2 years later... ISANG buntong hininga ang pinakawalan ni Alex ng makalabas siya ng eroplano. Sa loob ng dalawang taon, nanatili siya sa ibang bansa. Pinag-aralan ang pagpapatakbo ng kompanya. Doon na rin niya ipinagpatuloy ang kursong Business Ad. "Kuya!" Napangiti ako ng makitang tumatakbo si Nhikira. Lalo lang itong tumaba. Still, napakaganda pa rin! "Hi princess!" Sabay yakap dito at bahagyang ginulo ang buhok. "I miss you kuya! Ang guwapo-guwapo muna lalo! At lalo ka pang tumangkad!" Natawa ako ng bahagya nitong suntukin ang dibdib ko. "Wow ha? Ang tikas ah! Alagang-alaga sa gym, kuya!" nakangiting bulalas nito. "Ikaw din princess, ang laki ng pinagbago mo." Nagpipigil akong mapangiti. Kaagad nabura ang ngiti nito sa labi. "What? Lalo ka kayang gumanda!" Papuri ko. Ayo

