14 - Part 1

1038 Words
Pheonix Lumingon siya kay Althea na panay nag buga ng hangin nanag makalabas sa opisina ni Daniel. Parang na suffocate ito sa loob sa paraan nito ng pagbuga at pagsagap ng hangin na mukhang hinihika. "Masyado bang toxic sa loob at hindi ka nakasagap ng magandang hangin doon?" Tumingin ito sa kanya at umirap. "Nakikita mo naman siguro kung paano ako tingnan ni Daniel?" Napansin nga niya kung paano titigan ni Daniel si Althea. Lahat may bahid ng malisya, kaya hindi rin niya masisisi si Althea kung bakit nag-iingat ito sa lalaking 'yon, pero ang nakakapagtaka lang ay may nakita siyang emosyon na kailangan niyang alamin kung bakit biglang nagpakita iyon habang hindi nakatingin si Althea kay Daniel. "Halika na, uwi na tayo. Balita ko mainit pa naman sa labas ng ganitong oras." Lumakad na ito at nanguna. Sumunod naman siya. "Paano tayo uuwi? Wala naman tayong sasakyan." Napahinto ito at lumingon sa kanya na nakakunot ang noo. "Ano ang silbi ng jeep, bus, at tricycle sa labas?" "Kaya mo bang makipagsiksikan sa mga tao? Rush hour ngayon dahil oras ng uwian. Sa akin okay lang, pero base kasi sa suot mo. Hindi ka magtatagal lalo na pagsiksikan sa loob." Napapikit ito at pumunta sa likod niya na pinagtaka naman niya kung bakit. Bahagya siyang nagulat nang tinulak siya nito para maglakad. "Pagnakababa na tayo saka na natin isipin 'yan. Baka lumabas pa si Daniel at mas lalong mag-init ang bunbunan ko." Sumakay sila ng elevator at huminto sa pinaka-baba. Pag labas pa lang nila ng building mainit na hangin na gad ang sumalubong sa kanila. "Totoo nga ang chismis. Mainit nga ngayong araw. Feeling ko pag bumilad lang ako ng tatlong minuto may sunburn na ako." Sinuri niya ang paligid. Walang masyadong naglalakad dahil kahit may payong ay parang tumatagos rin ang init ng araw. "Ano? Sasakay ba tayo ng bus o jeep?" "Taxi na lang kaya, para may aircon." "May pera ka ba? Mas mahal sa taxi kung doon tayo sasakay." Nagpapadyak ito na parang bata. Halata na rin sa mukha ni Althea na naiinis na sa sitwasyon nilang dalawa. "Dapat kasi ginamit mo yung kotse mo para doon tayo sasakay pauwi!" Tumaas ang dalawang kilay niya. "Malay ko bang iiwan tayo ni Don Vistre sa kumpanya ni Daniel." "Kasalanan talaga ng lalaki na 'yon kung bakit nangyayari 'to. May pa iwan-iwan pang nalalaman!" "'Di ba inalok ka niyang ihatid, dapat pumayag ka na lang." "Never!! Mas okay pang maging inihaw na tao ako sa ilalim ng araw kaysa makasama siya sa masikip na kotse!" Nagkibit-balikat siya at humalukipkip. Paano sila uuwi nito? "May pera ka bang dala diyan?" Dumukot siya sa bulsa niya. Meron siyang dalawang daan. "Ito lang ag pera ko, kasya na siguro ito sa pamasahe natin." "Hindi tayo magpapasahe. Kakain tayo kaya kita tinanong." Nagsalubong ang kilay. "Umuwi na lang tayo at doon kumain, pag kumain pa tayo mababawasan pa 'to, mas lallo tayong hindi makakauwi." "Nagugutom na ako e. Kaya halika na sa karinderya. Mas mura ang pagkain doon." Mukhang gutom na nga ito base sa paghawak sa tiyan. "Sige na nga." Ngumiti naman ito ng malaki at hinawakan ang kamay niya para hilahin papunta sa karinderya na sinasabi nito. Hindi niya nga lang alam kung alam ba ni Althea kung saan may kainan sa paligid ng building ni Daniel. Tumawid sila ng kalsada at pumasok sa malaking puwesto ng karinderya na maraming kumakain. Nakita niya na rin sa itaas kung magkano ang mga pagkain, kaya sure siyang kasya ang pera niyang dala, at mukhang marami silang mapagpipilian. Pumila muna sila ng ilang minuto bago nakarating sa mga ulam. "Pili ka na lang ng sayo. Kinabisado ko na ang presyo nung gusto kong kainin. Nasa one hundred peses siya lahat kasama kanin." "Ilan na ang ulam mo do'n?" "Isa lang." Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ang mahal ata kung isa lang?" Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Mas marami ang kanin kaya mahal. Doble kaya umabot ng one hundred pesos." "Kaya mo bang ubusin 'yon?" "Oo naman. Ganitong gutom na gutom ako, kayang-kaya ko 'yon." "Okay sige." Pumili na sila ng gusto nila. Ang sa kanya ay isang kanin lang at dalawang magkaibang putahe ng ulam. Nang okay na at hawak-hawak na nila ang tray kung saan nakapatong ang mangkok at plato na may laman. Ang kailangan na lang nilang gawin ngayon ay humanap ng lamesa na walang tao. Habang humahanap siya ay biglang nagsalita si Althea, "Ayun! Bilisan mong maglakad, Pheonix, baka maunahan pa tayo!!" Mabilis na naglakad si Althea. Nag-alala pa siya sa hawak nito na muntik ng tumapon dahil nadadagis nito ang ibang tao na pasalubong kay Althea. Nilapag niya ang tray at umupo. Magkaharap sila ngayon ni Althea. "Okay ka lang? Masakit ba yung pagkakabunggo sayo ng lalaki?" Umiling naman ito habang pinaghihiwalay ang kanin gamit ang kutsara. "Ayos lang, hindi naman masakit. Ang masakit ay yung hindi pa ako makakain." Sumubo ito na sobrang daming kanin at ulam sa kutsara. Kahit siya hindi niya maisip na kaya niyang isubo 'yon sa dami. "Mabulunan ka, mainam ng magdahan-dahan ka sa pagkain para iwas dala ng ospital." Sumunod naman ito at ginawang kalahati na lang ang nasa kutsara. Magana itong kumain habang patingin-tingin sa paligid habang ngumunguya. Minsan kukunot pa ang noo nito at magtataas ng kilay dahil sa mga naririnig na nag-uusap malapit sa kanila. "Hoy! Kumain ka, hindi sumagap ng chismis." "Kumakain namqn ako habang nakikinig sa chismis nung kabilang lamesa." "Chismosa ka pala?" "Minsan pag kailangan mag libang." Muli na naman itong tumingn sa kabilang lamesa. Napapansin din niya na napapatingin sa kanila yung isang babae na maputi na mukhang dalaga pa, dahil sa ayos nito. Napatingin siya sa mukha ng babae habang sumusubo ng pagkain. Nasamid siya nang kumindat at nagkagat labi ito sa kanya. "Oh dahan-dahan kasi. Ikaw pala 'tong mabibilaukan." Nagsalin ng tubjg sa baso si Althea at binigay agad sa kanya. Pagkatapos uminom ay bumaling ulit siya ng tingin sa babae na nakatingin na naman ng nang-aakit sa kanya. "Nagulat lang ako." "Saan?" "Doon sa babae, bigla ba namang kumindat at nagkagat ng labi." Kumunot ang noo ni Althea at mabilis na lumingon sa kabilang lamesa. "Alin yung maputing babae?" "Oo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD