NAGKAKASIYAHAN kami ng mga kaibigan ko habang naglalakad sa hallway, ng bigla akong matigilan. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita si Daniel na papasalubong sa amin. Kalalabas lang namin no'n sa Architect Department. Anong ginagawa niya rito? Lihim akong nataranta. Wala naman akong mapagtataguan at iisa lang naman ang daan. Kagat labi na lang akong napayuko. "Hoy, Fia. Natahimik--" Napahinto bigla si Nikka. Nang sabay-sabay kaming napalingon. Isang tikhim ang kumawala kay Daniel habang nakangiti at nakapamulsa. Dinaig pa talaga nito ang isang modelo. Bakat na bakat din ang muscles nito sa mga braso. "Hi!" Ngumiti ito sa amin. At gusto kong matawa sa dalawa at ito 'agad ang humarap kay Daniel. Bigla rin akong tinakpan ng mga ito. Kaya naman habang nasa likod nila ako, palihim

