mali itong nakita o may itatanong ito tungkol sa mga document na ibinigay niya sa lalaki kanina pero hindi niya inaasahang tatanungin lang siya nito kung anong oras siya uuwi.
“Don’t you think you need to answer first before you ask me a question?” balik na tanong nito na umayos na ng tayo mito at saka lumakad papalapit sa kaniya nang dahan-dahan.
“Uhmm… mag-o-overtime po ako ngayon,” sagot naman niya na kinakabahan. Hindi niya alam kung bakit nito tinatanong kung anong oras siya uuwi. Sasamahan ba siya nito roon?
“I think I already told you that you can finish what you’re doing later.”
“Pero… k-kailangan ko rin pong umuwi agad dahil n-naghihintay po ang mga kapatid ko sa akin,” tugon niya.
“Is that so?”
Huminto ito sa may harapan niya. Nag-iwan naman ito ng isang metrong distansiya sa pagitan nilang dalawa kaya naman nakakahinga pa siya nang maayos. His strong presence could make her feel so nervous.
“I thought I could ask you on a dinner date tonight, just like what I wanted, but it seemed like my plan failed again.” Narinig niya ang panghihinayang sa boses ng lalaki. Napayuko tuloy siya dahil hindi niya kayang tagalan ang mga titig nito sa kaniya. He’s definitely teasing her because of their close distance. “So… how about tomorrow night?”
Umangat ang tingin niya rito at nagkatama ang kanilang mga mata.
“A-Are you serious?” tanong niya.
“You already asked me that question this morning. And I thought you already heard my answer, Michelle. Are you still not believing my feelings for you?” ito naman ang nagtanong sa kaniya.
“Ahm… A-Aki, please… K-Kung dahil ito sa pang-iiwan ko sa iyo noon nang walang pasabi… I’m really sor—”
“It’s not like that.” He walked near her, living a shorter distance between them. Parang nangyari na ang eksenang iyon kaninang umaga at hindi na naman siya makaiwas sa lalaki. “Just as I said, the past isn’t necessary to me anymore. What important is… you are here in front of me right now.
“Hindi ko na hahayaang makawala ka pa sa akin. I’ve been waiting for this moment for five years… and I don’t have any patience left with me to let you go. I don’t want to have regrets. And I don’t want to lose you, my dear Michelle…”
Napaawang lang ang kaniyang bibig sa lalaki. Kanina pa ito salita nang salita ng ganoon sa kaniya. And she could still not believe how could he say those words easily without even twitching his eyes.
Mabuti na lang at biglang nag-ring ang cellphone ng lalaki na nasa table nito kaya naputol ang kanilang usapan. Nakuha no’n ang atensiyon nito.
“I’ll just take this call…” paalam nito. Lumakad si Aki pabalik sa table nito habang siya ay nanatiling nakatayo sa kinaroroonan niya.
“Yes, ‘Ma?” sagot nito sa kabilang linya. Ayon sa pagtawag ni Aki ay si Mrs. Fuentez ang kausap nito ng mga sandaling iyon, ang ina nito na nag-hire sa kaniya noon bilang tutor ng lalaki.“I’m fine… This company is even better than what I’m expecting it to be. Yes… You don’t have to worry about me.” Patuloy itong nakikipag-usap nang biglang tumingin ito sa kaniya at ngumiti. “Yes, ‘Ma, of course. I’m sure that I will enjoy working in here. See you later. Bye! Love you, ‘Ma.”
Hindi pa rin nito tinatanggal ang mga tingin sa kaniya kaya siya na ang umiwas dito. Nang matapos na ang lalaki ay muli itong naglakad palapit sa kaniya.
“So? Have you thought about it?”
“A-About what?”
“About my feelings. If I’m serious to you or not….” Napayuko lang siya at hindi nakasagot sa lalaki. Ayaw niyang paniwalaan na seryoso ito sa kaniya dahil hindi iyon puwede. Hindi sila puwede. “Okay.” Napabuntong-hininga ito. “I’ll just prove it to you. You can go now.”
“H-Ha?”
“I said you can go now.”
“Oh…” Napapikit-pikit siya. Hindi niya inaasahan na papakawalan na siya nito ng ganoon lang at hindi na mangungulit ‘di gaya ng dati.
“Why? Do you want to stay here with me until evening? Well, I can work overtime in my first day here for you,” asar nito sa kaniya at saka ngumiti nang nakakaloko.
“No!” tanggi niya. “I’ll be going now, sir…” paalam niya rito. Nagmamadali siyang naglakad papunta sa may pintuan at binuksan ang pinto. Nang makalabas siya ay saka siya nakahinga nang maluwag.
Paano naman kasi siya maniniwala sa batang lalaki kung pagkatapos nitong magsabi sa kaniya ng mga ganoon na kaseryosong bagay ay magbibiro o mang-aasar naman ito?
Napailing-iling siya nang mabalik ang eksena nilang dalawa sa kaniyang diwa.
Agad siyang pumunta sa kaniyang table at inayos ang kaniyang mga gamit. She needed to esape from him before she lose her mind.
“Oh? Akala ko ba ay mag-o-overtime tayong dalawa?” takang tanong sa kaniya ni Irene nang makita siya nitong nagliligpit ng kaniyang desk.
“Pasensiya ka na. Kailangan ko nang umuwi.”
“Ganoon ba? Sasabay na ako sa iyo.”
Tumango naman siya rito. Ang balak pa man din niya ay tapusin na ang mga ginagawa niya kanina pero dahil sa hindi niya matagalan ang presensiya ng kanilang boss ay gusto na niyang umalis doon at umuwi.
Usually ay nag-stay pa siya ng one to three hours sa kanilang office kapag may kailangan siyang tapusin pero halos naubos na at drain na drain na ang katawang patatas niya para manatili pa roon.
Kailangan niyang isalba ang nanganganib niyang career dahil sa pagbabalik ni Aki sa buhay niya. She needed to rest and should think of ways how to not get affected by their boss when she got home. It’s a must.