"KUNG sabagay, dati ka naman talagang mabait. Malambing na anak, mapagmahal, pala-kaibigan, masayahin at laging nakangiti." Nang magpakawala ito ng buntong hininga. "Sadyang.." Bigla itong napahinto. Nang dahan-dahan ako nitong iharap. Napalunok ako ng haplusin nito ang pisngi ko habang 'di inaalis ang pagkakatitig sa mga mata ko. "Hindi ko na kayang itago pa ng matagal ang nararamdaman ko para sa'yo, Sofia. At tulad ng sinabi ko, gusto kita. Pero hindi naman kita pinipilit na gustuhin mo rin ako 'agad. Makakapaghintay naman ako, hanggang sa magustuhan mo rin ako. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na buksan ko 'yang puso mo." Napalunok ako sa harapan nito. Hindi pa rin ako makapaniwalang harap-harapan itong nagtapat ng nararamdaman para sa akin! Akala ko talaga, pawang kalukuhan l

