HABANG kumakain ng cup noodles ng bigla akong matigilan. Namula ang pisngi ko ng punasan nito ang gilid ng labi ko. And damn! Hindi ko napigilang hindi makaramdam ng kilig sa buong katawan ko dahil sa ginawa nito. "A-ako na.." kandautal ko. Umiwas din ako ng tingin dito at amuse itong nakatitig sa akin. Gusto kong sabunutan ang sarili at ganito na lang ang pagka-ilang na nararamdaman ko sa lalaking ito. No'n, ni minsan hindi ko ito nararamdaman dito. Pero bakit ngayon? Para itong lalaking nagbibigay kakaiba sa pakiramdam ko? Kinakabahan ako sa t'wing nakikita ko ito? Hindi ako mapalagay kapag tumititig ito sa akin? At aaminin kung may takot sa puso ko ang ipinapakita nito sa akin. Natatakot akong mahulog ang loob ko sa mismong Kuya Daniel ko! Natuto na ako. At aaminin kong nakaka

