11 - Blower

1506 Words
Althea Nagtagal ng isang oras ata bago siya lumabas ng banyo. Magpapatuyo pa siya ng buhok, kaya another time na naman bago siya matulog. Malaki ata ang eyebags niya bukas dahil kukulangin siya ng tulog panigurado dahil maaga silang aalis bukas. Napatingin siya sa gawi ni Pheonix na nakahiga at mukhang natutulog na sa ayos nito na nakatihaya kung mahiga. Grabe, kaya niyang matulog ng nakatihaya? Kung siya 'yon binabangungot na siya, kaya madalas nakatagilid siya kung mahiga dahil laging parang may kumukuha sa kanya. Alam naman niya na mas mainam na nakatiya kaysa nakatagilid, pero hindi niya kaya dahil mahihirapan naman siya, lalo pa't nag-iisa lang siya sa kanyang bahay. Umupo siya sa tapat ng salamin. Hinalungkat niya ang drawer para hanapin ang blower niya na matagal na ring hindi nagagamit simula ng umalis siya rito sa bahay ng kanyang ama. Nasaan naman ba 'yon? Dito ko lang 'yon nilagay noon, pero bakit wala. Lahat ng drawer sa vanity mirror niya ay binuksan niya at hinanap ang blower, pero hindi niya talaga makita. Sinubukan niyang tingnan sa cabinet niya na may drawer rin, pero wala. Bakit wala dito? Wala namang pumapake-alam sa gamit niya rito sa kwarto. Binalikan niya ulit ang mga drawer at naghalungkat ng naghalungkat hanggang sa may isang tao ang nagreklamo. "Ano pa bang hinahanap mo diyan? Puwede bang huwag kang maingay. Natutulog na yung tao, pero nag-iingay ka pa rin." Aba't, ang laki na ng atraso nito sa kanya tapos dadagdagan pa nito. Mataray siyang lumingon kay Pheonix. "Magpasak ka ng bulak para hindi mo marinig! FYI lang, kwarto ko 'to, kaya kahit gusto kong mag-party rito ay okay lang, pero ikaw, wala kang karapatan na magreklamo dahil nakikitulog ka lang dito!" Humikab ito ng ilang beses. Mukhang nakatulog na nga ito, pero wala siyang pake. Kailangan niyang mahanap ang blower niya para makahiga na siya at matulog na rin. "Ano bang hinahanap mo?" "Blower." "Matulog ka na lang ng basa ang buhok, tapos ang problema mo." Nilingon na naman niya muli si Pheonix. "Siraulo ka ba? E kung mabulag ako. Sino na lang ang magiging mata ko!!" Napailing naman ito at tumayo. Lumapit sa kanya at naki-silip din sa drawer. "Kung ako sayo, tumapat ka na lang sa electric fan para matuyo 'yang buhok mo." "May nakikita ka bang electric fan dito, 'di ba wala? So, anong gagamitin ko?" "Kumuha ka ng karton saka paypayan mo 'yang buhok mo. Ganun din naman 'yon, blower o pamaypay." Tumayo siya na muntik pang mabuwal dahil namanhid ang paa niya sa pagkakaupo sa hita niya. "Try mo kaya ng malaman mo kung gaano kahirap na ang gamit lang ay karton para mag-provide ng hangin. Balibhasa kasi maikli lang ang buhok mo!" Tumass ang dalawang kilay nito. "Gusto mo ba? Puwede ka namang magpaputol ng buhok, kung nahihirapan ka na sa mahaba." "E kung pudpudin ko 'yang buhok mo!!" Hindi matutuyo ang buhok niya, magkakaputi pa siya dahil sa lalaking 'to na mahilig mangialam at buwisitin ang maganda niyang mood. "Inaantok ka na ba?" tanong nito. "Hindi!!" "Tinatanong kita ng maayos. Bakit ganyan ang sagot mo?" Konting-konti na lang. Ihahambalos ko kay Pheonix 'tong mahawakan ko na pang-straight sa buhok. "Puwede bang lumayo-layo ka muna sa akin, at baka mabira kita ng walang sa oras." "Tsk. Tutulungan sana kita, ang kaso masyado kang buwisit sa akin, kaya huwag na lang." Bumalik ito sa higaan at umupo. Nakatingin pa rin ito sa kanya, inirapan na lang niya ito at lumapit na rin sa higaan niya at tinuyo na lang ng tuwalya ang buhok niya na basang-basa pa rin. "May tanong ako." "Ano?" Mahinahon na niyang tanong dahil kung sisigaw pa siya baka pasukin sila ng daddy niya rito sa loob. "Nagka-boyfriend ka na ba?" Dahan-dahan siyang tumingin kay Pheonix habang nakakunot ang noo. "Bakit mo naman natanong 'yan?" "Curious lang ako dahil sa ginagawa mo sa bar ay baka isa 'yon sa dahilan kung bakit nagkahiwalay kayong dalawa." Wow, advance niya mag-isip. "Wala akong naging boyfriend, kahit isa wala pa." Tumaas ang dalawang kilay nito habang hinihimas ang baba. "Talaga? Pero hindi ko naman masisisi kung meron kang manliligaw na bigla na lang hindi nagparamdam. Baka nalaman nilang isa ka palang clown." Inis niyang kinamot ang ulo niya. "May problema ka ba sa akin? Simula ng mapunta ka rito, wala ka ng ginawa kung hindi bwisitin ang araw ko!!" "Bakit kasi nabubuwisit ka? Puwede mong sagutin ng hindi ka naaasar. Masyado mong pinapairal 'yang emosyon mo, kaya ka..." Napakunot ang noo niya ng tumigil ito. "Ano?" "Kaya nawawala ang blower mo sa buhok." Binato niya ang hawak niyang tuwalya kay Pheonix. Tumingin siya sa aircon, tumayo, at kinuha ang bangko para tumapat doon. "Anong gagawin mo diyan?" "Magpapatuyo ng buhok." "May hangin bang malakas na umalabas sa aircon?" "Malamang meron." "Mag-ingat ka. Parang masisira ang bangko." Tumingin siya sa bangko na parang mabibisaklat, pero hindi naman siguro ito magtutuloy na masira dahil magaan lang siya. Pumikit na lang siya habang nakatapat ang ulo niya sa ilalim ng aircon. Mabilia siyang napadilat nang my narinig siyang nasirang plastik. Hindi na siya nakapag-react sa gulat kaya pabagsak na siya ngayon. "Tsk. Sa pag-iisip na meron ka, talagang mapapahamak ka, Atlhea." Nakapatong na siya ngayon sa katawan ni Pheonix. Sinalo siya nito bago siya malaglag, pero napahiga si Pheonix nang nasalo na siya nito. Tumingala siya kay Pheonix habang ang baba niya ay nakapatong sa dibdib nito. Mapapapusanggala talaga ang mukha nito na mukhang nililok sa kahoy. Tinaas niya ang kamay niya at hinawakan ang mukha nito, lahat, pati ilong at kilay nito pinasadahan ng hintuturo niya. "Tapos ka na? Tumayo ka na kaya diyan, gwapong-gwapo ka na naman sa akin." Bigla siyang tumayo at inayos ang damit niya. Sirang-sira yung bangkuan. Hinawakan niya ang buhok niya, medyo basa pa, pero okay na siguro 'to. Hindi naman siguro mababasang-basa ang unan niya. "Matutulog na ako." Tumayo si Pheonix, at pinagpagan ang likuran nito. "Hindi pa puwede." "Medyo tuyo na ang buhok ko, kaya puwede na." "Hindi pa nga puwede!" "Bakit hindi pa puwede? Buhok ko 'to at katawan, kung gusto kong matulog ng basa ang buhok ko, ako na ang may problema do'n!" Nagtataka itong tumingin sa kanya. "Sino ang maglilinis nitong nabasag na bangko, ako? Ikaw ang maglinis nito bago ka matulog, kasalanan mo naman kaya nasira." Napanganga siya. Umalis ito sa harap niya at humiga na sa kama nito. "Hindi ka man lang magiging gentleman kahit isang minuto lang?" Tiningnan nito ang bangko na nabasag. "Hindi pa ba pagiging gentleman na sinalo kita nang nahulog ka... sa akin?" Walang kakurap-kurap ang mga mata nila, pero bakit may ibang meaning yung, 'nahulog ka...sa akin? "Baka mahimatay ka naman kung hindi ka hihinga. Hindi na kita sasaluhin dahil matutulog na ako." Pumikit na ang mata nito, at inayos ang pagkakahiga. Basag ang pagpapantasya niya doon a. Napabuntong-hininga siya habang nilalapitan ang upuan na nasira. Tinitigan niya ang upuan na medyo buo pa. Sa sobrang katagalan na ng upuan na 'to puwede na talagang masira. Simula pagkabata narito na 'to, nang buhay pa ang kanyang mommy. Kinuha niya ang isang parte ng upuan at pinaglaruan iyon. Sa totoo lang namimiss na niya ang mommy niya kahit ilang taon na rin itong wala sa piling nilang dalawa ng kanyang daddy. Sana man lang kahit isa pang kapatid ay gumawa sila ng daddy niya, hindi ganitong napagdidiskitahan niyang gumawa ng milagro sa labas para lang malibang. "Hindi malilinis 'yan kung tititigan mo lang." Nagulat siya ng nasa tabi na niya si Pheonix habang pinupulot ang maliliit na parte ng upuan. "Lumilipad ata ang isip mo? May problema ba?" Tumingin ito sa kanya, at sobrang lapit ng mukha nito. Wala siyang problema, pero mukhang magkakaroon dahil sa lalaking 'to. Umiwas siya ng tingin at nakipulot na rin. "Wala." "Napansin ko kasi na parang may naisip ka habang nilalaro ang parte ng upuan. O trip mo lang kaya ganun?" "Gusto ko lang." "Mag-eemote ka lang gusto mo pang may nasira at tititigan 'yon? Nakaka-bilib ka naman." "Ikaw. Wala ka bang problema at pinepeste mo ako?" Natigilan rin ito, pero nagpatuloy sa ginagawa. "Wala rin naman, kaya ikaw ang pinepeste ko." "Galing." Ngumiti ito na kita ang ngipin, halos hindi na rin makita ang mata. Parang may ilaw pa sa likod ng ulo nito, kaya kumikinang ang taong 'to. Pinagpatuloy na lang niya ang pagliligpit hanggang sa maipon lahat at malagay sa medyo malaking sira ng upuan. Nilagay niya 'yon sa basurahan na nasa kanyang kwarto. Hinawakan niya ang buhok niya at mukhang natuyo na nga ng tuluyan yung sa gawing anit, pero sa laylayan medyo basa pa rin. Ayos na rin 'yon dahil hindi malapit sa anit niya pag nahiga na siya. Sumampa siya sa higaan. "Matutulog na ko Pheonix. Goodnight." Pumikit siya at nagkumot. "Goodnight." Habang nakapikit ay lihim siyang napangiti, pero nawala rin agad. Bawal kang kiligin Althea. Kaaway ang lalaking 'yon! Tumalikod na lang siya sa kabilang side para hindi makita sa pag dilat niya si Pheonix bukas ng umaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD