6 - Successful Plan

1374 Words
Phoenix Inikot ng mata niya ang buong kwarto. Kung may papel sa ilalim ng unan, mas lalong meron sa mga cabinet rito sa kwarto. Tumayo siya at pinagbubuksan ang mga cabinet na may pag-iingat na magalaw at magulo, para hindi siya paghinalaan na pinakialaman niya ang cabinet. Sa napapansin niya wala namang kakaiba sa mga cabinet, pero naisip niya na baka sa bahay ni Ms. Althea naroon ang gusto niyang makita. Paano siya makakapunta roon? Sumilip rin siya sa ilalim ng kama nito, wala rin siyang nakita. Nagsalubong ang kilay niya habang nakatayo sa gitna ng kwarto, pero kalaunan ay nahiga siya sa kama at pumikit. Hindi na muna niya iisipin ang nakita dahil ang mahalaga sa ngayon ay maiuwi niya si Ms. Althea. 6:00 pm at Crimson Bar... Nakapuwesto na siya sa table kung saan hindi masyadong maingay at matao. Panigurado siyang dito sa puwesto na 'to pupunta si Ms. Althea, dahil nag-damit siya ng ibang-iba kung paano siya manamit para hindi siya nito makilala. May cap rin siya na halos takpan na ang buong mukha niya para maging misteryoso sa paningin nito. Bahagya siyang sumilip sa mga tao, at napangisi nang makita ang target niya na naghahanap na ng biktima. Matigas talaga ang ulo nito dahil bumalik talaga dito. Binaba niya muli ang cap niya hanggang sa matakpan ang ibabaw ng ilong niya dahil napatingin sa gawi niya si Ms. Althea. Malalaman niya kung ito ba ang tumabi sa kanya sa suot nito, dahil bago siya nagbaba ng tignin ay pinasadahan niya ito mula ulo hanggang paa. May biglang umupo sa tabi niya. Tiningnan niya ito sa gilid lang ng mata niya, at sakto, si Ms. Althea nga ang umupo. Ang dali naman nitong maloko, kaya siguro nagkakaroon ng death threats mula sa hindi kilalang tao. Inusog niya ang baso na may laman na alak sa harap nito. Hindi siya maaaring magsalita. "For me?" tanong nito. Tumango siya. Kinuha iyon ni Ms. Althea, pero halatang sinayad lang ang labi sa alak at hindi man lang uminom kahit konti. Ito ang tactic na ginagawa nito sa tuwing may gustong biktimahin? Umusog siya ng konti palapit, para malaman nito na may gusto siyang gawin o iparating. "Nice. Gusto mong maglaro?" tanong nito. Tumango naman siya. "Pero bakit ayaw mong alisin 'yang cap mo sa ulo? Gwapo ka naman ata, pero bakit tinatakpan mo ang mukha mo?" Hindi siya sumagot. "Wala ka bang dila? Hays...di bale na nga!" Tatayo na sana ito ng hinawakan niya ang kamay nito at hinila paupo ulit sa tabi niya, baka makakita pa ng ibang lalaki. "Gusto mo rin pala, paki tanggal 'yang cap mo, please!" Maarte nitong pagkakasabi. "Oh by the way, parang ang dami mong abs, masyadong fit ang suot mo. Pahawak ako ha!" Hindi ito nag-aksaya ng oras. Nilapit ni Ms. Althea ang kamay sa ibabaw ng tiyan niya at hinagod iyon na may kasamang pang-aakit. Napalunok naman siya, pero nang ipapasok na nito ang kamay sa loob ng t-shirt niya ay hinawakan na niya ito sa kamay ng mahigpit. "Nabilang ko... mga anim ata 'yon." Tumawa ito ng mahina. "Gusto mo ba sa ibang lugar na lang tayo? I'm sure... mas mag-eenjoy ka doon," bulong nito na may kasamang pag-ihip ng hangin sa tenga niya. Kaya naman pala naaakit agad ang mga lalaki dito dahil sa ginagawa ni Ms. Althea. Kahit pagbulong lang nito ay mahuhulog talaga sa patibong ang biktima nito. Hinawakan niya ang pulso nito at hinila palabas ng bar. Tuloy-tuloy lang siyang naglakad habang kinakaladkad ito. "Aray ko!!" Napalingon siya dito, pero nagtaka siya dahil sa balikat ito nakahawak, dapat ay sa paa ito umiinda dahil sa paraan niya ng paghila. Napansin niya na tumingin ito sa likuran, kaya tumingin din siya doon. May isang lalaki o babae ang naglalakad palayo, sa pigura ng katawan nito ay hindi malalaman kung babae nga ba o lalaki, dahil balot na balot ang katawan nito na kulay itim. "Anong problema niya?" sambit ni Ms. Althea pero nakahawak pa rin sa balikat. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita ang munting kulay pula sa ilalim ng daliri nito. Inalis niya ang kamay ni Ms. Althea sa balikat nito. Merong sugat na pahaba at kung susukatin one inch din iyon, medyo malalim. Tumingin siya muli sa taong palayo. Kung binunggo nito ang balikat ni Ms. Althea, dapat ay masasaktan lang ito ng walang sugat, at base na din sa suot nito ay wala namang nakakasugat sa suot nito sa gawing balikat. "Tara na." Aya pa rin nito sa kanya. Sa inis tinanggal niya ang cap niya sa ulo at tumitig sa mata nito na nanlalaki na nang makita siya. "Ikaw!!" "Yes, wala ng iba." "Siraulo ka! Anong ginagawa mo dito? Nakatakas na ako bakit nahanap mo pa rin ako!!" Tinampal nang tinampal nito ang braso niya. "Tumigil ka nga!" Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang nilapit sa kanya. Makapal na naman ang kolorete nito sa mukha, kaya nagmumukha na naman itong payaso sa children's party. Napatitig naman ito sa kamay, kaya nagtaka siya. "Why?" "Yung kamay ko." "Ano?" "Yung kamay ko!" Nangilid ang luha nito, kaya bahagya siyang nag-alala. "Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo!!" "Madumi na ang kamay ko dahil nahawakan ko 'yang abs mo! Kailangan kong maghugas!!" Inis niyang tinulak ito ng mahina. "Ang arte mo." "Bakit hindi ka agad nagpakilala?! Hindi ko sana nahawakan 'yang abs mo." Nakatingin pa rin ito sa kamay na parang nandidiri. "Hindi mo nahawakan ang abs ko, yung damit ko lang na bakat ang abs." "Ganun na rin 'yon! My hands!!" Atungal nito. Sa asar kinuha niya ang kamay nito at pinasok sa loob ng t-shirt niya. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay nito sa ibabaw ng tiyan niya. "Ayan! Para valid na ang pag-iinarte mo na nahawakan mo ang abs ko. Happy?" Tinanggal niya ang kamay nito sa loob ng t-shirt niya at binitawan na ang kamay nito. Mukhang natuklaw naman ito ng ahas sa itsura. "Tsk. Umuwi na tayo. Lagot ka na naman sa tatay mo." Nagpabigat ito sa paghatak niya ng kamay nito. "Ayoko pang umuwi!!" "Uuwi na tayo dahil malapit ng umuwi si Don Vistre. Malalagot tayong parehas." "Ikaw lang ang malalagot sa kanya!" Tiningnan niya ito sa mata at ngumisi. "Kaya kong baliktarin ang lahat, Ms. Althea. Mas paniniwalaan ako ng tatay mo kaysa sa sarili niyang anak na walang ginawa kung hindi paglaruan ang mga lalaki. Wanna bet?" Gigil na gigil naman ang itsura nito habang pilit pa ring kumakawala. "Bitiwan mo muna ako! Kaya kong maglakad mag-isa!" Tumaas ang dalawang kilay niya. "Oh..I see. Okay." Binitawan niya ang kamay nito kaya sumalampak ito sa lupa. "You!!" Maliit siyang ngumiti. "Bakit? Sabi mo bitawan kita. Ano pa bang nirereklamo mo?" "Bitawan hindi itulak!!" Tumayo ito at nagpagpag sa likod ng short. Sa suot nito kukulangin pa ata sa isang damit pag pinagsama ang tela nito. Halos style bra na lang ang suot nito sa itaas. "Dancer ka ba o stripper sa bar na 'yon? Tinalo mo pa ata ang nagtatrabahong babae ron? 'Di ba naghahanap ka ng trabaho? Puwede ka na roon wala ka pang hirap sa gagawin mo." "Ikaw ba ang magtatrabaho at kung makapag-desisyon ka ay parang ikaw ang may hawak ng mundo ko! Tsk, nainis ako sayo!!" Ngumiti siya ng pang-asar. "Our feelings are mutual." Tumalikod ito at handa ng umalis. "Saan ka pupunta?" "Uuwi!" "Maglalakad ka ba pauwi? Wala kasi diyan ang kotse ko " "Nasaan ba!!" Inis itong humarap sa kanya. "Ang ingay mo talaga. Hindi mo ata napapansin na ikaw na ang pinanunuod dito sa labas. Bukod kasi sa ingay ng bibig mo, mukha ka pang clown." "E kung lagyan ko kaya ng dalawang pula 'yang pisngi mo! Tingnan natin kung sino sa atin ang mukhang clown." "Hindi mo magagawa 'yon, Ms.Althea." Dinuro siya nito, at sobrang lapit sa kanyang mukha. "Ikaw, puwede bang huwag mo akong tawagin na Ms. Althea. Puwedeng Althea na lang? Mas mukha ka pa ngang matanda kaysa sa akin!" "Ilan taon ka na ba?" "26." "Mas matanda ka sa akin, 25 lang ang edad ko." "What?!" Gulat na gulat ito sa sinabi niya. Ngumisi naman siya. "Biro lang. Halika na, at baka abutan tayong dalawa ng tatay mo na wala sa bahay niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD