5 - Escape

1332 Words
Pheonix Nakatulala lang siya sa harap ng mga plato na wala ng laman. Hindi niya napag-isipan mabuti ang sasabihin niya kanina. Bumuntong-hininga siya at tumayo. Lumabas siya saglit sa bahay at sumagap ng hangin sa labas, masyadong madilim sa loob na pati ang nararamdaman. Habang nakatayo sa labas at nakatingin sa tanawin na malaking palayan sa malayo ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Sinagot niya iyon, "Hello." "Nasaan ka? Bakit wala ka rito?!!" Nailayo niya ang phone niya sa kanyang tenga sa tinis ng boses ni Sophia. "Nasa malayo." "Anong nasa malayo? Wala kang paalam na umalis ka sa headquarters, tapos malalaman ko na lang nasa malayo ka na? Bakit natawagan pa kita? Saang bansa?" Napapikit siya at napahilot sa noo. Kahit kailan talaga itong tauhan niya na 'to ang isa pang sakit sa ulo dahil sa pagka-pilosopo. "Sa tingin mo matatawagan mo ako kung nasa ibang bansa ako? Number ng bansa natin ang gamit ko." "Nasaan ka ba kasi?" "Bakit ba tinatanong mo pa?" "Wala naman...ay meron pala. Bibinyagan na ang kambal ko, kukuhanin kitang ninong nila." Maliit siyang napangiti. Mabuti pa ito may malulusog na mga anak. Nawala ang ngiti sa labi niya nang maalala ang kanyang asawa. "Hello, Pheonix! Nandiyan ka pa ba? Ano, ayaw mo ba? Bakit ayaw mo? Ang cute ng mga anak ko tapos ayaw mong maging ninong nila! Aba't high profile ka!!" "Hintayin mo muna akong magsalita bago mo sabihin na hindi ako pumapayag." "Bakit kasi ang tagal?!" Napailing na lang siya sa pagka-iksi ng pasensya nito. "Kailan ba?" "Next month." Nalukot ang mukha niya. Next month pa pala, pero parang bukas na kung makapag-demand. "Ang aga mo namang pinaalam." "Magiging busy kasi ako, baka makalimutan ko. Mas mabuting masabi ko na, tatawag ulit ako pag meron ng date next month." "Okay sige." "Pero seryoso, nasaan ka ba?" "Tumanggap na ako ng mission, kaya hindi mo ako makikita ng matagal sa headquarters." Tumahimik sa kabilang linya sandali. "Kaya mo na ba?" sa mahinang tanong nito. Tumingin siya sa kalangitan habang nakapatong sa tenga niya ang telepono. "Kailangan." Narinig niyang bumuntong-hinga ito. "Okay sige kung 'yan ang gusto mo. Hindi ko na rin aalamin kung saang lugar 'yan. Ako na rin ang magsasabi sa iba pang member. Bye!" Nawala na ang boses ni Sophia sa kabilang linya habang nanatili ang telepono sa kanyang tenga. Natulala siya sandali bago naisipan na ibulsa muli ang telepono niya at pumasok na sa loob ng bahay. Saan kaya nagpunta si Ms. Althea? Naglakad siya patungo sa kusina at sa buong bahay kung saan puwedeng lumusot. Sa laki ng bahay na 'to ay maraming pasikot-sikot. Kung magkakaroon ng entrapment hindi agad mahuhuli ang salarin. Huling alas na lang niya ay sa kwarto nilang dalawa. Kumatok siya at naghintay na may sumagot o magbukas, pero wala. Napakunot ang noo niya at isang katok pa sa pinto ang ginawa niya dahil baka hindi narinig ni Ms. Althea. Wala pa ring sumagot o nagbukas ng pinto kaya binuksan na niya ang pinto ng dahan-dahan dahil baka natutulog ito. Unti-unti niyang sinilip ang loob ng kwarto, pero agad niyang binuksan ng todo ang pinto nang hindi niya makita si Ms. Althea sa loob ng kwarto, kahit sa banyo ay wala rin. Hindi niya gusto ang naiisip niya. Tumakas kaya ang babaeng 'yon? Agad siyang tumakbo palabas ng kwarto at pumunta sa mga katulong para magtanong. May nakita siyang isa sa sala. "Excuse me." Lumingon naman ito sa kanya. "Nakita mo ba si Ms. Althea?" "Napanin ko siya kanina palabas sa likod ng bahay. Hindi ko lang alam kung ano ang gagawin niya doon." "May pinto ba palabas ng bakuran sa likod ng bahay?" "Merong maliit na gate doon. Madalas doon kami dumadaan dahil mas malapit sa sakayan ng tricycle." Nalintikan na, akala niya pumasok ng kwarto. "Sige salamat." Tumakbo siya papunta sa likuran ng bahay at nakita niya nga na merong maliit na gate doon at mukhang doon nga dumaan si Ms. Althea dahil hindi nakasara ang pinto, naiwan na nakabukas. Lumapit siya sa gate at lumabas, pero wala na siyang naabutan dahil mukhang kanina pa ito lumabas nang iniwan siya sa dining area. Mukhang hindi magiging madali ang trabaho niya sa anak ni Don Vistre. Saan siya magsisimula ulit hanapin ito? Habang nakapatong ang dalawang kamay sa bewang niya ay agad siyang nakapag-isip. Baka kung saan niya nakita si Ms. Althea kagabi ay doon din ito pupunta mamaya. Kailangan niya ring magpagawa ng special jewelry para hindi na ito makatakas sa kanya. Kinuha niya ang telepono niya at tinawagan si Franz. Wala pang isang minuto ay sinagot na nito. "Meron akong ipagagawa sayo." "Ano?" sagot naman nito sa kabilang linya. "Gumawa ka ng jewelry set na merong tracker at may electricity sa loob." "Huh? Delikado 'yon, Pheonix. Masyadong harsh sa katawan." "Hindi naman one hundred percent. Maglagay ka lang ng mapapahinto ang tao pag na activate na 'yon, at saka maliit na remote para ma-activate 'yon." "Himala at gagamit ka ng tracker? Usually ikaw ang gumagawa ng paraan para mahanap o mapahinto ang isang tao." "Hindi ko puwedeng suntukin 'tong anak ng client ko, kaya gumawa ka na lang ng jewelry set na silver. Gandahan mo ang gawa dahil mukhang maarte ang magsusuot." "Babae pala siya." "Sa tingin mo?" Nagsalubong ang kilay niya. "Jewelry set kasi, kaya babae." "Bakit wala bang jewelry set ang mga lalaki?" "Ewan ko, pero parang hindi nmagandang pakinggan ang jewelry set kung ang pagbibigyan ay lalaki." "Okay...okay. Kailangan ko na 'yon after one week." "Ha! One week!!" malakas na pagkakasaad ni Franz. "Yes. May problema ba 'don?" Tila nagmamaktol naman si Franz sa kabilang linya. "Meron. Matagal ang pinagagawa mo, tapos may electricity pang idadagdag. Mabuti sana kung tracker lang, sandali lang 'yon." "Basta gawan mo ng paraan, kung hindi pagbalik ko diyan may punishment kang makukuha sa akin!" "Tsk. Ano pa nga ba? Tatawagan na lang kita pag okay na." "Sige." Pinatay niya na agad ang tawag. Ang aga-aga may problema na siyang dapat solusyunan dahil sa nawawalang babae. Kailangan bago umuwi si Don Vistre ay narito na si Ms. Althea. Mabuti na lang at late na uuwi ang ama nito. Tiningnan niya ang paligid. Naglakad ba ito papunta sa kabilang ibayo? Ang layo ng sakayan ng tricycle sa paningin niya. Pumasok siya muli sa bahay at naghanda ng dadalhin niya mamaya. Matigas rin naman ang ulo nito kaya kailangan niyang bigyan ng leksyon. Nilagay niya ang baril at posas sa maliit niyang bag at pinatong sa higaan niya. Sa daan naman ay kailangan niyang bumili ng damit dahil meron siyang plano na gagawin para maiuwi agad ito dito sa bahay. Muli sana siyang lalabas, pero may napansin siya sa ilalim ng unan na bahagyang nakalabas, parang papel. Lalakad na sana siya ulit pero napagdesisyonan niyang tingnan. Inalis niya ang unan at isang papel nga na tuping-tupi ang nakita niya. Binuklat niya iyon at binasa, pero habang palapit siya sa wakas ng sulat ay nagsalubong ang kilay niya sa nabasa. Magtagpo lang tayo ulit. Sisiguruhin kong igaganti ko kung ano man ang ginawa mo sa akin Althea!! Nahulog ako sa patibong mo at saka iniwan sa ere. GAGANTI AKO... TANDAAN MO 'YAN!! May lihim na nagpapadala ng sulat kay Ms. Althea? Babae ba 'to o lalaki? Walang kasiguraduhan kung ano nga ba ang tinutukoy sa sulat, pero isa lang ang gusto nito... ang makaganti. Habang hawak ang sulat ay napaupo siya. Hindi ata ito alam ni Don Vistre dahil ang sinabi lang nito ay ang tungkol sa pagpunta o paglalaro ni Ms. Althe sa mga lalaki sa bar. Napasabunot siya sa buhok niya. Ano ba ang pinagmamalaki ng babaeng 'yon at hindi ata natatakot sa may-ari ng sulat na 'to? Muli niyang tinupi ang papel at nilagay sa ilalim ng unan. Pati pala problema ng babae na 'yon ay kailangan niyang alamin, buong akala niya pagbabantay lang ang gagawin niya, hindi pala. Minsan sa mission may mga pangyayari na hindi agad malalaman kung hindi bubungkalin ng sobrang lalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD