Prologue
Magiliw akong sumasayaw sa gitna ng dancefloor habang sinasabayan ang malanding musika sa bar na iyon. Kasabay din nito ay ang pag-alon ng paningin ko, pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Pumikit na lamang din ako at lalong umindak. Marami ang tao sa gitna kung kaya ay hindi maiwasan na magitgit ako. May ilang lalaki na gusto akong sayawan ngunit mabilis ko lang tinatalikuran.
Wala ako sa mood na makipagharot. Nandito ako sa bar para kahit papaano ay mawala sa isipan ko iyong sinabi ni Daddy kanina.
“You have to marry him, Miranda.”
Just for the sake of our company, kailangan niya akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala at never ko pang nakita.
Of course, nagalit ako. Oo at iba't-ibang klase na ng lalaki ang nakasama ko, pero bago naman ako mag-boyfriend ay kinikilala ko muna nang maigi. Ano pa kaya kapag gusto ko nang mag-asawa, right?
I will not settle for less, pero ano bang magagawa ko gayong mas masusunod si Daddy? Mas may kontrol siya sa buhay ko dahil higit sa lahat, siya ang rason kung bakit ako nandito sa States.
Kung bakit din mas maganda ang buhay ko kaysa sa kapatid kong naiwan sa Pilipinas. Sa madaling salita, utang na loob ko lahat kay Daddy ang mayroon ako ngayon. Kasi saan ba ako pupulutin kung nagmatigas ako?
Kung kaya ko lang bumalik ng Pilipinas, kung kaya ko lang tiisin ang masangsang na amoy at mainit na klima roon, kaya ko talagang magrebelde kay Daddy. But no, hindi pa naman ako tanga para gawin iyon.
Kaya rin siguro ako ini-spoil ng todo, kasi balang-araw ay may kapalit lahat ng ibinibigay nila sa akin. Hindi ko naman inakala na ganito pala iyon. The fvck.
Madali akong nagmulat nang may bumangga sa akin. Nang makitang lalaki iyon na gusto akong landiin ay nilayasan ko siya. Lumabas ako sa kumpol ng mga tao sa dancefloor at minabuting bumalik sa kaninang pwesto ko mula sa bar counter.
Hindi ko na alam kung pang-ilang baso ko na ito ng vodka. Honestly, hindi ako mabilis na malasing, kaya kapag ganitong nahihilo na ako ay alam kong nakarami na ako ng inom, pero ayoko pa ring tumigil.
Gusto kong malasing, para saglit kong makalimutan iyong sinabi ni Daddy. Kung malalaman niya rin sigurong balak kong ibigay ang puri ko ngayong gabi, mas lalo iyong magagalit sa akin.
Pero hindi bale, bukas ko na lang iyon haharapin. Kailangan hindi matuloy ang sinasabi niyang pagpapakasal ko sa lalaking hindi ko kilala. At iyon lang din ang alam kong paraan para matigil ang kasal.
Kasi sino bang maghahangad ng babaeng pariwara bilang magiging asawa niya? Wala naman 'di ba? Kaya kung hindi si Daddy ang titigil, malamang na uurong iyong lalaki. That's good, aight? Napangisi ako.
Hindi naglaon ay nalusaw ang ngisi ko. Hindi ko lang talaga magawa ang plano ko, parang hindi ko kaya na basta ko na lang ibibigay ang virginity ko sa mga lalaking nandito sa bar. Alam ko na mukha nga akong pariwara, totoo na nakailang boyfriend na ako, pero ni isa sa kanila ay wala pang nakakuha sa akin.
I may be liberated, pero syempre, mahal ko pa rin ang sarili ko. May limitasyon pa rin ang lahat ng ginagawa ko. Nangangarap pa rin ako na isang araw, ikakasal ako sa lalaking gusto at mahal na mahal ko.
Hindi sa kung sino lang. Hindi sa kahit kanino. Kaya hindi ko matanggap.
Suminghot ako. Nagbabadya ang luha sa mga mata ko ngunit ayokong umiyak. Huwag dito sa bar na maraming nakakakita. Kaya agaran akong tumayo, gusto ko nang umuwi. Natigilan nga lang ako nang may biglang humarang sa harapan ko.
"Hey, sweetheart, wanna dance with me?" anang isang lalaki habang ngiting-ngiti siya sa akin, parang kilala ko ito.
Isa yata sa kaibigan ng naging recent ex-boyfriend ko. Alam kasi niyang break na kami, kaya ito siya at nagpapapansin.
"No," maagap kong sagot, literal na wala ako sa mood ngayon.
Nilampasan ko ito ngunit mabilis niyang hinaklit ang braso ko. Kaagad na nanuot ang hapdi sa balat ko nang maramdaman ang higpit ng pagkakahawak niya.
"C'mon, Miranda. I just want to make you happy cause you look sad. Let's just dance, so you can forget about your stupid ex."
Tanga.
Kahit kailan ay hindi ko iniyakan ang mga naging ex ko. Sila pa nga itong umiyak at nagmakaawa na huwag ko silang iwan, kahit pa sabihin na seryoso rin naman ako kapag nakikipagrelasyon ako.
Ngunit hindi lang ganoon kaseryoso to the point na iiyakan ko sila. Siguro nasa punto pa lang ako ng buhay ko na nag-e-explore ako. Kaya nga wala pa sa isipan ko na makipag-settle, like hello? I'm only twenty.
Malakas akong bumuga sa hangin.
"I said no, asshóle." Matindi ko siyang inirapan at pilit akong kumakawala sa kaniya. "Just leave me alone!"
"Let's dance," aniya na parang walang naririnig, kinaladkad pa ako nito.
"Fvck!" sigaw ko.
Sa paulit-ulit kong paggalaw para lang makawala sa kaniya ay lalo lang umiikot ang paningin ko. Hindi ko na masundan pa iyong nangyari. Namalayan ko na lang na hindi na ako hawak no'ng lalaki.
Nakita ko na lang din siyang nakahandusay sa sahig ng bar habang hawak-hawak nito ang kaniyang panga. Nakatingala siya sa lalaking sumapak sa kaniya.
"Brantley," buntong hininga ko sa kawalan na imbes mag-alala roon sa lalaki ay hindi ko na nagawa, lumapit ako sa kaniya. "Where have you been? Kanina pa kita hinihintay."
"Let's go, Solace," matigas niyang sambit, galit ang bumabakas sa kaniyang mukha.
Kinuha nito ang kamay ko at inalalayan na makalabas ng bar. Nasa entrada lang din ang kotse niya kung kaya ay mabilis niya akong ipinasok sa passenger's seat. Siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. Galit pa niyang inayos ang palda kong umaangat sa hita ko.
"Umayos ka, Solace!" giit ni Brantley.
"Bakit ka galit?" Hindi siya sumagot, bagkus ay umikot ito sa kabilang side at pumasok sa driver's seat. "Tumanggi naman ako roon sa lalaki, ah? Nakita mo nga na pinipilit niya ako 'di ba? Why are you so angry?"
"Kung hindi pa ako dumating, baka napaano ka na sa lalaking 'yon. Bakit ba kasi sa lahat ng pupuntahan mo, roon pa sa bar? Bakit hindi ka na lang mapirmi sa bahay niyo?" sunud-sunod niyang palatak.
Brantley Anderson. He's thirty and guess what? He's my Uncle. Pinsan siya ng Daddy kong afam, malayong pinsan kung hindi ako nagkakamali, close lang talaga sila. Half-filipino si Brantley, since ang father niya ay Pilipino. Kaya he's fluent din sa tagalog.
Sa Pilipinas siya lumaki, nanirahan lang din dito sa States bilang kasa-kasama ni Daddy sa business nila. And he's also my babysitter— kidding aside. Siya ang nagsilbing guardian ko kapag wala si Daddy.
Mas close din kami kumpara kay Daddy, o sa kahit na sinong kamag-anak namin. He knows how to handle me. Parang Kuya, or something kaibigan ang turing ko sa kaniya. Kaya rin bibihira ko siya tawaging Tito. Minsan lang kapag nasa harap ni Daddy.
"That's why I called you to pick me up, Brantley. Oh, my God. Aawayin mo talaga ako?" sita ko rito at sinamaan siya ng tingin.
Tumitig siya sa akin. Matagal bago siya nagpakumbaba at nag-iwas ng tingin.
"Next time na magpapasundo ka, make sure na maaga ka magsabi. Iniwan ko pa si Sonia sa hotel para lang puntahan ka."
Simple niya akong inirapan, kapagkuwan ay pinausad na ang kaniyang kotse. Mula sa narinig ay nagtaas ako ng kilay.
"Sonia? Who's that? Bago mo?"
"Wala ka na ro'n."
Mahina akong natawa. Well, sa kaniya ko yata namana itong pagiging malandi. Wala pa siyang asawa. Sa edad niya ay parang ayaw din niyang mag-settle muna. Kaya tamang tikim-tikim muna siya.
"Sonia, huh?" bulung-bulong ko.
Pasalit-salit ang tingin ni Brantley sa kalsada at sa akin. Hindi siguro niya mawari kung bakit nag-iba ang mood ko. Tumahimik na lang din ako at saglit na pumikit. Hindi ko na napansin ang naging biyahe namin.
Sa bahay ni Daddy niya ako hinatid. Inalalayan niya rin ako hanggang sa kwarto ko kahit pa may ilang katulong naman na nakaabang kanina. Kilala naman siya rito. Siya ang mas pinagkakatiwalaan ni Daddy at sa kaniya ako hinabilin.
"Matulog ka na," ani Brantley nang maihiga niya ako sa malaki kong kama.
Tiningala ko ito nang makitang pagayak na siya. Tanging lampshade lang sa bedside table ang naging liwanag namin ngunit kitang-kita ko ang panunuri niya sa katawan ko.
"Brantley..." mahinang sambit ko, pero sapat na upang marinig niya.
"What?"
"My heels." Ngumuso ako, kaagad niyang naintindihan ang sinabi ko.
Bumaba ang atensyon niya sa stiletto ko. Marahas siyang bumuntong hininga bago naupo sa gilid ng kama.
Aww, that's my Uncle.
Humagikhik ako habang pinapanood siya. He really knows me, period.
Kung may isang lalaki sa buhay ko na hindi ko kayang malayo, siya iyon. Kung sakali siguro na mag-aasawa na siya, isa ako sa tututol. Kahit nga ngayon, I don't like the idea na may mga dine-date siyang babae.
Kaya sakto lang din siguro na tinawagan ko siya kanina at hindi sila natuloy no'ng Sonia.
"Babalik ka ba ro'n sa hotel?" tanong ko.
"Wala na akong aabutan doon. Malamang na umuwi na rin iyon si Sonia at nagalit na 'yun." Sinipat niya ako ng tingin habang nasa kandungan niya ang mga hita ko.
Ngumiti ako. "That's good, Brantley."