CHAPTER 28 (SOFIE)

1310 Words

ISANG mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. Ilang Linggo na ang nakalilipas simula ng makaalis ang kakambal ko. Hindi ko naman maitatangging namimiss ko ito. Dalawa na nga lang kaming magkapatid, nagkahiwalay pa. Ngunit laking pasalamat ko at hindi naman nagalit sa 'kin sila Tito at Tita Nandine. Ganoon din si Nhikira. Hindi ko nga lang alam kay Daniel. Hindi ko pa rin ito nakakausap. Nasa terrace ako ng marinig ko ang mga yabag. Si mommy. "Anak, nandiyan si Alex." Bahagyang napakunot ang noo ko. Ano naman kayang ginagawa niya rito? Alas sais na ng hapon ng mga oras na iyon. "Ano raw pong kailangan niya, mom?" Nang bigla itong ngumiti. Hinawakan ang kamay ko. "Ano ka ba, anak? 'Di ba ipinagkasundo kayo para ipakasal? Natural, nagsisimula na siyang manligaw sa iyo!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD