Chapter 2

1076 Words
"Ryker!" malakas kong pagtawag. Humalakhak ako nang makita ang agarang pagngiwi ng kaniyang mukha. He's nonchalant, pero kapag tinatawag ko siyang gano'n ay doon lang siya nagre-react. Kaya minsan kapag gusto ko siyang asarin, iyon lang ang panlaban ko. Hindi ko rin alam kung anong mayroon sa second name niyang iyon. Kung tunay bang may dalang trauma iyon at gusto niyang kalimutan, o sadyang nakakahiya lang para sa kaniya. Pero sa akin, it's kinda cool kaya. Ryker is a gender-neutral name meaning rich and powerful. Just like him. He's too dominant and untouchable. Iyong tipo na wala talaga siyang pakialam sa kahit na anong gawin ko at mismo sa akin. Hindi ko nga alam kung pabor ba siya sa akin, since iyon naman talaga ang gusto ko. Walang pakialamanan. Isang taon na halos magmula noong ipakilala siya sa akin ni Daddy bilang mapapangasawa ko. Lahat nagagawa ko na walang nagbabawal at ganoon din siya, ayaw na ayaw niyang gumigitna ako. Gets ko na ayaw niyang nagtatanong ako about personal life niya, pero maski simpleng tanong, iritable pa siya. Well, nakuha ko naman na ang ugali niya. It's just that, ang sarap lang din talaga niyang asarin. At syempre, bilang pagpapanggap na rin namin kay Daddy ay kailangan namin maging komportable at sweet sa isa't-isa. Nagkaroon na kami ng kasunduan. We have plan A, which is patatagalin ang kasal. Hanggat kaya naming i-delay ang kasal na hindi napapansin ni Daddy ay ginagawa namin kaya umabot din ng isang taon. Plan B, after naming magpakasal at mapagtagumpayan man ni Daddy at pamilya niya kung ano ba ang dahilan ng pagpapakasal namin, magpa-file kami ng divorce. Palalabasin na lang na hindi talaga namin mahal ang isa't-isa, which is true. Kagaya ko rin kasi si Azaleo, ayaw pa niyang magpakasal sa edad niyang twenty six. O mas magandang sabihin na ayaw niya sa akin. Huh! Ayoko rin sa kaniya, 'no. Hindi ko siya type. He's too boring kaya, walang thrill. Maang ko siyang tinitigan habang nangingisi. Hindi na siya umimik pa, walang beso-beso o yakap-yakap dahil wala namang nakatingin. Dumeretso ito sa office ni Daddy mula rito sa bahay namin. Mukhang may mini meeting na namang magaganap. Sumunod na pumasok si Brantley sa pinto. Madali akong umahon sa pagkakaupo ko at patakbong nilapitan siya. "Brantley!" masaya kong tili at saka pa lumundag sa kaniya upang yakapin siya. "Bakit ngayon ka lang nagpakita, huh? Isang linggo mo akong tinaguan?" Natawa ito sa tinuran ko, kapagkuwan ay itinulak ang mukha ko gamit ang kaniyang palad. Napabitaw ako sa kaniya. "I told you, we have a business trip. Kasama ko naman si Azaleo. Bakit? Na-miss mo ako?" pang-aasar niya, ngiting-ngiti pa ito. Obviously. Inirapan ko siya. "Hindi. Bored lang ako. Wala akong makasamang gumala." Although I have friends naman, pero hindi ko sila gustong kasama. I don't know. Mas prefer ko si Brantley, kahit pa minsan ay sobrang OA niya at strict. Iba lang iyong saya na nararamdaman ko kapag nariyan siya. "Si Azaleo, hindi mo na-miss?" untag niya, ang tinig pa ay akala mong naninimbang. Napanguso ako. Akala niya ay gusto ko si Azaleo, of course, iyon ang ipinapakita ko. Hindi ko masabi-sabi kay Brantley ang naging plano namin ni Azaleo. Kasi baka bigla siyang kumanta kay Daddy. Close kami ni Brantley, but I know na pagdating sa aming dalawa ni Daddy, na kay Daddy ang simpatya niya. Nagre-report pa nga rin iyan kay Daddy. Kaya kahit kating-kati ako na ikwento sa kaniya ay malaki ang pagpipigil ko sa bunganga ko. "Yup. Miss na miss. Hindi na nga ako makapaghintay na matapos sila ni Daddy, I can't wait to hug him tight." Napanood ko ang pag-impis ng labi ni Brantley. Nagtaas din siya ng kilay ngunit wala naman itong naging imik, bagkus ay tumango-tango lang din siya. Ilang sandali nang sumunod din siya sa loob ng office ni Daddy. Pumanhik na lamang ako sa terrace ng second floor. Malamig ang simoy ng hangin dahil papasikat pa lamang ang araw. Maaga ako nagising ngayon dahil ini-expect ko ang pagdating nila sa bahay. Naupo ako sa isang single couch, ipinagkrus ang dalawang binti at saka tinanaw ang kalangitan. Hindi nagtagal nang masundan ako ng isang katulong, dala nito ang isang tray na may lamang cup of coffee. Marahan niya iyong inilapag sa center table at kaagad din akong nilayasan. Muli akong tumanaw sa malayo. Iniisip ko lang kung ano ang mga posibleng pinag-uusapan nina Daddy, Brantley at Azaleo. I know na tungkol ito sa aming dalawa ni Azaleo, sa kasal namin, pero kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ako mapakali. What if gusto ni Daddy na sa Pilipinas kami magpakasal? And what if madaliin ang kasal namin? Nakakutob na ba si Daddy? Oh, God! Nasapo ko ang aking noo. Hindi ko magawang sumimsim ng kape dahil ngayon pa lang ay ninenerbyos na ako. Kitang-kita ko ang panginginig ng binti ko. Malakas akong bumuntong hininga. Natigil lang ako sa malalim kong pag-iisip nang makarinig ng mga yabag galing sa likod. Nakita ko ang pagpasok ni Brantley at Azaleo. Wala si Daddy, naiwan yata sa office niya. Pareho silang nakasuot pa ng tuxedo. Wala na sa ayos iyong necktie ni Brantley. Si Azaleo ay nakabukas na pati ang unang butones ng kaniyang polo. Halata ring may jetlag pa sila at wala pang tulog. Dumeretso lang talaga sila rito sa bahay dahil sa utos ni Daddy. Tumayo ako para harapin sila. "Anong sinabi ni Daddy? Good news? Or bad news?" Binalingan ko si Azaleo upang kumuha ng sagot sa kaniya. Ngunit makapal lang ang mukha niyang umupo sa single couch na nasa gilid ko. Si Brantley naman ay naupo na rin sa tapat naming dalawa. "Ano? Hindi kayo magsasalita?" palatak ko, nilingon ko na si Brantley at dinungaw siya. "What's with the face?" "Calm down, Miranda. Maupo ka muna," anang Brantley sa mababang boses. Sinamaan ko siya ng tingin. Bandang huli ay padabog din akong naupo. Humalukipkip ako at pasalit-salit silang sinisipat ng tingin. Si Azaleo ay animo'y nabuburyo sa buhay. Nakasiksik ito sa kaniyang inuupuan. Isang beses siyang humikab. Mayamaya ay dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata. Maanghang ko siyang tinitigan. Hindi ko naman maiwasan na hindi maawa. Imbes din na guluhin pa siya ay kay Brantley ko na itinuon ang atensyon "What now, Brantley?" Seryoso siyang tumitig sa akin. "You're getting married..." "I know." "Only four months to count." The fvck? "Four months?!" ulit ko pa sa sinabi ni Brantley dahil para akong nabingi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD