What's good in there?
Syempre para makaligtas pa iyong Sonia kay Brantley, para maiwasang mabuntis siya. And vice versa. What if mapikot si Brantley? Of course, obligado siyang panagutan ang babaeng iyon kahit ayaw niya.
Kaya okay na iyon. Siguro nga ay sinusumpa na rin ako ni Brantley dahil sa tuwing may ka-date siya ay sumasaktong kailangan ko ng tulong niya. Pero hanggang ngayon, wala rin naman akong naririnig na panunumbat sa kaniya bukod sa mga gano'ng reklamo nito.
Marahil din ay ganoon ako kahalaga sa kaniya. Just imagine, nasa kalagitnaan sila ng something steamy session ng sino mang babae niya, pero isang tawag ko lang ay nariyan na siya kaagad.
Kung sabagay, kung inihabilin ako ni Daddy sa kaniya at pinagbantaan ang buhay niya na kung ano man ang mangyari sa akin ay malalagot siya. Kaya baka nga rin dahil doon at importante ako kay Brantley.
Napanguso ako sa mga iniisip ko. Sa bigat ng nararamdaman ko at tunay na inaantok ako ay dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata. Hinintay muna akong makatulog ni Brantley bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.
Kinabukasan nang magising ako. Napansin kong napalitan na ang damit ko. Kapag ganitong wala ako sa sarili at madalas na umuuwing lasing, may nakatokang katulong na mag-aayos sa akin.
Pasado alas dies na ng umaga rito sa States, pero ganitong oras ay abala na si Daddy sa company niya kung kaya ay hindi ko na rin siya naabutan pa. Sa kusina ay naabutan kong pinaghahanda ako ng mga katulong.
Bawat kakailanganin ko ay inilalatag na nila sa lamesa, kahit iyong laptop at journal ko ay naroon na rin. Sa sobrang pagsisilbi nila, kulang na lang ay buhatin nila ako para lang makaupo sa palagi kong pwesto.
"Where's my—"
"Here, Madame." Nagmamadaling inilapag ng katulong ang favorite pen ko.
Yumuko ito sa akin bilang respeto at saka siya lumabas ng dining area. May dalawa pang katulong na naiwan kasama ko, nakatayo lang sila sa gilid, just in case na may iuutos ako ay nariyan sila.
Buhay prinsesa. Kaya sino bang hihindi at tatanggi sa ganitong buhay?
Hindi ko maisip na babalik ako ng Pilipinas dahil lang sa inayawan ko ang offer ni Daddy. Ibig sabihin lang din ng pagtanggi ko sa kaniya ay kaya kong mabuhay ng walang cards, luxury, kahit itong mga katulong ay mawawala rin sa akin.
Wala sa isipan ko ang bumalik sa dati naming bahay. Though, nami-miss ko rin naman si Mama, pero sapat na sa akin ang video call para makausap at makita siya. Si Madison na nakatatandang kapatid ko, hindi naman iyon nakikibalita sa akin at hindi rin kami ganoong close.
Ten pa lamang ako noong huling kita namin. Wala rin kaming naging matinding bond para masabi kong we're sister bukod sa dugo ni Daddy. Since hindi niya ako maka-vibe, palagi siyang lumalayo sa akin. Naiingayan siya at naririndi sa akin.
Kung ako kasi iyong tipo ng taong loud, outgoing at makapal ang mukha, siya iyong shy type. Kaya hindi rin hamak na mas napapaburan ako nina Mama at Daddy noon. Napalaki akong spoiled brat.
Kaya rin marahil na ako itong isinasalang nila sa fixed marriage na iyan. Akala nila ay kaya ko, na kaya kong makipagplastikan sa lalaking kailan man ay hindi ko pa nakita. Ang hirap din palang maging bida-bida.
Bakit kasi hindi na lang si Madison ang magpakasal? I have my own business here, hindi ganoon kalaki at simpleng beauty salon lang iyon, pero at least ay kumikita.
What about Madison?
Sabi ni Mama ay taong-bahay lang iyon, dakilang tambay daw at isang buwan nang nag-resign sa trabaho niya. Ewan ko kung anong nangyari ro'n. Naubos na siguro ang social battery niya.
Sa aming dalawa, masasabi kong siya iyong maituturing na wife material. Marunong magluto, maglaba at maghugas ng pinggan, magaling sa lahat ng household chores. Mas matutuwa pa siguro iyong lalaki sa kaniya.
Ako? I rarely touch dishwashing liquid dahil hindi naman ako naghuhugas ng plato. I can't cook, not even boil an egg. Kaya baka imbes na iyong pakakasalan ko ang pagsisilbihan ko as his wife, mas ako pa ang pagsilbihan niya.
Mauuwi rin kami sa divorce. Kaya better na huwag na lang ituloy. Masasayang lang ang effort at expectation ni Daddy.
Bumuntong hininga ako. Matapos kong mag-agahan ay nagpunta ako sa gym room para saglit na mag-exercise. Nang mapagod ay naupo ako para saglit na magpahinga.
Nagmamadali namang tumalima ang isang katulong upang ilatag sa maliit na table ang isang basong juice kasama ng mineral water. Ibinigay niya rin sa akin ang maliit na bimpo bilang pamunas ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Brantley. Wala kasi itong update ngayong araw, gayong alam naman niya na ngayon namin kikitain iyong lalaking sinasabi ni Daddy na pakakasalan ko.
Gusto kong isama si Brantley as my companion. Kasi kahit na naroon si Daddy, wala pa rin akong kakampi. Mas malakas din ang loob ko sa kaalamang nasa tabi ko si Brantley. So he better not forget it.
"Brantley!" hiyaw ko nang sagutin niya ang video call ko. "Ang tagal mong sumagot. What are you up to? May lakad ka?"
Nangunot ang noo ko nang mapansing nakabihis siya. Maayos din siyang tingnan at kahit dito sa video ay kitang-kita ko ang bagong tabas niyang bigote.
"Oo, hindi mo alam?" balik tanong niya.
"Hindi ba't sinabi kong may lakad tayo? Na sasamahan mo ako ro'n makipag-meet sa Montreal na 'yon?" Sinimangutan ko ito.
"That's right, Solace. Kaya nga ako nakabihis para roon. At ikaw? Ano pa bang ginagawa mo at hindi ka pa naliligo?"
Saglit akong tumawa. Madali lang talaga magbago ang mood ko kay Brantley, lalo kapag gina-grant niya iyong mga gusto ko. That's why I prefer him instead of Daddy.
"All right. See you later." Kumaway pa ako rito, ganoon din siya.
Ayoko pang ibaba kaya saglit kaming nagkatitigan. Hindi naglaon ay kumaripas din ako ng takbo papasok ng kwarto. Nakahanda na rin pala sa kama ko iyong gagamitin kong dress mamaya.
Deretso akong pumasok sa CR at matagal na naligo. Hindi ko namalayan ang oras. Pagtapos ko ay nasa loob na iyong isang katulong. May suot na akong bra at panty. Tinulungan lang niya akong isuot iyong dress, since nasa likod ang zipper nito.
Tumalikod din siya nang matapos. Naupo naman ako sa harap ng vanity mirror upang ayusin ang sarili. Dahil tanghaling tapat ay light make up lang ang ginawa ko. Nag-blow dry din ako para maitali ko ang aking buhok.
Nang tingin ko ay okay na, kinuha ko iyong clutch bag ko at bumaba na rin sa sala. Naroon na si Brantley nakaupo sa single sofa. Nang makita niya akong pababa sa hagdan ay maagap siyang lumapit sa dulo ng baitang.
Itinaas nito ang isang kamay na kaagad ko ring tinanggap. Inalalayan niya ako pababa. Tiningala ko siya upang mangitian ito.
"Thank you, Uncle..." halos pabulong ko na lang ding sinabi iyon dahil may ilang katulong ang makamasid sa amin.
Mahinang natawa si Brantley. "You look gorgeous, Solace. Kung hindi ko lang talaga alam kung saan ang lakad mo ngayon, aakalain kong makikipag-date ka at pinaghandaan mo ang araw na ito."
Ngumisi ako. "Kaya nga sinama na kita, para wala ka nang masabi."
Inalalayan ako ni Brantley hanggang makalabas ng bahay at makapasok sa passenger's seat ng kotse niya. Mabilis din siyang umandar paalis. Sa loob ay marami na kaming napagkwentuhan na pareho naming hindi napansin ang biyahe.
Itinigil niya ang kotse sa tapat ng isang restaurant. May nagbukas sa aming lalaking valet. Ibinigay naman ni Brantley ang susi rito. Mula pa sa glass window ng restaurant ay kita ko ang loob, kitang-kita ko rin si Daddy na may mga kausap.
Umahon ang kaba sa dibdib ko, ni hindi ko maigalaw ang dalawang paa ko para magpatuloy sa paglalakad. Ngunit hinawakan ni Brantley ang kamay ko.
"Let's go, Solace. I'll take care of it," masuyo niyang pahayag at ngumiti sa akin.
Alanganin akong tumango bago sinundan ang mga yapak niya. Iginiya niya ako papasok ng restaurant. Kaagad kaming natanaw ni Daddy at itinaas nito ang kamay sa ere para kunin ang atensyon namin.
Nanginginig ang mga kamay ko ngunit nagawa kong kumalas kay Brantley. Nauna akong maglakad ngunit mas mabilis niyang hinila ang isang upuan na para sa akin.
"Good afternoon everyone at the table. I hope we're not late," agarang pahayag ni Brantley.
"Not really, Brantley."
Tumayo si Daddy, ganoon din ang nasa gilid nitong dalawang lalaki, isang kaedad ni Daddy at isang mas bata kay Brantley.
Si Daddy ang nasa kabisera, kami naman ay pumwesto sa tapat ng dalawang lalaki. Naglahad ng kamay ang matandang lalaki.
"Good afternoon, young lady. If I'm not mistaken, you are Miranda, Elio David's daughter?" natutuwang sambit nito.
"Obviously," mahinang sagot ko, pero dahil katabi ko si Brantley ay narinig niya iyon.
Pasimple niya akong siniko.
Tinanggap ko na lang din ang pakikipagkamay sa matandang lalaki.
"My name is Lucien Montreal. I'm Filipino, so let's just talk casual and no need to be formal. And this is my son, Azaleo Ryker."
Itinuro niya ang lalaking katabi. Tiningnan ko ito. Halos manlamig naman ako sa mga mata niyang walang expression. Parang katulad ko rin na napipilitan lang dahil sa desisyon ng mga magulang.
"Hi, Ryker! My name is Miranda Solace David." Ako na ang naunang nagbaba ng kamay, para kunwari ay gusto ko itong nangyayari. "Nice meeting you."
Sinipat niya ng tingin ang kamay ko. Matagal siyang tumitig doon. Kung hindi lang din siya nilingon ng ama niya ay hindi nito kukunin ang kamay ko. Nagkamayan kami.
"Just call me Azaleo."