Napanganga siya. Konti na lang ang pera niya sa bangko, mga one hundred thousand na lang. "Twenty?"
"Higher."
"Twenty-five."
"No."
"Thirty."
Nakita niyang pinasadahan ng dila nito ang ngipin. Mukhang bibigay na sa thirty.
"Taasan mo pa."
Bumagsak ang balikat niya. Ang mahal naman ng serbisyo nito.
"Forty. Last na 'yon. Wala na akong pera pag tinaasan ko pa."
"Bakit? Magkano ba ang pera mo?"
"One hundred thousand lang, kaya please tulungan mo na ako!" Kulang na lang umiyak siya sa harap nito para tulungan lang siya na makalusot sa daddy niya.
"Okay."
Nagkaroon siya ng pag-asa, kaya napangiti siya ng malaki. Hinawakan niya ang kamay nito at paulit-ulit na nagpasalamat.
"Masyado ka namang nasaya, at close na pala tayo ngayon." Tumingin ito sa kamay niya na hawak pa rin ang kamay nito. Asiwa siyang ngumiti at dahan-dahan na binitawan ang kamay ni Pheonix. "Tara na. Hindi pa rin ako kumakain ng hapunan."
Lumabas ito ng kotse at ganun din siya. Sumunod siya nang naglakad ito, at huminto sa pinto ng harap ng bahay, pero pinigilan niya ito sa braso.
"Teka...dito talaga tayo dadaan?" bulong niya.
"Yes."
"Parang gusto mo na rin akong mahuli niyan kung dito tayo dadaan!" mahina niyang saad kay Pheonix.
Tumingin muli ito sa kanya, saka bigla siyang iniwan sa harap ng pinto, at dahil baka may magbukas ng pinto ay sumunod siya ulit kay Pheonix.
"Saan ka ba pupunta?"
Nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa huminto ito sa likuran ng kotse. Binuksan iyon ni Pheonix at binato ang isang paper bag sa kanya. Mabuti na lang at nasalo niya.
"Ano 'to?" nagtataka niyang tanong.
"Damit."
"Anong gagawin ko dito?"
"Malamang susuotin."
"I mean, nakadamit naman ako."
Tamad siya nitong tiningnan at lumapit. Binuksan ang pinto ng kotse sa gawing likuran at tinulak siya roon.
"May isang damit diyan. Isuot mo, at the rest, ako na ang bahala sa gagawin ko pag pasok natin sa loob. Bilisan mo dahil gutom na ako."
Malakas nitong sinarado ang pinto, kaya napapikit siya, pero hindi na siya gumawa pa ng eksena. Binuksan na lang niya ang paper bag at kinuha ang damit sa loob. Isang black long sleeves ang laman ng paper bag.
Isusuot niya 'to? Ang laki nito para sa kanya.
Nagulat siya ng kumatok si Pheonix sa bintana ng kotse. Binaba naman niya ang bintana at sumilip ito.
"Bakit hindi ka pa rin nagpapalit? Bilisan mo!!"
Lumayo na ulit ito sa bintana, mukhang galit na kaya pinatong na lang niya ang long sleeves sa damit niyang suot. Lumabas siya at sinarado ang pinto ng kotse. Hanggang kalahati ng hita niya ang haba ng long sleeves.
Biglang lumapit si Pheonix, pero naalarma siya nang sinisimulan nitong tanggalin ang sinturon sa bewang nito.
"Oy...oy. B-Bakit...ka nagtatanggal ng belt mo?"
Seryoso lang ito habang inaalis ang sinturon sa bewang, kaya naman napapikit siya, pero napakunot rin ang noo nang may maramdaman na may humapit sa bewang niya. Sa kaba ay dinilat niya muli ang mata niya at bahagyang nagulat dahil parang nakayakap sa kanya si Pheonix, ang lapit ng mukha nito sa kanya. Tumingin siya sa bewang niya, ang belt nito ay nilalagay sa bewang niya ngayon.
"Ano—"
"Tahimik."
Hindi na siya nagsalita. Hinayaan na lang niya ito sa ginagawa nito sa belt. Lumayo ito ng bahagya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Hinawakan nito ang braso niya at tinupi naman ang sleeves hanggang ibabaw ng siko niya.
Stylist ba 'tong si Pheonix?
"Done. Come on."
Lumakad na ito papunta ulit sa harap ng pinto ng bahay. Tiningnan naman niya ang damit niya, para siyang naka-dress na may belt. Parang pang-office dress itong suot niya tuloy, pero medyo malaki nga lang sa kanya ang sleeves. Lumakad na siya at tumabi kay Pheonix na nakaharap sa pinto.
"Sumakay ka lang sa sasabihin ko sa tatay mo. Dapat walang pag-utal ang bwat salita mo, kung hindi patay tayong dalawa. Maliwanag ba?"
Ilang beses naman siyang tumango-tango bilang sagot. Huminga naman ng malalim si Pheonix bago kumatok sa pinto at buksan iyon ng maid.
Pumasok sila ng tahimik sa loob, pero lihim siyang napakagat sa labi nang marinig niya ang boses ng kanyang daddy.
"Saan kayo galing na dalawa?"
Sumilip siya dahil nakaharap si Pheonix kung nasaan ang kanyang daddy, nasa likod kasi siya nitong lalaki na 'to Seryoso itong nakatingin sa gawi nila habang nakaupo sa couch, napansin din niya na may tasa sa gilid ng couch sa ibabaw ng mesa. Mukhang umiinom ito ng kape.
"Sa labas lang ho, Don Vistre," sagot ni Pheonix.
"Nang ganitong oras na kayo nakauwi? Saan kayong lugar pumunta?"
Sa kaba ay hinawakan niya ang likod ng damit ni Pheonix. Hinila-hila niya 'yon para magpahiwatig na, ano ng gagawin nila ngayon.
"Sinamahan ko lang ho siya na maghanap ng trabaho."
Napatigil siya sa paghila ng damit nito. Trabaho?
"Sinasabi mo bang nag-umpisa ng maghanap ng trabaho ang anak ko, Pheonix?"
"Yes sir. Maaga ho kaming umalis, dahil iyon ang gusto niya. Sa ngayon ay isa pa lang po ang napupuntahan namin na lugar kung saan may hiring."
"Ano namang trabaho ang ina-aplayan ni Althea?"
"Dishwasher po."
Nahila niya ng malakas ang damit ni Pheonix sa sinabi nito na dishwasher ang ina-aplayan niyang trabaho. Kahit ganito siya ay hindi niya maaatim na mag-apply bilang dishwasher dahil hindi naman niya kayang maghugas ng pinggan.
Nagsalubong ang kilay ng daddy niya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Dishwasher ang gusto mong trabaho, tapos ganyan ang suot mo? Sa itsura mo ay parang sa isang building ka mag-apply kahit man lang bilang secretary. Pero dishwasher, sigurado ka ba Charlotte?"
Napangiwi siya at ngumiti sa dady niya. "Hindi naman ako natanggap dad, kaya ibang propesyon na lang ang pag-aaplayan ko."
"Ano?"
"Next po namin na pupuntahan ay bilang maid naman ho," ani Pheonix.
Napatingin siya kay Pheonix. Seryoso ang mukha nito pero ang sinabi ay parang pabiro.
"Anong klaseng trabaho ba ang kailangan mo Charlotte? Mas pipiliin mong maging maid kaysa ang maging CEO ng kumpanya?"
"Kasi dad..." Ang hirap naman nito. Akala niya ay madali lang ang gagawin ni Pheonix. Ang hirap namang sumakay sa palusot nito na puro kalokohan.
Napailing ang daddy niya at napahilot sa sintido.
"Umayos ka Althea. Humahanap ka nga ng trabaho, pero mukhang kalokohan naman. Bukas, ire-recommend kita sa isa kong kakilala. Kung ayaw mo bilang CEO ng kumpanya ko, puwes maging secretary ka na lang ng anak na binata ni Clemente."
Nanlaki ang mata niya. Ayaw niya dahil masyadong malikot ang kamay ng lalaki na 'yon, lalo na sa mga babae.
"But dad—"
"Huwag ka ng kumontra. Bukas ng umaga ay maghanda ka dahil pupunta na tayo roon." Tumayo ang daddy niya at lumapit sa kanila. "Mukha kang pagod? Kumain ka na ba?"
"Hindi pa dad."
"Kumain na kayo sa dining, pagkatapos ay magpahinga ka na sa kwarto niyo. Huwag ka ng magpuyat."
"Yes dad."
"Siya sige, ako ay papasok na sa kwarto ko at magpapahinga." Tumingin ito kay Pheonix. "Mauna na ako, Phoenix."
Ngumiti lang ng bahagya si Pheonix sa dad niya bago lumakad palayo sa kanila.
Habang nakatingin siya sa likuran ng daddy niya ay bumulong si Pheonix.
"Success."
Napapikit siya at lumingon na lang basta, pero nanlaki ang mata niya ng sumayad ang labi niya sa pisngi nito dahil masyadong malapit ang mukha ni Pheonix. Nilayo niya ang mukha nito at hinawakan ang labi niya.
"Pasimple ka rin. Tsk, luma na 'yan."
"Anong luma na? Aksidente 'yon!"
Naningkit ng bahagya ang mata nito. "Kumain na tayo." Iniwan siya nito sa living room. Hindi talaga siya makapaniwala sa nangyari. Ginulo-gulo niya ang buhok niya sa inis, at maingay na paglalakad na sumunod kay Pheonix.