"Kuya Alex!" bigla akong napalingon. Napangiti ako ng makita si Sofia. Wala pa rin itong pinagbago. Halos takbuhin na nito ang pagitan naming dalawa. Napapailing ako habang humahakbang palapit sa dalaga. Bahagya akong nagulat ng yumakap ito ng mahigpit. Hinalikan pa ako sa pisngi na dapat ako ang gumawa rito! "I miss you!" wika nito. Nagugulumihan pa ako at hinawakan pa nito ang magkabilaan kong pisngi. Kaagad ko naman hinuli ang kamay nito upang ibaba iyon. Bigla yata akong nanibago rito. O Sadyang namiss lang talaga ako nito ng sobra? "Wala ka pa ring pinagbago!" wika ko. Hinawakan nito ang kamay ko. "Hindi mo ba ako namiss?" Sabay pa-cute nito. Natawa naman ako ng mahina. Ngunit lihim na gumagala ang paningin ko. Hinahanap ko ang kakambal nitong si Sofie. "Of course, nami

