7 - Part 1

1153 Words
Althea Hinila na naman siya nito, at mukhang papunta na sila sa kotse kung saan ito nakaparada. Gulat siya ng bahagya siya nitong itulak papasok ng kotse sa harap. Ito na naman siya sa pagsakay ng kotse nito na mukhang mangyayari na naman ang nangyari noong una silang beses na magkita. Agad niyang kinuha ang seatbelt at tinali ang sarili ng mahigpit. Nang nakapasok si Pheonix sa loob at habang inaabot nito ang sarili nitong seatbelt ay napatingin ito sa kanya at bahagyang kumunot ang noo. "Hindi ka package para itali mo ang sarili mo ng marami at mahigpit. Subukan mong luwagan dahil hindi naman ako mabilis magpatakbo ng sasakyan." "Weh? Utot mo! Nadala na ako noong isang gabi, kaya hayaan mo ako sa gusto ko!" Nagkibit-balikat ito saka pinagpatuloy ang paglalagay ng seatbelt. "Ready?" Kumunot ang noo niya, parang may binabalak na naman ito. Hinawakan na lang niya ang seatbelt niya ng mariin at huminga ng malalim ng ilang beses para ihanda ang sarili. Napalingon siya sa katabi niya na tumatawa ng malakas habang hinahampas ang manibela. "Anong tinatawa mo diyan?" Humarap ito sa kanya na may pangingilid pa ng luha sa mata dahil sa OA nitong pagtawa. Natigilan siya, kahit ganun ang ayos ng lalaki na 'to ay gwapo pa rin talaga. Kailangan niya ng magpalit ng mata dahil masyado ng nagkakasala at nakakapagsabi ng hindi maganda ang isip niya dahil sa itsura nito. Kasi naman, mukhang hindi naman talaga isang bodyguard ang lalaki na 'to. Mukha siyang may-ari ng kumpanya kung magsusuot ito ng tuxedo na itim habang may poker face na mukha. "Ano? Wala kang balak, tumigil? Ako na mag-drive pauwi, masyado ka ng masaya!" Gigil niyang saad. May pahabol pa itong pag-ngisi bago pina-andar ang sasakyan. "May future ka talaga bilang clown." Inirapan niya ito at humalukipkip. "Ikaw naman may future ka rin." "Ano?" "May future ka ring mapunta sa ospital pag binugbog kita!" "Tsk. Mahina ka, Althea. Wala pang nakakatalo sa akin, kahit gumamit ka pa ng kahit anong armas." Inis siyang nakatitig sa mukha nito nang umalis na sila sa parking lot ng bar. Marunong kaya itong mag-martial arts, kaya hindi niya ito matatalo kahit may armas pa siyang gamit? E kung lagyan na lang kaya niya ng lason ang tubig nito sa bahay ng dady niya, for sure panalo siya doon. Napangisi siya habang nakatingin sa harapan, sa idea niya na 'yon "May naiisip ka ata, Atlhea? Mas mag-isip ka pang mabuti kasi baka sayo mangyari 'yang sinasabi mo. Baka mawalan ng anak si Don Vistre." Nagtataka siyang lumingon kay Pheonix na seryosong nag-di-drive. "Anong sinasabi mo diyan?" "Sa itsura mo, mukhang may binabalak ka sa akin. Huwag mo ng ituloy dahil kahit tulog ako makikita pa rin kita." "Ano ka, manghuhula?" "More than that." Hindi na lang siya ulit nagsalita dahil naiinis lang siya sa sagot nito na hindi naman 'yon ang sagot. Mabuti na lang at kalmado ang takbo ng sasakyan, kung hindi, mag-agawan na lang sila ng manibela hanggang sa mabundol at mamatay silang parehas, para fair naman, hindi yung siya lang at ito ay nakaligtas. Pinilig niya ang ulo sa naiisip. Kung ano-ano ang pumapasok sa kanyang ulo. Hinawakan niya ang tiyan niya nang tumunog 'yon ng malakas. Pasimple pa siyang tumingin kay Pheonix, pero napatingin na pala ito sa kanya saglit. "Ano 'yan? May dragon sa tiyan mo?" "Gutom na ako!" "Buti nakaramdam ka ng gutom, mas inuna mo kasi ang makipaglandian sa lalaki sa bar." "Wala kang pakialam kung ano ang gusto ko!" "Talaga? Puwes, kumain ka pag-uwi natin sa bahay ng tatay mo. By the way...mas masarap manuod habang kumakain ka at pinagagalitan ka ng tatay mo dahil late na tayo, sa tingin ko. Sa oras na 'to nasa bahay na ang tatay mo at hinahanap na niya tayo." Nanlaki ang mata niya at tiningnan ang oras sa phone. Naibaba niya iyon at natulala, lagot na naman siya, mas lalong matatali ang kalayaan niya kay Pheonix. "Bili kaya tayo snack diyan sa tabi ng may makain man lang ako habang binubusa ka ng tatay mo." "Shut up!! Ang ingay mo!" Maliit itong ngumiti. "Kasalanan mo naman kasi kung bakit tayo narito ngayon sa sitwasyon na 'to. Kung sinama mo lang ako, sigurado akong hindi ka pagagalitan ng tatay mo, pero hindi ka puwedeng dumikit sa mga lalaki sa bar. Puwede kang uminom at umuwi na sumusuka dahil sa kalasingan, pero ang gumawa ng milagro. It's a big no, Althea." Napasimangot siya at tumingin sa bintana ng kotse. "Kailangan ko na bang tanggapin na hindi na ako magiging malaya, dahil sumulpot ka?" "Hindi ako, Althea. It's your fault." Pinagmasdan niya ang bawat street light na madaanan nila. Yes, tama naman ito, siya ang may kasalanan dahil siya ang gumagawa ng mga bagay na makakasama sa kanya, pero anong gagawin niya kung gusto niya ang makipaglaro? Hihinto lang siguro siya pag may nakita na siyang isang lalaki na mababaliw siya sa pagmamahal nito at katawan syempre. Lumipas ang isa pang oras ay nakarating na sila sa bahay ng kanyang daddy, pero nang nakita niya ang kotse nito sa tapat ng bahay ay kumabog ang dibdib niya dahil nasa loob na nga ang daddy niya. Ayaw pa naman niyang mapagalitan. "A-Ano ng gagawin ko?" nabulalas niya ng hindi niya napagtanto agad. "Dumaan ka sa bintana ng kwarto nating dalawa." Nilingon naman niya ito at binigyan ng galit na tingin. "Sa tingin mo kaya kong umakyat sa bintana, e ang taas no'n? Dalawang tao ata ang katumbas bago ang bintana ng kwarto ko." Tumingin naman ito sa harap ng bahay. "Pag ba umuuwi ang tatay mo ay saan siya unang pumupunta?" "Sa kwarto, magpapalit ng damit." "Gaano katagal?" Napaisip siya. "Usually, pag oras na ng pagkain, pero minsan late na siyang nakakauwi kaya diretso dining na siya." "Tsk...tsk, lagot ka talaga." "Tulungan mo na lang kaya ako kaysa sisihin ako ng sisihin. Malalagot naman tayo parehas kaya sige na tulungan mo na ako!" Nagpaawa pa siya ng mukha para tumalab. "Pumasok na lang tayo sa pinto sa harap. Mahuli man tayong dalawa, at least parehas tayong mapapagalitan." "P-Pero hindi puwede!" "Bakit?" "Baka mas lalong makasama pa kita ng matagal kung malaman niya ulit na pumunta ako sa bar!" "Good for me, dahil mas hahaba pa ang trabaho ko, at maraming pera ang papasok sa bangko ko." Napakamot siya sa kilay niya. Ang hirap kausap ng taong 'to. Wala man lang awa sa babae. "Sige na kasi! Magbabayad ako, pero isang beses lang." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "May pera ka ba? 'Di ba wala ka namang trabaho?" Napangiwi siya. Meron naman kahit paano, pero kung million ang hihilingin nitong bayad, wala talaga. "Ten thousand, puwede na ba 'yon?" Tinitigan niya ang mukha ni Pheonix para hintayin ang sagot nito. Nakatitig lang din ito sa kaya, baka tinatansya kung i-grab ba nito ang offer niyang bayad. "Ang liit, taasan mo pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD