"Tama ang desisyon ni Alex. Para matahimik na tayong lahat," biglang wika ni daddy. Lihim naman akong napalunok. Alam kong walang lusot sa pagkakataong ito ang kakambal ko. Ang totoo, ang dugong tinutukoy nito ay wala akong nalalaman. Kahit ako man, nagtataka kung anong inilagay nito sa kama ni Alex kung talagang walang namagitan sa dalawa. Ngunit biglang nag-protesta si Sofia. Tumayo ito. "Daddy naman! Hindi pa ba sapat--" "Tumahimik ka, Sofia! Tandaan mong ikaw ang nasa kuwarto ni Alex!" Gulat itong napatitig sa sarili naming ama. "Malalaman natin kung nagsasabi ka nga ng totoo." Ngunit umiyak pa rin si Sofia habang umiiling-iling. "Ayoko daddy! Ayokong makita ng doctor ang katawan ko--" "Bakit hindi? Dahil natatakot kang malaman ang totoo?" gigil na wika ni daddy sa kakambal

