“NAAALALA mo pa ba si Aki?” tanong ni Michelle sa kaniyang kapatid na si Miya habang kumakain sila ng mga miryendang iniluto nito. Si Mikee naman ay nasa tabi lang nila at busy sa panonood ng television. Walang balak makinig ang nakababata nilang kapatid sa usapan nilang dalawa dahil ang gusto nito ay maglaro. “Uhm… iyong si Kuya Aki na mayaman?” balik na tanong nito. Tumango naman siya. “Oo. Iyong nag-tutor ako sa kaniya noon.” “Oh. Nagkita kayo ulit, ate?” Tumango siyang muli. “At hindi lang kami basta nagkita lang, Miya. Siya ang bago naming boss sa work ko. Kaya ayon, awkward kaming dalawa.” “Boss?” hindi makapaniwalang tanong nito. Kung ang kapatid nga niya ay nagulat din sa balitang iyon. Lalo naman siya. Matindi pa roon ang gulat niya nang makita niyang muli si Aki kaninang uma

