ILANG katok ang nagpalingon sa akin. "Son.." "Yes, mom?" Lumapit ito sa akin. Hinawakan ang kamay ko. "Patawad, anak kung ipinagkasundo ka namin kay Sofie. Pero ngayon bibigyan kita ng pagkakataong pumili." Biglang kumunot ang noo ko. "What do you mean, mom?" Huwag sabihing napakiusapan ang mga ito ni Sofia? Bumuntong-hininga ito. "Nakiusap si Sofie na kayo na lang daw ipagkasundo ni Sofia. Dahil mahal ka ni Sofia at malapit kayong dalawa--" "Mom!" Biglang pagpuputol ko sa sasabihin nito. Lihim ding sumama ang loob ko kay Sofie! Ilang beses na ako nitong nasaktan simula ng tanggihan ako nito. Pati ba naman ngayon, ito pa rin ang mababalitaan ko sa mommy ko? Ramdam ko ang sakit na bumalatay sa puso ko. Bigla akong napatayo. Napahilot sa sintido. "Kapatid lang ang turing k

