ANG AKALA ni Michelle ay tapos na ang pag-uusap nila ng umagang iyon ng kaniyang boss na si Aki pero nang makalabas na sila ng pantry ay sumunod naman ito sa table niya na tila ba walang balak na pumasok sa sarili nitong office. Silang dalawa pa lang ang nandoon kaya malaya siyang nalalapitan at nakakausap pa niya ang lalaki nang casual. Ipinatong nito ang mga kamay sa may harang sa gilid ng kaniyang table nang nakaharap sa kaniya. He was calmly sipping his coffee while still looking at her with those attractive eyes. Hindi na lang niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang balak niyang gawin—ang mag-breakfast nang matiwasay bago siya magsimula sa work niya. Puwede namang kumain doon sa working area nila basta huwag lang magkakalat kaya kiber na siya kahit nandiyan ang boss nilang si Aki. K

