TUNOG ng sasakyan ang nagpapitlag sa akin. Muli kong sinulyapan ang sarili bago nagdesisyong bumaba ng kuwarto. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng marinig ko ang boses ng kakambal. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Nagbabangayan na naman ang dalawa. "Eww? Saan ang guwapo diyan?" Maingat akong bumaba ng hagdan. Nakapamulsa si Daniel habang nakangisi sa kakambal ko. Nakasuot na itong pangtulog. "Ayaw mo pa kasing aminin na guwapo ako." Tumawa naman ng mapang-asar si Sofia. "Magiging guwapo ka lang sa paningin ko kung ikaw na lang ang natitirang lalake sa mundo!" Sabay talikod nito. Bahagya itong nagulat ng makita ako. "Sofie!" Tumakbo ito palapit sa akin. "Ang ganda mo lalo, kambal!" Nginitian ko naman ito. "Thanks Sofia." Tumikhim naman si Daniel. "You look stunning

