Tulala akong nakatitig sa laptop ko, ngunit kahit anong gawin ko, walang pumapasok sa utak ko. Ilang Linggo na ang nakalilipas, at hindi ko maikakailang hinahanap ko ang lalaking 'yon. Dati-rati naman kahit sa Supermarket bigla bigla na lang itong sumusulpot sa harapan ko. Pero simula ng sabihin kong layuan ako nito dahil may nobyo akong tao, hindi na talaga nagpakita. Aaminin ko naman na may lungkot na dumaan sa puso ko. Para bang kumirot 'yon at ganoon na lang ito kadaling maniwala. O sadyang iniisip nito na napaka-easy to get kong babae? Kaya na-dissapointment ito? Kumibot ang labi ko ng maramdamang uminit ang gilid ng mga mata ko. Ito ang dahilan kung bakit sa loob ng limang taong lumipas, iniwasan ko ang mga kalalakihan. Dahil natatakot akong umibig uli. Mahulog ang loob at

