9 - You Want To Know?

1195 Words
Althea Pagpasok niya sa dining ay nakaupo na si Pheonix ng maayos habang hinihintay siguro siyang pumasok sa dining. Nakahain na kasi ang pagkain pero hindi pa ito nagsisimula. Umupo siya sa tabi na lang din nito. "Kain na tayo," saad niya. Kumuha na ng pagkain niya habang iniisip pa rin ang sinabi ng daddy niya tungkol sa pag-rekomenda sa anak ni Don Clemente na si Daniel. Gwapo naman ang lalaki na 'yon, pero hindi niya gusto ang biglaan nitong paghawak sa kanya noon. Hindi siya bobo para hindi malaman na strategy lang ni Daniel na madulas kuno, pero sa mga boobs naman niya nag-landing ang dalawang kamay nito. Okay na sana kung inalis kaagad, pero hindi, nilamas pa nito ang boobs niya bago inalis ang kamay. Sa galit niya noon, dalawang sampal magkabila ang binigay niya sa mukha ni Daniel,tapos ngayon doon siya irerekomenda ng dad niya. Baka hindi trabaho ang magawa niya doon, puro kunsumi at pagbabantay ang magawa niya. "Althea. Lumipad ata ang isip mo? Kanin lang ba ang kakainin mo?" Napatingin siya kay Pheonix at sa plato niya na puno na ng kanin na parang ginawang bundok. Wala din siyang nakita na kahit anong ulam sa paligid. "Sorry, lutang lang." Binalik niya ang sobrang kanin, at pinalitan ng ulam. "Hinangin na ba ang ulo mo, kaya ka lutang?" "Tsk, hindi. May iniisip lang ako." Sumubo siya ng kanin na may piniritong baboy sa ibabaw. "Ano?" "Huwag mo ng alamin. Kumain ka na lang." Pinagpatuloy niya ang pagkain, pero kung saan-saan napupunta ang isip niya. Kung sakali na pumayag ang ungas na 'yon bukas kahit ayaw niya ay hindi siya puwedeng gumawa ng eksena na mababalitaan na lang ng daddy niya na may namamagang mukha si Daniel. May biglang baso na nagpakita sa harap niya. Kinuha niya iyon at handa na sanang inumin. "Teka...teka! Lutang ka nga, hindi mo man lang tiningnan kung ano na ang maiinom mo. Soy sauce 'to." Nagsalubong ang kilay niya na tumingin sa mukha ni Pheonix. "Napansin mo na nga, kung ano pang kalokohan ang gagawin mo!" Asar na sumubo siya ng kanin. "Ano ba kasi 'yon? Dahil ba sa sinabi ng tatay mo?" Napasimangot siya at hindi muna inalis ang kutsara sa bibig niya, pero itong lalaki na 'to ay hindi man lang marunong makiramdam dahil inalis ang kutsara sa bibig niya. Nakitang nagdadrama pa yung tao. "Tell me." Bahagya pa siyang nanibago sa tono ng boses ni Pheonix. "About sa lalaking sinasabi ni dad. Manyak kasi ang lalaki na 'yon, kaya ayokong doon ako magtatrabaho!" "Bakit hindi mo agad sinabi sa tatay mo?" "Hindi lang kasi kakilala ni dad si Don Clemente, matalik na kaibigan niya 'yon, kaya pag nagreklamo ako o gawan ng masama anak ni Don Clemente ay sure akong pagagalitan ako no'n." "Baka nagbago na siya?" Inikot niya ang mata niya sa sagot nito. "Tsk, sana nga, pero hindi. Grabe siya kung humawak ng private part ng mga babae, pero may babaeng pumapayag naman dahil gwapo nga ang lalaki na 'yon, kaya win-win pa rin sila kahit manyakin na sila ng tao na 'yon." "Bakit ayaw mo? 'Di ba ganun rin naman ang ginagawa mo sa mga lalaking binibiktima mo sa bar?" "Magkaiba 'yon! Paglalaro ang ginagawa ko, hindi kabod na lang hahawak ng private part!" "Parang parehas din naman 'yon." "Baliw hindi! Hahawakan ko lang yung talong nila, then pagkatapos aalis na lang ako habang nakalabas 'yon at mga tumitirik na ang mata!" Tumingin ito sa kanya na parang gulat na gulat. Bahagya pang nanlaki ang mata nito. "Are you serious?" "Oo. Gusto mo ipaliwanag ko pa kung paano ko—" Nanlilisik ang mata niya habang ngumunguya. Ang bastos ng lalaki na 'to. Subuan ba naman siya ng maraming kanin. "B-b..akit..mo...a-ko, shdirjekwk?" Nagsalubong ang kilay nito. "Makasalanan ang susunod mong sasabihin, kaya kumain ka na lang." Nilunok niya ang kanin pagkatapos niyang nguyain. "Para malaman mo dahil sure akong curious ka sa sinasabi ko." "Sino ang may sabi na gusto kong malaman ang detalye ng ginagawa mo sa mga lalaki mong pinaglalaruan? No, thanks. Masyadong x-rated ang sasabihin mo." "Hindi naman masyado dahil binibigyan ko naman ng ibang pangalan yung private part a. Katulad ng ano...'yang nasa sayo, talong ang tawag ko, sa akin naman mani. Ano may x-rated pa ba sa sinabi ko?" Napahigpit ang hawak nito sa kutsara. Pumikit rin ito bago nagsalita ulit. "Althea!!" Nabitawan niya ang kutsara niyang hawak ng sumigaw ang daddy niya. Alam niyang boses iyon ng dad niya at hindi siya nag-iilusyon lang. Patay na naman siya. Hindi siya lumingon. Hinintay na lang niyang lumapit sa kanya ang dady niya, para ano pa ba? Ang pagalitan siya sa narinig nito. "Akala ko ay ginagawa mo lang laruan ang mga lalaki na ibig sabihin ay paiibigin at iiwan, pero ano 'tong narinig ko. Nakikipag-s*x ka sa kanila?!" "H-Hindi dad—" "Ano?!" Napangiwi siya sa lakas ng boses nito. "Mga ano lang 'yon dad, orgasm lqng ba." Ngumiti pa siya sa dad niya na namumula na sa galit. "I-Ikaw na bata ka!" Inamba nito ang tungkod, kaya tinakpan ng kamay niya ang kanyang ulo, baka kasi mabiyak sa galit ng dad niya. "S-Sorry dad. Hindi na mauulit." "Talagqng hindi na muulit dahil may bodyguard ka na! Bukas kahit wala kang papel na dala para mag-apply, ipipilit talaga kita sa anak ni Clemente para doon mag-trabaho ng tumino ka naman!" Hinawakan niya ang tungkod ng dad niya. "Dad, puwede bang sa iba na lang? Ayoko sa kumpanya ni Daniel!" "Mas mapapanatag ako pag doon ka nagtrabaho." Napanguso siya. Siya naman ang hindi mapapanatag ang loob kung doon siya magtatrabaho. "Dad sige na, sa iba na lang!" Umiling ito at inabot ang tenga niya para pingutin. "A-aray...aray ko, dad! Masakit!!" "Masasaktan ka talaga, Althea, dahil sa kakulitan mo!! Hindi naman ganyan ang ugali ng mommy mo. Saan mo ba namana ang ganyang ugali?!" "Sayo ata, dad?" Muli siyang napangiwi ng diniinan pa nito ang pagkaka-pingot sa tenga niya. "A-Ayoko na...dad. Oo na, magtitino na...ako " Binitawan na nito ang tenga niya. Sigurado siyang namumula na ito, sobrang sakit! "Tapos ng kumain si Pheonix, pero ikaw konti pa lang nqg bawas ng pagkain mo! Kumain kq ng kumain at magpahinga na pagkatapos!" Hinawakan niya ang kutsara. "Sige na dad matulog ka na. Tatapusin ko lang 'to, maaga tayo bukas 'di ba? Huwag kng magpuyat baka ma-late tayo." Pang-uuto niya sa kanyang daddy. Tumingon ang dad niya kay Pheonix. "Kasama ka nga pala namin bukas, at sa oras na meron ng trabaho si Althea, kasama ka rin kahit saan man siyang sulok magpunta sa kumpanya ni Daniel." Lihim siyang napangiti. Pabor sa kanya 'yon dahil mas panatag ang loob niya kung nasa paligid si Pheonix para hindi rin siya nito mahawakan. "Okay ho." "Babalik na ulit ako sa kwarto, at ikaw Althea bilisan mong kumain. Anong oras na? Inabot ka na ng matagal sa pagkain pa lang." "Yes dad. Goodnight." Nang muling umalis ang dad niya ay nakahinga siya ng maluwag. "Ano? Ang daldal mo kasi, kaya ka napapahamak dahil sa kagagawan mo." Paninisi sa kanya ni Pheonix. Inirapan na lang niya ito at kumain na ng sunod-sunod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD