Althea
"Ano ang dapat nating pag-usapan, Don Vistre?" Agad na tanong ni Daniel.
"Tungkol kay Althea. Balita ko ay humahanap ka ng bagong secretary mo. Naghahanap ng trabaho ang anak ko, at naisip kong dito na lang siya magtrabaho sayo."
Napakunot naman ang noo ni Daniel. Hindi siguro ito makapaniwala na maghahanap siya ng trabaho, e CEO ang daddy niya ng sariling kumpanya.
"Teka lang, Don Vistre. Nabingi ata ako sa sinabi mo. Ano nga ulit ang gusto ni Althea?"
Ay baliw! Hindi naman 'yon ang sinabi ng daddy niya. Imbento rin ang isang 'to, kaya hindi mapagkakatiwalaan.
"Alam kung magtataka at nagugulat ka sa sinabi ko, dahil bakit pa nga ba kailangan na maghanap ng trabaho ni Althea, e Ceo naman ng kumpanya ang kanyang daddy.
"Yes exactly."
"Ang totoo niyan ay ayaw niyang maging Ceo ng kumpanya ko, at dahil mahirap maghanap ng trabaho ngayon, kaya ikaw ang naisip ko na makakapagbigay ng trabaho sa kanya bilang secretary mo."
Tumingin naman sa kanya si Daniel. This time, walang kalibugan ang tingin nito sa kanya. Parang normal lang na tao.
"Gusto mo bang magtrabaho dito, Althea?" tanong ni Daniel.
Gusto niya sanang isigaw na ayaw niya, pero hindi niya ginawa.
"Alam mo kasi—"
"Yes she wants that."
Kita mo 'tong daddy niya, pilit siyang tinutulak para lang makapagtrabaho kay Daniel.
Pinagsalikop ni Daniel ang kamay nito. "Puwede ko naman siyang kuhanin. Hanggang ngayon naman ay wala pa naman akong nakikita na best sa paningin ko." Ngumiti ito sa kanya. "I mean, sakto sa pagiging secretary."
"I think okay na? Si Althea na ba ang magiging secretary mo?" Paniniguro ng kanyang daddy.
"Yes Don Vistre, pero may napansin lang ako. " Tumingin ito kay Pheonix. "Sino siya?"
Nilingon niya si Pheonix na sa kanya lang nakatingin. Napakunot pa ang noo niya dahil baka dinadaya siya ng mata niya, pero hindi. Straight lang ang tingin nito sa kanya.
"Sihya si Pheonix, ang bodyguard ni Althea," sagot ng daddy niya.
"Bodyguard? Bakit?"
"Masyadong ligalig sa buhay si Althea, kaya dapat lang na magkaroon siya ng bantay oras-oras."
"Paano 'yon, hanggang dito ay nasa loob siya pag sinimulan na ni Althea ang trabaho bilang secretary ko?"
"Yes, natural! Bodyguard nga."
Tumaas ang dalawang braso ni Daniel, na may itsura na sumusuko.
"Easy. Nagtanong lang ako, masyado kang galit."
Inirapan na lang niya ito at pinagdiskitahan ang kuko niya na hindi pa napapalitan ng nail polish na may kulay.
"So, it's final. Si Althea na ang secretary mo from this moment?"
"Yes, Don Vistre."
Napangiti naman ang dad niya. Parang ito pa ang natanggap sa trabaho kaysa sa kanya na hindi makikitaan ng kasiyahan sa mukha.
"Kailan nga pala siya mag-uumpisa?"
"Bukas na bukas rin ay puwede na siyang magsimulang magtrabho rito, Don Vistre."
"Good. " Tumingin ang daddy niya sa kanya. "Narinig mo 'yon? Bukas ka na magsisimula, kaya dapat prepared ka pag pumasok ka na bukas."
"Yes dad."
Tumayo na ito at nagpapa-alam na kay Daniel.
"Alis na kami iho. Hindi na rin kami magtatagal dahil may meeting ako pa maya-maya."
"Maaari bang maiwan si Althea rito? Ihahatid ko na lang siya mamaya sa bahay mo Don Vistre."
Tumingin naman ang daddy niya sa kanya. "Iiwan na kita dito."
"Hindi dad. Iiwan mo na kami dito. Kasama ko dapat si Pheonix."
"O siya sige, kung 'yon ang gusto mo." Lumingon ito kay Daniel. "Mauna na ako, Daniel."
Tumango naman ito. Lumakad na paalis ang daddy niya ,kaya naiwan siyang malapit kay Daniel habang si Pheonix ay nasa malayo.
"Anong pumasok sa kokote mo at pinaiwan mo pa ako dito?"
Ngumiti ito. "Walang pinagbago. Matapang ka pa rin, Althea."
"Ako meron napansin."
"Ano?"
"Anong klaseng gupit ng buhok ang pinagalaw mo sa salon? Hindi ata pantay sa kabilang side."
Basag ito ngayon. Huwag itong hihirit sa kanya dahil bibira rin siya ng mas malala pa sa ginawa nito ngayon.
Ilang beses itong napakurap at hinawakan ang buhok. "Ikaw talaga Althea. Palabiro ka pa rin.", parang hindi naman ito natutuwa, mukhang na offend ang tono ng boses nito.
"Hindi ako nagbibiro totoo talaga 'yon. Hindi talaga pantay ang pagkaka-gupit sa buhok mo sa magkabilang gilid."
Narinig niya ang munting pagtawa ni Pheonix, kaya naman si Daniel ay napatingin sa gawi nito.
"Excuse me?"
Tumayo naman ng diretso si Pheonix at biglang sumeryoso ang mukha.
"I'm sorry."
"Hindi porke't pinaiwan ka dito ni Althea ay may karapatan ka ng mag-react. Ilugar mo ang sarili mo dahil hindi ka namin ka-level."
"Sorry sir."
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito kay Pheonix. Pati ugali masama.
"Huwag mo ring pakialaman ang bodyguard ko kung hindi sa akin ka mananagot," seryoso niyang saad.
Ngumisi naman si Daniel. "Kailangan ko na bang matakot? Tandaan mo na humingi ng pabor ang daddy mo kaya ka nandito, kaya ako ako pa rin ang masusunod."
"Sa trabaho, pero hindi sa ibang bagay Daniel. Sa totoo lang, ayoko talagang magtrabaho sayo, pero dahil makulit ang daddy ko napilit niya akong dito na lang magtrabaho dahil kakilala ka naman namin."
"So, parang kasalanan ko pa ngayon na narito ka?"
Ngumiti siya ng malaki. "I don't know. Hindi mo naman narinig sa akin na sinabi ko 'yan sayo."
Pilit itong ngumiti pero may something na sa lalaking 'to.
"By the way, tungkol sa trabaho mo. Bukas ay mag-uumpisa ka na. Lahat ng utos ko ay kailangan mong sundin, pag sinabi kong lahat, lahat talaga at wala kang karapatan na magreklamo. Madali lang naman ang trabaho ng pagiging secretary."
Hindi ata alam ni Dnaiel kung paano maging isang secretary. Kung gaano kahirap ang ginagawa ng isang Ceo, mas doble sa trabahador nito dahil hindi naman gagalaw ang lahat kung walang mga langgam na gagalaw para kay Daniel.
"Ang demanding a," bulong niya.
"Bakit hindi ka na rin gumamit ng mic, kung gusto mong mas marinig ko ang sinabi mo?"
Peke naman siyang ngumiti kay Daniel. "'Yon lang ba ang sasabihin mo? Puwede na siguro kaming umalis."
"By the way. Ayokong makita ang bodyguard mo sa kumpanya ko pag pumasok ka na bukas."
Nagsalubong ang kilay niya at lumingon kay Pheonix. Tiningnan lang siya nito bago nag-iwas ng tingin.
"At bakit hindi puwede? Tahimik lang naman siya, at saka kaya nga tinawag na bodyguard, dapat hindi malalayo sa binabantayan."
"Magtatrabaho ka, at safe ka naman dito, kaya hindi mo na kailangan pa ng bodyguard."
"Sure ka na safe ako dito? I think no."
"Why?"
Nagtanong pa talaga. Bakit kaya hindi nito tanungin ang sarili kung bakit hindi safe sa kumpanya nito?
"Clumsy ako, at may mga bagay ako na nagagawa na hindi maganda. Mas mainam na nasa tabi ko siya para hindi ako mahirapan."
Tila nag-isip si Daniel. Kung hindi ito papayag, kahit palayasin at itakwil pa siya ng daddy niya ay okay lang,basta hindi maiwan na mag-isa kasama si Daniel.
"Ano? Bilisan mong mag-isip dahil aalis na kami," iritang saad niya.
"How about sa labas ng opisina?"
Napakunot nag noo niya. Tigas talaga ng ulo ng lalaki na 'to. Hindi ba ito marunong makiramdam na ayaw niyang makasama ito sa iisang kwarto.
Ngumiti siya. "No, ayoko."
"Masyado mo namang pinapahalagahan ang bodyguard mo?"
"Malamang! Dahil in the first place, ako ang una niyang pahahalagahan dahil siya ang bodyguard ko. Gets?"
Bahagyang naningkit ang mata niya dahil nahuli niya kung paano ngumisi si Daniel. Sa ngisi pa lang nito may binabalak na, at hindi niya hahayaan na mangyari 'yon.
Tumayo siya at humalukipkip. "Aalis na kami."
"Okay you win. Kahit dito sa opisina ay puwede na siya, but, doon diya puwedeng mamalagi sa isang kwarto na narito sa loob ng opisina ko."
Malaki ang opisina ni Daniel. Napansin niya na bale tatlo ang pinto sa loob. Sigurado siyang banyo nag isa, o ang isa naman ay pantry. Ginawang mini condo ang opisina.
Tumingin siya kay Pheonix. "Okay ba sayo 'yon?"
Ilang beses muna itong kumurap bago sumagot. "Yes."
Binalingan niya ulit ng tingin si Daniel. "Narinig mo siya, okay lang sa kanya, at ganun na rin sa akin, as long as na narito rin siya sa loob ng opisina mo."
Ngumiti ng malaki si Daniel na parang nanalo ng lotto draw.
"So, it's settled."
"Alis na kami."
"Hatid ko na kayo, sandali lang." Tatayo na sana ito nang magsalita siya.
"Huwag na, kaya naming umuwi na dalawa. Salamat na lang."
Lumakad siya palapit kay Pheonix, at sumenyas na lumabas na sila.
"Bago kayo lumabas, Charlotte. " Lumingon siya rito. "May dress code ang mga secretary. Skirt ang kailangan na isuot, and no stocking."
"What? Puwede pa ako sa skirt, pero ang walang stocking, pati 'yon kasali sa dress. code?"
"Yes."
Hanep talaga. Gumawa ng sariling dress code si Daniel. Ilan na kaya ang nabiktima nito na sekretarya nito noon. Sure ako marami na, at hindi siya mapapabilang sa mga 'yon. Itataga niya 'yon sa bato kahit magkanda-sira-sira na ang gulok.
Ngumuwi siya. "Noted."
"Good. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo, dahil may trabaho ka pa bukas."
Nag-make face siya. "Masusunod ho." Lumingon siya kay Pheonix. "Halika na."
Tumango naman ito at lumakad, at dahil ito ang mauunang makalabas ay napatingin siya muli kay Daniel na mahalay na naman na nakatingin sa likuran niya. Kahit balot siya ng damit sa katawan, wala talaga siyang ligtas.