12 - Face The Enemy

1549 Words
Althea Time Check 6:00 am... Inis siyang dumilat sa ingay ng pinto. Ilang beses ba dapat katukin ang pinto para lang lumubay ang tao na 'yon kung ayaw naman niyang buksan? Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Nang binuksan niya iyon ay bumungad sa kanya ang maid ng kanyang daddy. "Pasensya na ho ma'am. Pinapatawag na po kayo ni sir para sa breakfast. Kailangan niyo na raw pong lumabas at kumain dahil aalis kayo kaagad." "Okay sige. Susunod na ako." "Sige ho ma'am." Lumakad na ito paalis kaya sinarado niya ulit ang pinto. Hihikab na sana siya ng malaki, pero hindi na niya tinuloy dahil kay Pheonix na nakaupo sa isang gilid at nakatingin sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya. "Ang aga mo namang nagising?" "Kasama ako sa lakad niyo 'di ba?" "Oo nga pala." Naningkit ang mata niya at dahan-dahan na lumapit. "Kanina ka pa gising 'di ba? Base diyan sa ayos mo na kung makaupo ay parang meron kang lilitisin na suspect. Bakit hindi mo binuksan ang pinto nang kumakatok ng paulit-ulit yung katulong?!" "Dapat ba ako ang magbukas?" "Ay hindi! Dapat kusa siyang bubukas dahil may tao sa labas!" "Tsk. Para magising ka, kaya hindi ko binuksan. Alam kong babangon ka pag paulit-ulit ang ingay ng katok sa pinto." Ngumisi siya. "Effective, pero nakakainis ka!!" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Dapat bago ka humarap sa katulong ay nag-ayos ka muna. Tingnan mo ang sarili mo, wala na sa ayos 'yang bra mo. Nakikita ko na ang dalawang tuktok ng bundok." Nanlaki ang mata niya at tumingin sa boobs niya na nanggagalaiti nga ang n*****s niya, at bakat na bakat pa sa suot niya. Tinakpan niya iyon gamit ang dalawang braso niya. Inaalis kasi niya ang pagkaka-kawit ng bra niya tuwing gabi bago matulog. Minsan talaga napupunta sa ibabaw ng boobs niya ang kanyang bra. "Bastos!!" Unti-unti itong ngumisi. "Sino ang bastos sa ating dalawa? Ikaw kagabi o ako ngayon?" "Magkaiba 'yon, dahil hindi naman totoo yung kagabi!!" "Parehas din yun kung sakali na pumayag ako, pero sorry Althea. Kahit balat ng p*********i ko hindi mo mahahawakan." Pakipot pa ang isang 'to. Konting himas lang, bibigay rin 'tong tao na 'to. "Halika na sa labas. Ilang minuto na lang aalis na tayo." Nang nilagpasan siya nito ay sumunod na rin siya, pero inayos niya muna ang kanyang bra. Nadatnan nila na nagbabasa ng dyaryo ang daddy niya habang may pagkain na sa ibabaw ng lamesa. Umupo siya malapit sa kanyang daddy, si Pheonix naman ay sa kanyang tabi. "Bakit ba diyan ka umupo?" tanong niya. "Saan ba ako dapat umupo?" "Doon sa kabila katabi rin ng daddy." Tumingin ito sa kabilang side. "Walang plato sa tapat ng upuan, kaya ibig sabihin dito dapat ako umupo. Nakikita mo naman ang plato na dito nakalapag sa harap ko." Tiningnan niya rin ang kabilang side ng lamesa, wala ngang nakalagay na plato. Sino ba ang may gusto na katabi niya si Pheonix? Puwede namang sa kabilang side ito umupo habang magkaharap silang dalawa. "Let's eat." Binaba ng daddy niya ang dyaryo at sinimulan ng kumain. Hindi na sila nag-usap-usap pa habang kumakain, mukhang nagmamadali talaga ang kanyang daddy dahil sa paraan ng pagkain nito. "Magbihis ka na, Charlotte." Tiningnan niya ang daddy niya na hindi makapaniwala sa sinabi nito dahil hindi pa siya tapos kumain. "Dad hindi pa ako tapos kumain." "Dalhin mo 'yang hotdog na 'yan, at habang lumalakad ka papunta sa kwarto mo ay kainin mo. May lakad pa ako mamayang tanghali, kaya kailangan nating bilisan. Meeting 'yon, hindi ako puwedeng mawala." Sinilip niya ang plato ni Pheonix na wala na ring pagkain. Bakit ang bilis naman nilang isubo ang pagkain? "Bilisan mo na ang kilos!" "Yes dad." Tumayo siya at kinuha nga ang hotdog. Kinain niya 'yon habang papunta ng kwarto niya, at dahil hindi na siya makakaligo at naligo na rin naman siya kagabi magbibihis na lang siya. Binuksan niya ang cabinet niya at naghanap ng isusuot, dahil nga si Daniel ang kikitain nila ngayon. Isang jacket, jogging pants, rubber shoes, at hindi na rin siya mapapabango, kahit tali ng buhok hindi na rin. Kung puwede nga lang na buong katawan niya ang magdamit gagawin niya na, para hindi lang mahawakan ni Daniel. Nakabihis na rin pala si Pheonix kanina habang hinihintay siyang magising, kaya siya nalang ang hindi pa. Lumabas siya ng kwarto at hinahanap kung nasaan na ang kanyang daddy at si Pheonix. Nasa labas na pala sila kaya doon na rin siya pumunta, diretso sakay ng sasakyan sa likod katabi ni Phoenix. Ang daddy niya kasi ay nakaupo na sa passenger seat. "Bakit ganyan ang suot mo?" Nakakunot noong tanong ng kanyang daddy. "Mas okay 'to dad. Kilala naman natin kung sino ang kikitain ngayon, kaya kahit magdamit pa ako ng sako, okay lang." "Pero Charlotte naman! Nagdamit ka sana ng dress dahil secretary naman ang magiging trabaho mo." "Mas gusto ko 'to dad. Huwag ka ng komontra." Napailing ang dad biya. "Unang beses na nagsuot ka ng ganyan, kung kelan naman may kikitain tayo na tao na magbibigay sayo ng trabaho, saka bakit naisipan mo na ganyan ang suotin? Halos naka-short, dress, and skirt ka sa tuwing aalis ng bahay noon, at ngayon din ata simula ng bumukod ka." "Ito lang ang nakita ko sa cabinet ko dad." Palusot niya. Tumingin na sa harap ang dad niya at hindi na nagsalita pa. "Rowell, tara na." Ani ng dad niya sa driver. Nilingon niya si Pheonix na nakatitig sa kanya. Tinaasan naman niya ito ng kilay, pero biglang napakunot ang noo niya ng kinuha nito ang phone nito at nag-type. Binaling na lang niya ang tingin sa bintana ng kotse, nang biglang may kumalabit sa kanya sa braso. Tiningnan niya ito ng nagsasabi ng bakit. Hinarap naman nito ang screen ng phone nito. Binasa niya iyon at inis na binalingan ulit ng tingin si Pheonix. Siraulo talaga ang lalaki na 'to. Sabihan ba naman siyang mukha siyang tao sa ayos niya, mukha ba siyang hindi tao pag ibang damit ang suot niya. Napailing na lang siya at hindi na nag-react pa dahil nandiyan ang daddy niya, baka marinig pa kung paano sila mag-away ni Pheonix. Ilang sandali pa ay tumapat na ang kotse sa harap ng kumpanya ni Daniel. Ito na ang umpisa ng kalbaryo ng buhay niya, oras na pumasok na siya sa loob. Dapat may sampo siyang mata sa katawan para ma-monitor ang gagawin ni Daniel. Bumaba sila ng kotse at pumasok ng building. Nasa likod lang niya si Pheonix at ang daddy naman niya ay nasa unahan. Nang nakarating na sila sa floor kung nasaan ang opisina ni Daniel ay parang bumigat ang paa niya kaya naiwan na siya ng kanyang daddy. "Baka gusto mong bilisan." Huminto pala si Pheonix na malapit na siyang mabunggo dahil tumigil siya sandali. "Alam mo ba pag pumasok ako diyan ay parang sinalab ako sa apoy?" "Hindi." "Tsk. Patapusin mo muna ako!" "Okay." "Kaya ikaw dahil bodyguard kita. Bantayan mo ako oras-oras, dahil kahit nakikipaglaro ako sa lalaki. Hindi ko bet si Daniel. Gwapo siya, pero..."Napangiwi ang mukha niya. "Malibog siya!" "Ayaw mo ba no'n? Hindi ka na mahihirapan na akitin siya." Asar siyang humarap kay Pheonix na seryoso ang mukha ng sinabi pala 'yon. "Hindi ako cheap, para pumatol sa kanya kahit siya pa ang pinaka-mayaman sa buong mundo!" Tinitigan siya nito sa mata. "Mabubuhay ka sa kanya dahil mayaman siya, ang kaso..." Tumaas ang dalawang kilay nito. "Pagod ka ata araw-araw." "Kahit mamulot na lang ako ng pagkain huwag lang siya ang makatuluyan ko!" "Pumasok ka na kaya sa loob. Baka labasin ka ng tatay mo, kanina pa siya naroon sa loob ng opisina nung Daniel." Dinuro niya ang mukha nito. "Basta bantayan mo ang bawat galaw ni Daniel. Huwag mo siyang palalapitin ng sobrang lapit sa akin dahil baka i-rape ako no'n ng wala sa oras. Mahirap sumigaw sa opisina niya dahil ako ang magiging masama sa huli." "Ang advance mo talagang mag-isip. Sige na pumasok na tayo sa loob, at oo poprotektahan kita laban sa kanya." Hindi nya alam kung ano ang meron sa mga salita minsan ni Pheonix na nakakapagpakabog ng todo sa puso niya, pero kung ano man 'yon hindi niya alam kung ano ang gagawin pag nalaman na niya kung ano ang dahilan. Tumalikod siya kay Pheonix at naunang pumasok sa opisina na hindi man lang kumatok. Alam naman siguro ni Daniel na kasama siya ng daddy niya, kaya inaasahan na.siya nitong huling papasok sa loob. Napapikit siya nang makita ang mukha nito. Nakangisi na kasi sa kanya habang nakahawak sa labi habang pinapasadahan ng daliri. Sabi na hindi pa man may balak na itong masama. "It's nice seeing you again... Althea." Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o ngingiwi sa pagbati nito na may kasamang pang-aakit. Sa huli hindi na lang siya sumagot. "Maupo ka na Althea at sasabihin ko na kay Daniel kung bakit tayo narito sa kanyang kumpanya." Ani ng kanyang daddy. Umupo siya sa tabi ng table kaharap ang daddy niya. Si Pheonix naman ay tumayo lang malapit sa pinto habang nakatingin sa kanila. Hindi pa ito napapansin ni Daniel dahil kulang na lang pati mata nito nasa katawan na niya kung makatitig parang mawawala siya anumang oras sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD